Ako nga pala si Liam-8th

53 2 0
                                    

Ako nga pala si Liam-8th


POINT OF VIEW NUNG BABAE A.K.A. BABE


Nakasimangot ako habang nakahalukipkip na nakaupo sa back seat habang si Fafa Liam ay nagdradrive at yung 'Mom' nya ang nasa passenger seat. Hay kainis! Bakit kasi naiwan ko yung phone ko sa damit ko? Tapos yung damit ko naman naiwan ko sa banyo! Psh, hindi tuloy ako makatawag sa kahit sinong kaibigan ko sa Joker. Baka pati yung boss ko hinahanap na ako. Kahit kasi tuwing gabi lang talaga ang trabaho namin, chinecheck pa rin nya kami tapos may pinapagawa sya samin pag umaga. Some sort of crappy business. Tsk


"So, Liam? Is she your girl in the next photoshoot?"narinig kong tanong nung Mom kay Liam. Anong photoshoot naman yun? Nasa labas ang atensyon ng mga mata ko samantalang nasa kanila ang atensyon ng mga tainga ko. Ayos ba? Chismosa kaya ako!


"No."matigas nyang sabi. Napatingin na ako sa unahan para makita ko sila. Seryoso naman sila? Napatingin rin ata si Mom kay Fafa. Bakit hindi? Teka, ano ba kasing photoshoot? Dont tell me model yang si Fafa Liam? Well, bakit hindi, diba?


"I prefer to work with real models"

Huh? So model nga sya?


"Okay. Ikaw bahala. Pero I was just thinking, maganda naman tong si..."napaharap sya sakin tapos binigyan ako ng 'ano nga ulit pangalan mo?' look.

"Maria po" I smiled.


"Oo nga, Liam. Maganda naman tong si Maria... At ang ganda pa ng katawan, ah! Pedeng pede maging model yan. Pero yun ay kung papayag ka?" humarap sya sakin nung tinanong nya yun.


Ano daw?! Like OMG! Pede daw akong maging model?

Pero sabagay, mas maganda naman kasing maging model kesa babaeng bayaran sa bar, diba? Like duh! Baka nga mas marami pa ang maging sweldo ko kung magmomodel ako diba? Kung ganun... It means model itong si Fafa L? Owmaygash! Ang swerte ko naman!


I shrugged. "Okay lang naman po sakin kung kukunin nyo akong model"

Bakit ako tatanggi sa grasya? Sayang din! Baka mawala pa, eh.

"So, what do you think, Liam?"tanong nung Mom.

Feeling ko, di naman sya nanay ni Liam. Hindi naman kasi kamukha eh! Pati mukhang medyo bata pa sya para maging nanay?


Hininto naman ni Fafa yung kotse dito sa may entrance. Dito na pala nya pinark.


"Dont ask for my permission. I dont even own this girl"sabi nya tapos lumabas agad ng kotse at marahas na sinaraduhan ang pinto. Bakit parang badtrip si Fafa Liam? Pero infairness, ang gwapo nya magalit. Ay? Ano daw?



POINT OF VIEW KO

(si Liam)


Im not in the mood. Badtrip! Tama bang magtanong sakin ng permiso eh hindi ko naman pagmamay-ari yung babaeng yung! Tss...


Iniwan ko lang sila sa kotse at dumeretso nang maggrocery kahit hindi ko alam ang mga kailangan. Buti nalang at maunti ang tao at puro nanay ang naggrogrocery. Walang makakakilala sakin. Tinanggal ko na ang shades ko at sinabit sa may leeg ko.

Ako nga pala si LiamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon