Ako nga pala si Liam-1st

129 5 10
                                    

Ako nga pala si Liam.
Juan Liam ang binigay na pangalan sa akin ng nag-ampon sakin.

Oo, ampon ako.
Inampon ako ng mayamang matandang lalaki na walang asawa. May ampon pa syang isa. Babae. Lianna naman ang pangalan. Mataray yun at bukod sa mataray ay mataray lang. Yun lang. Hindi ko sya tinuturing na kapatid dahil hindi naman talaga.

Ansama ko ba?
Basagulero ako. Wala akong pakealam sa di ko kilala. Hindi na ako nag-aaral dahil nakick-out ako. Ang baba naman kasi ng mga grades ko!

Mabuti pa ako nito sa lagay kong ito. Mabuti pa ako kumpara dun sa mga drug addicts na pinapatay ang sarili nila.
Mabuti pa ako kumpara sa mga rapist sa tabi-tabi.
Mabuti pa ako sa mga walang ginawa sa buhay kundi magpakamatay dahil nabroken hearted o kung ano mang bullshits yan. Pasensya na, broken hearted din ako ngayon. Pero hindi ko naisip magpakamatay. Sayang naman yung masarap kong buhay. Mayaman yung umampon sakin eh. May sarili pa akong condo tapos may kotse pa akong secret yung brand :P Haha

Physical appearance ba?
Maikli ang mga pilik mata ko. Matangos ang ilong. May kaunting bigote na tumutubo sa may ilong ko. (Aahitin ko na nga mamaya)
Manipis ang labi ko. Kahit tingnan mo pa. Tss. May abs ako. 6 pack kaso nawawala na. Napapabayaan ko na kasi. Matangkad ako. 5'9 siguro o baka 6 footer na. Di ko tanda. Basta yung parang model kasi model naman ako. Heto nga at kakatapos lang nung photoshits at naisipan kong ibuhos ang hinanakit ko sa pagsusulat.
Back to physical appearance.
Black ang buhok ko. Dati.
Nagpakulay kasi ako ng dark brown. Trip ko lang. Makinis ang mukha ko. Kailangan kasi model nga diba? Pero mas kailangan ko nga pa lang alagaan ang katawan ko. May scar ako dun sa may lower left back side of the neck. Gets? Basta, sa may batok sa parteng baba.

That scar is another story...


Anong klaseng kwento ito?

Masasabi kong SPG ito dahil madalas akong magmumura at yung ibang taong ilalagay ko dito.
Medyo comedy minsan.
Horror?
Tsaka na.

Ang totoo nyan...


Love story ko ito at nung pinakamamahal kong babae na nagpabago sakin at nanakit lang sakin.

"Magcomment ka naman kung gusto mo. Ito na kasi ang last na makakapagpakilala ako sa iyo kasi sa mga susunod, istorya na namin ng girlfri--ex girlfriend pala, ang isusulat ko."pagmamakaawa ko sa nagbabasa ngayon. (Oo ikaw na nga)

--------
Ako nga pala si Liam
at dito nagtatapos ang Chapter 1.

Ako nga pala si LiamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon