pangalawa. Sabado

14 2 0
                                        


tatlong baraha ang inipit sa manggas,
nandaya na at naging marahas,
ilang beses man naging talo,
naubusan ng taya ngunit hindi sumuko,
subalit walang alas ang naibato pabalik,
pag-asa at tyansa tila malabo sa akin humalik.

sabado, Maria Cohel Soles






"Good morning."

Gulilat akong natapalon at umubo nang malakas. Halos maisuka ko na ang aking baga at lumabas din ang tubig mula sa ilong ko. Pinunasan ko ang ibabang parte ng mukha gamit ang ilalim ng palad habang hinarap ang rason kung bakit simula kagabi ay sabaw ang utak ko.

"Bakit ka ba nang gugulat?! Papatayin mo ba ako? 'Wag naman sana, Nin!" pagmamakaawa ko dito habang marahan niyang pinapalo ang likod ko.

"I'm really sorry. Are you all right?" nakasimangot niyang tanong. Kulubot din ang noo nito habang nakatitig sa akin.

Nakalugay ang buhok niya, kaya noong yumukod siya sa akin ay natatakpan ang ibang parte ng mukha niya. Napansin ko rin ang namumula at namamagang mga mata nito katulad kung gaano kaklaro ang maliit na nunal sa gilid ng baba niya.

"Col?"

"Ah!" Pilit akong umubo at binaba ang baso sa lababo. "Ayos na, ayos na," sabi ko habang mahinang pinalo palayo ang braso niya.

Tumingin muna siya sa mukha ko bago umayos ng tindig. Inilipat ni Nin ang pansin sa coffee maker na malapit sa kaniya.

“What do you want to do today?” tanong niya habang naglalagay ng burong kape sa coffee maker.

Nang matapos ay lumingon siya sa akin at sumandal sa lababo. Hanggang bewang niya lang ito kaya ang mga paa niya ay nakaunat sa daan. Medyo nakakuba rin ang likod niya pero halos pantay ang ulo niya sa kabinet sa itaas.

“Col?" tawag niya sa akin nang nakataas ang kilay.

Alanganin akong ngumiti at lumapit sa lamesa bago naghugot ng upuan. Umupo ako at hinalo ang mainit na gatas gamit ang kutsarita.

Ano nga ba ang gusto kong mangyari? Sa totoo lang gusto kong itigil ang kahibangang ito. Tinapos na namin ang relasyon nang may katuwiran pero nagsasama pa rin kami sa loob ng isang linggo. Napapaisip talaga ako kung bakit itong paraan pa ang napagkasunduan namin.

Para saan ba talaga, Col? Closure? Hindi rin. Bakit kasi kailangan pang pahirapan ang sarili kung wala na talaga? Wala na ba talaga? Sumusugal ka na naman.

"Ikaw?" tanong ko pabalik.

Ayaw kong lumingon. Wala ng tunog ang coffee maker at tanging pagsalin ng tubig sa baso ang naririnig ko kasama ang pagpatak sa lababo. Siguro iyong gripo ito.

Ininom ko ang gatas kahit medyo napaso ang dila ko. Ayaw ko ng ganitong katahimikan. Ang awkward at nakasasakal. Hindi naman ganito ang dati.

Nag-angat ako ng tingin nang hinugot niya ang upuan sa harapan ko. Hawak niya iyong puting tasa na may itim na oso sa gitna. Nagbaba ako ng tingin sa baso ko, kulay itim ito na may puting oso rin.

Kinagat ko ang ibang labi at tumingin sa kaniya. Buhay ko talaga ang nakataya sa sugal na ito.

"How about we go for a roadtrip?"

Tinapik-tapik ko ang aking hita kasabay sa instrumental na panimula ng Robbers. Nasa passenger seat ako nakaupo. Hawak-hawak ko ang seatbelt habang nakatingin sa labas ng bintana.

Si Nin ang nagda-drive dahil wala naman akong driver license. Wala rin akong kotse para kumuha ng lisensya—kahit na mag-bike ay hindi ako marunong.

Ito ata ang unang beses na umalis kami na kaming dalawa lang sa kotse. Kadalasan kasi sa gig nila o sa mall lang ang punta namin. Minsan naman kasama pa ang kabanda ni Nin. Masaya naman, iba lang sa pakiramdam na nasa isang daan kami ngunit pareho kaming may opinyon kung saan kami hihinto.

countedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon