siyang pag-ibig ang aksiheno mula sa pagkalunod,
kapitan at hagkan ang inasang sumunod,
puwera mahigit dekada ang paghahanap;
isang taon lang ang pagkabuod:
isang teleserye, isang drama, isang pelikula,
naroon tayo gaya sa pagtatapos ng mga ekesena,
subalit ang atin ay unti-unting nawawala.martes, Maria Cohel Soles
Limang daan at labing-pitong araw na ang nagdaan simula noong nanligaw si Nin sa akin, dalawang buwan matapos namin magkakilala sa isang nakatatawang paraan.
Noong unang linggo, ang kinanta niyang awitin ay ang Dumaloy ng SUD. Marami ang tao nang hapong iyon. Simula nang naging banda sila sa resto na pagmamayari pala ng mama ni Nin, si Mrs. Sinyus, ay mas naging sikat ang resto lalo na sa mga kabataan. Iyon ang unang linggo matapos niyang umamin.
Wala talagang konkretong sagot mula sa akin dahil inis na inis ako sa kaniya noon.
Sino bang hindi kung iyong nakababata mong hinahangaan ay napansin ka sa nakahihiyang paraan? Kahit na kinikilig at labis ang saya ko noon, nagtagal bago maalis iyong pag-iisip mula sa akin na baka niloloko lang talaga ako nito.
Anim na buwan din siyang nanligaw. Sinagot ko siya nang sumali ako sa spoken poetry. Sumakto rin na sila pala 'yong back up band noon.
"Magandang gabi sa lahat! Ako si Jai—"
"Ako naman si Jan! Kami ang magiging host niyo para sa gabing ito."
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at tumingin nang diretso sa hindi gaanong kalakihan na entablado.
Nakatayo rito ang dalawang taong nakasuot ng hawaiian shirt; 'yong babae ay maliit at maikli ang buhok habang 'yong lalaki naman ay moreno at nakasuot ng maliit at makulay na sambalilo—pareho silang may malawak na ngiti.
Tumingin ako sa dalawang gilid ko at sa likuran pero puro estranghero ang nakita ko. Kinunot ko ang noo at kinagat ang labi. Nasaan na si Nin?
"Para sa ika–4 na taong pagdidiwang ng 'Isla Hulpon,' ginaganap namin ang maliit na event—katulad ngayong gabi—para sa mga taong may tago man o lantad na abilidad...”
Patayo na sana ako sa kinaupuan kong kahoy nang mahagip ng paningin ko ang nakatayo sa gilid ng maliit na entablado. Madilim pero matangkad ang bulto nito at may pamilyar na gitara ang nakasabit sa leeg niya. Nin?
"Yes, kambal! For our first volunteer, let's give a round of applause para sa napakagandang mangaawit mula sa bandang sikat na sikat ngayon, Nuelin from DioMZ!"
Napaawang ang bibig ko at humigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko. Nakangiting naglalakad si Nin sa stage, may maliit na kurba ang likod niya pero mas lalo lang lumakas ang ingay nang kumaway siya sa banda ko.
Halos mabingi na ako sa malakas na sigawan at palakpakan. Hindi naman gaanong maraming tao pero marami ang populasyon ng mga babae—tagahanga siguro sila ng banda. Napansin ko rin kasing may winawagayway na sign board ang iba.
"Good evening," pagbati ni Nin. Nakangiti pa rin siya habang nakaupo sa plastik na upuan sa gitna ng entablado. "I'm Nuelin Sinyus, main vocalist of DioMZ..."
"N-U-E LIN!" hiyaw sa malaking grupo sa bandang likuran namin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano sila kasigla. Nakangiti ang mga ito at sobra sa pagwagayway ng poster at letter board. Ang karamihan ay may nakasulat: “We love you, Lin!”
Ang sikap naman nila.
Maiksing tawa ang nagpalingon sa akin sa puwesto ng idol ng masa. Nakahawak sa mikropono ang kanang kamay niya habang medyo nakabuka ang pagkaupo nito. Nakapatong sa isang hita niya ang gitara. Nakasuot pala siya ng itim na sombrero at nakatali rin ang buhok niya. Puting t-shirt na may malaking "ace" sa gitna ang suot niya at tinirnuhan niya ito ng lagpas tuhod na short.

BINABASA MO ANG
counted
RomanceIt was a week agreement, and they had known that how the days would pass could only to be reminisce, and recount the remaining time they had. It was desperation; for past that could not be buried, for the time that passing quick enough to hitch a b...