(A)

1 0 0
                                    

"Tumayo ka nga, George. Ano ba? Nakakahiya," naiinis na pilit kong pinapatayo si George na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko dito sa mismong gitna ng plaza kung saan ako tumatambay palagi. "Tumigil ka na nga kasi,"

Halos magmamadaling araw na pero ang dami pa ding mga tao na nandirito, karamihan ay mga magbabarkada o magjojowa ang nandito. Maingay pa din ang paligid. May nagsisigawan. May naguusap na parang sumisigaw. May nagtatawanan at iba pa. Gaya lang ng gusto ko. Mas gusto ko ng maingay kesa sa tahimik.

"No," mariin na sabi ni George. "I won't get up until you come back to me."

"George," nagpapasensyang tawag ko sa ex ko na ilang araw na ang panay sunod at pangdidisturbo sakin. "Ano ba, tapos na nga tayo."

"I want a second chance. One more chance, please. Hindi na mauulit, hindi na." inabot ni George ang kamay ko na agaran kong hinablot mula sa kanya. Second chance? T-angina.

"Ilang chances ang binigay ko sayo, George. Ilang chances, hindi lang isa o dalawa. Habang tayo pa, unlimited pa yon. Na-bankrupt na ako kakabigay ng chances sayo." mahina ang pagkakasabi ko non pero sapat na para marinig ni George. "Tumayo ka dyan, pinagtitinginan na tayo ng tao." pilit ko ulit syang pinapatayo pero tinabig lang nya ng malakas ang kamay ko.

"No!" agad na napabuntong hininga ako. Ito na naman po tayo. "Come back to me, I'll be better! I'll become better for you! Just—please, mi reina, come back. Come back," napaiwas ako ng tingin nung magsimulang tumulo ang luha ni George. "Let's—let's fix this, mi reina." napapikit ako ng mariin nung tinawag nya ako sa endearment nya sakin na gustong gusto kong marinig noon, natutuwa ako noon at kinikilig. Pero ngayon puro lungkot ang naaalala ko kapag naririnig ko iyan.

Halos rinig ko ang mga sinasabi ng mga tao, kahit umaakto silang bumubulong. Naririnig ko ho kayo. Halos lahat ata sila ay naroon kay George ang simpatia. Halos lahat ng nandito at nakakarinig samin ay iniisip na ako ang umaapi. Nakakainis! Wala naman kayong alam!

"Bumitaw ka na, George. Ano ba. Give Belle some space." biglang may humila kay George patayo.

"Rina babes," halos maiyak iyak na tawag ko kay Rina who gave me a side glance and a small apologetic smile.

"Bitaw nga!" pilit inaalis ni George ang kamay ni Rina na nakahawak sa kanya pero Rina pinned her to the ground, only using her hands. Not exerting too much energy.

Sheeesh! Ang hot hot naman ni Rina babes!

"Shut the f*ck up, George. I am so done listening to your bullshit lullabies." bumuntong hininga si Rina saka tinignan ako. "Run along, Belle."

"Thanks, Rina babes." hinalikan ko ang pisngi ni Rina bago tumakbo palayo.

Dapat makikipagkita ako kay Erich eh kasi bobonding sana kami. Kaso inindyan na naman ako ng gagang yon dahil sa boyfriend nya kaya dito ako tumambay.

Pagkasakay na pagkasakay ko sa jeepney ay agad na napalingon ako sa gawi nila Rina. Nagpupumiglas parin si George habang si Rina ay halos imudmud na sa sahig ang mukha ni George.

Kitang kita ko din ang kelakas lakas na pagbatok ni Rina kay George nang makawala si ito sa kanya.

Napabuntong hininga ako saka dinial ulit ang number ni Erich. I can't believe she ditched me 4 times in a row!

"Hell—,"

"Nasaan ka ba? Noong nakaraan mo pa ako hindi sinisipot!"

"Hey, Belle." agad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang nagmamay ari ng boses. "Si David to."

"Nasan si Erich? Bakit mo hawak ang phone nya?" agad na nakaramdam ako ng inis. Invasion of privacy tong letseng David na to.

"Nasa C.R kasi si Erich, bigla kasing sumakit ang tyan non." pagrarason nya.

"Nasan ba kayo? Puntahan ko kayo." Baka kung ano ano na naman ang pinakain ng siraulong to kay Erich.

"Malapit sa Myka's,"

"Ano?!" halos lumuwa ang mga mata ko sa naging sagot nya. Napalingon ako sa mga kapwa ko pasahero at nahihiyang nagpaumanhin.

Kilala ang Myka's sa mga masasarap na prutaheng sineserve nila, pero halos may halong nuts ang mga prutahe nila. Allergic sa nuts si Erich!!!

"Ga—,"

"Elephant, ayos lang ako." agad na kumalma ako nang marinig ko ang boses ni Erich. "David, sinabi ko na sayo na wag pakealaman ang gamit ko diba?" pagkausap nya sa boyfriend niya na narinig ko namang nagsorry sa kanya.

"Nasan ka hoy? Apat na beses mo na akong inindyan ha." asar na sabi ko kay Erich.

"Monthsarry kasi namin, Belle. Sorry. Babawi nalang ako next time kapag wala akong lakad."

"How about bukas?"

"May lakad kami ni David bukas at sa mga susunod na bukas, diba sabi ko sayo na may reunion sila at isasama ako ni David."

"Hanggang kelan kayo doon?"

"Siguro by next week?"

"Makakauwi ka ba sa Wednesday non?"

"Hm, hindi ata. Bakit? Anong meron sa Wednesday?"

"Wala naman, sige na. Bye bye na, Erich. Ingat kayo." agad na pinatay ko ang tawag at ibinulsa ang cellphone ko.

Birthday ko sa Wednesday, siguro nakalimutan lang ni Erich kasi madami syang lakad. Sunod sunod pa.

Napabuntong hininga nalang ako at sinawalang bahala ang lungkot na naramdaman ko saka tumingin sa paligid ko.

Madilim na din. Iilan lang din ang mga pasaherong nandito sa jeepney.

Ilang minuto pa ay pumara ako saka nagbayad bago bumaba sa may yellow box, sa kanto lang non ay ang condo kung saan ako tumitira, nang biglang bumagsak ang malakas na ulan.

Naiangat ko ang paningin ko at pinagmasdan ang halos itim na kalangitan, kahit isang bituin ay wala akong makita.

Ramdam ko ang ginaw dahil sa malakas na hangin at ang lakas ng ulan pero parang manhid yung katawan ko.

At ang weird lang dahil gusto ko ang nararamdaman ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka himinga ng malalim habang nakatingala pa din.

Nang biglang wala na akong maramdaman na patak mula sa ulap, kaya napamulat ako at nakakitang hindi na langit ang tinitignan ko. Kundi ang ilalim ng payong.

"Magkakasakit ka talaga kapag nagbabad ka pa," napatingin ako sa taong nagsalita.

O, Diyos ko. Siya na ba ang soulmate ko?!

DAMAGED ITEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon