Ako nga pala si Liam-3rd

53 3 0
                                    

Ako nga pala si Liam-3rd

(10:00 pm)

Woah, its already 10? Di pa ako naghahapunan. I was like...

Sitting in the couch, watching ramdom movies while eating junkfoods.
At ngayon ay tamad na tamad akong tumayo. May tumatawag nga kanina eh, di ko manlang sinagot kahit nasa bag ko lang yung phone ko na katabi ko lang. Antamad ng pakiramdam ko. (Epekto ng junk foods sayo!)
Parang gusto ko na ngang dito matulog eh. Sana pala nagpalagay pa ako ng TV sa kwarto. O kaya naman, pinalagay ko nalang itong TV na ito sa kwarto ko.

"D-diba... M-mahal mo naman ako?"mangiyak ngiyak na sabi nung babaeng mataba.
"Mahal nga kita... Pero hindi ko na kayang tiisin ang katakawan mo... Nasasaktan ako sa tuwing nauubusan ng sarili kong luto... Nagugutom ako nang dahil sayo..."mahinahon na paliwanag ng lalaki. Hindi ko na tuloy alam kung matatawa ba ako o maiiyak? Pero sa huli, mas pinili kong matawa.
"Anong sabi mo?! MATABA AKO?! EH IKAW NGA! PATPAT! MAPALAD KA SANA NG SARILI MONG HANGIN!"galit na sigaw nito at tumalikod. Hinigit naman ito noong lalaki. "Patpat pala ha?! Kung patpat ako, BABOY KA!"tapos binitawan na sya at yung lalaki pa ang unang nagwalk out. Yung babae naman napamura nalang. Yung itsura nya nakakatawa.

Nilipat ko na nung nag-iba na yung scene. Nakaramdam naman ako na kailangan kong magcr kaya kahit tamad na tamad ako ay tumayo na lang ako at pumunta sa cr sa may kusina.

Pagkapasok ko ay hindi nako nag-abalang magsara ng pinto. Sanay na akong ganoon kasi lagi akong solo dito. Wala akong kasama.
Samahan mo ako? Haha joke lang.

"AAAAAAAAAAH!"tili nung babae sa TV.
"AWW! IT HURTS! TAMA NA! AYOKO NAAA! AAAAAAAAHHHH!"nagpupumiglas yung babae. Pagtingin ko sa screen napaiwas agad ako at hinanap nalang yung remote para patayin yung TV. P*t*ng*n*ng dugo yun! Sht! May dugo! Sht! Kung nakita mo lang yung dugong tumatagaktak! P*ta! Ayoko na! Napapikit nalang ako at napasandal at tumingala.

*Playing Angel of death by Axxis*
(Ringtone po yan ng phone ko na...
Pink =_=)

Nagmulat na ako at kinuha ang maingay na cp.
Si Ken pala ang tumatawag.
(Si Kenneth "Ken" Divion Javar nga pala ay isa sa mga kaibigan/kabarkada ko. Siya kasi yung pinakamatanda sa aming magkakaibigan/magkakabarkada kaya parang siya ang leader. Bossy yan.)

"Bakit?"tanong ko
["Hoy! Kanina pa ako tumatawag! Sumama ka sa amin bukas sa Joker"] Kita mo? Bossy yan. Di manlang-'Pede ka ba bukas? Sumama ka sa amin sa Joker ha?'
"Bakit? Anong meron?"
["Haaay! Wag ka nang maraming tanong! Pumunta ka na lang at malalaman mo!"] Galit na nga si boss...
"Osige, anong oras ba?"
["7 pm. Maghanda ka ng maraming pasensya. Kilala mo naman si Marco ah"] Ow... Mukhang alam ko na ang mangyayari ah...
"Bakit? Broken hearted na naman si Marco?"
["Oo, lagi nalang. Sige na! Sa dating pwesto pa rin. Wag kang magpalate kung ayaw mong iwanan ka namin"]
"Ay teka pano pag--" *TOOT.TOOT.TOOT.*

Call ended 44 seconds.

Tss. Lagi nalang ganun si Ken.
(Ay shanga, si Marco nga pala. Pete Marco Barnes. Good boy yang si Marco. Mapera pero laging naloloko ng mga nagiging girlfriend)

Pumunta na ako sa kwarto at kumuha ng towel at dumeretso sa banyo sa loob ng kwarto.
Naalala ko lang na isesend nga pala ni Mom yung requirements ngayon kaya lumabas ulit ako para buksan ang laptop ko. Naglog in na rin ako ng e-mail account ko nung nabuksan at pumunta na ulit sa banyo.

Maliligo pa ba ako? Nakakatamad. Maghihilamos nalang ako at magtotoothbrush. Wala namang makakaamoy saken. Haha

Pagkatapos magtoothbrush, maghilamos at punasan ang mukha ay lumabas na ako ng banyo at pumunta sa harap ng closet para magbihis. Gray shirt at blue, black and gray checkered na boxers. Yung shirt lang ang pinalitan ko kasi suot ko na yung boxers kanina pa.

Lumapit ako sa laptop at nakita na ang message ni Mom. Meron pang iba pero yung kay Mom lang ang binuksan ko. Umupo ako sa gilid ng kama at iniharap yung laptop sa akin.

Makapanuod kaya ng video? Yung mga video na maganda. Maganda yung nasa video. Basta. Yung magagandang panuorin. Hehe

Loading...

Mga 3 seconds lang at nag-open na.

[Mga kailangan mo sa next photoshoot on February:
Since daw nasa month na ito ang Day of Hearts, magfofocus daw tayo ay sa mga couples. There would be the featuring of Adam&Eve, Florante at Laura, Anthony and Cleopathra, Romeo&Juliet and others.
So isa lang ang ibig sabihin nun. You will be working with partners. Ang sabi lang ni direct, mas maganda na comfortable kayo sa babae na makakatrabaho nyo. Meron na syang mga napili BUT...

Kung may mga girlfriends daw kayo at mas comfortable kayo sa kanya ay iinform nyo na daw agad sa mga managers and kami na ang bahala dun. Ang kaso nyan Liam, dahil alam kong wala ka namang girlfriend, nasabi ko na agad na "BAKA" yung models na talagang pinili nya ang ipartner sayo.]
---

Shit. Working with girls? Pasensya na ha pero...
Hindi kasi ako sanay makisalamuha sa mga babae. Yung mga kasing edad ko ba. Lalo na at mga dalaga. Parang pakiramdam ko pag lalapit ako sa kanila, mangangagat sila.
Haha, joke lang. Hindi lang talaga ako sanay. Except for Mom. Kaclose ko naman na yun. Pero dati talaga, hindi ko kinakausap. Hahaha.
Hindi ako takot sa babae. Hindi lang sanay makisalamuha sa kanila.

After reading some messages na galing lang siguro sa kung sino-sino ay naisipan kong magreply kay Mom.

To: Roan Nierva

[Sa tingin ko mahihirapan akong makatrabaho ang babae. Kahit na po madaling oras lang yan.]
---

Pagkasend nun ay naisipan kong buksan yung website na lagi kong pinapanuoran ng videos you-know-what-it-is. (Kesa naman direkta kong sabihin sayo)

*Roan Nierva replied to your message* ang sabi sa notification.

When I openned it, it says...

[Hahah, kaya mo yan! Just think about what you thought when you finally talked to me. Isipin mo na rin na kailangan mo kasing gawin yun. Or baka naman meron kang babae na natitipuhan makatrabaho? Better kung sakali. You can do it! Hahaha]
---

Napangiti ako sa thought.
Ang inisip ko kasi dati ay ganito...

"Hindi yan nangangagat. Kailangan kong sabihin na bukas yung zipper nya kesa may makabastos pa sa manager ko. Puro lalake pa naman dito"

Takot ko lang na marape ang nanay nanayan ko. Hahaha
Konsensya ko pa. Oo alam kong OA kung rape agad pero hindi kakayanin ng konsensya ko kung mangyayari yun sa kahit na sinong babae kahit kaunting abuso lang sya.

I replied.

[Kung hndi nga b nanay ang turing ko syo eh. Hahah. And besides, konsensya ko pa un]
---

Then I checked the other tabs. Nagload na yung mga videos. Papanuodin ko nalang pag naglog out nako. Para walang istorbo. Hehehe

Nagreply na si Mom.

[Yan ang napapala mo sa pagsusungit sa mga babae. Naaawkwardan ka tuloy. Pati yung ate mo di mo manlang kausapin. Bahala ka. Ikaw din ang kawawa. :P
Hahah, by the way, kailangan ko na palang umalis. Tawag ka nalang if there's an emergency. Bye!]
---

Yun lang at wala na. Hindi nako nagreply. Hindi na rin naman nya mababasa kasi aalis na daw siya diba? Kaya naglog out nako at nanuod na lamang ;)
Yeah. Ganda.

--------

Kung hindi mo alam yung tinutukoy ko na video...
Ang pinanuod ko ay porn. Pasensya na, yun talaga eh. Tss, hindi na naman ngayon ah. Wag ka na maturn-off oh.
Mawawalan pa ako ng readers. Tsk.
Tapos ang magulo dito ay yung-- kung ayaw kong inaabuso yung mga babae, bakit ako nanunuod ng ganito?

Hulaan mo :)

--------
Ako nga pala si Liam
at dito nagtatapos ang Chapter 3

Ako nga pala si LiamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon