Ako nga pala si Liam-9th

30 3 1
                                    

Ako nga pala si Liam-9th




Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin syang sagot sa tanong ko. Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang siya ay bahagyang nakatungo at ako naman ay nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot. Napailing ako nang mapansing hawak ko pa pala ang mga kamay nya simula nung tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa damit ko kaya marahan kong ipinatong ang mga iyon sa magkabilang tabi nya dahilan para mapalapit ako sa kanya. Napatingin naman sya sakin. Binigyan ko sya ng blankong tingin bago nagsalita.


"Kumain na tayo para maiuwi na kita sa inyo. O gusto mong bumalik nalang sa Joker?"tanong ko habang naghahanap na ng makakain namin.


"Babalik nalang ako sa Joker..."malungkot? Bakit parang malungkot sya?


Ah, teka, may naalala ako.

"Ibibili pala muna kita ng maiisuot mo para naman hindi ka naman nakaganyan pagbalik mo dun, baka sabihin nila kung ano na ang ginawa ko sayo"sabi ko at kinuha ko na ang isang tuna can at dalawang itlog sa ref. Ipiprito ko nalang, breakfast pa rin naman namin to kahit ganitong oras na kami kakain.


Kinapa ko muna yung CP ko sa bulsa at tiningnan ang oras.

11:00 am. Sakto.


Nagluto na ako at si Maria naman ay naghanda nalang ng mesa. Pagkatapos magluto ay kumain na kami. Hindi ko sya kinakausap dahil mas gusto kong kumain kesa makipag-usap sa kanya. Gutom ako kaya mabilis namin naubos ang mga pagkain. Pumunta nako sa sala para kunin ang susi ng aking kotse.

Naghuhugas pa kasi si Maria ng kinainan namin kaya umupo muna ako sa sofa at binuksan ang TV.


Nanuod nalang ako nung kahit ano, basta may mag-ingay lang dito sa condo ko. Nakakailang eh.


(Playing Angel of death by Axxis)

Tiningnan ko naman ang caller. Si Lance lang pala.


"Bakit?"tanong ko agad.

["Bakit bigla kang nawala kagabi? Hindi ka na namin natawagan, nalasing yung dalawa, inasikaso namin"]sabi nya

"May emergency kasi si Mom"muntik pa akong matawa sa sinabi ko.

["WEH! O baka naman may nabingwit ka nang isda! Hahahahaha!"]


Tss. Saya nya ano?

"Wala, may emergency lang talaga si Mom, may sinabing mahalaga kaya pinapunta ako sa kanila"

Haha, improving ata ako sa pagsisinungaling ngayon ah?

["Talaga lang... Eh ano naman yung sinabi ni Roan sayo?"]usisa pa nya. Kulit eh. Maka'Roan'! Sabagay, magkakasingtanda lang sila halos. Ako lang namang ang pinakabata samin eh.

"Basta, tungkol lang sa trabaho, wala ka na bang kailangan? May pupuntahan pa kasi ako"

["Tss, meron daw pool party kila Patrick. Birthday nya bukas diba?"]


Aish! Oo nga pala! Buti pinaalala nya!

"Oo nga, birthday nga nya, anong oras daw?"sabi ko at pinatay ko na yung TV dahil naramdaman ko na ang presensya ni Maria sa may likod ko.

Ako nga pala si LiamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon