Ako nga pala si Liam-7th
WARNING: ANG CHAPTER NA ITO AY MAY MGA TEKSTO NA HINDI DAPAT GAYAHIN.
--
POINT OF VIEW KO
Tuluyan na kaming nakaakyat dito sa floor ko at dumeretso sa dulo ng hallway. Tumingin ako sa parteng baba para ienter ang code pero nung pipindutin ko na ang pangalawa sa huling numero ay biglang bumukas ang pinto dahilan para matamaan ang noo ko. Nagulat nalang akong napaatras at napasapo sa noong tinamaan ng pinto. Pota masaket!
"Patay"bulong nung babae. Abat mukhang may binabalak itong babaeng ito ah! Tangna, sakit ng ulo ko!
Shit. Andito nga pala si Mom. Nagkatinginan kami ni Mom tapos umiwas ako para tumingin ulit dun sa babae na hawak yung damit nya at...
Damn! Kailangan kong gumawa ng palusot!
Pretend....
POINT OF VIEW NUNG BABAE
"Patay"bulong ko nalang nung maabutan nila ako. Nakita kong nakahawak yung lalake sa noo nya tapos ang sama ng tingin sakin pero agad rin nyang tinanggal yung kamay nya sa noo nya tapos nagkatinginan sila nung kasama nya tapos tumingin ulit yung lalake sakin.
OMG. ANG GWAFU NYA! Parang may lahi? Half ano kaya sya?
Seryoso! He's handsome and--
Bigla nya akong nilapitan at hinila ulit papasok habang nakangiti. Pero parang pilit lang? Omagash! Gwafu talaga!
"Gising ka na pala, kumain ka na?"tanong nya tapos hinawakan ako sa bewang tapos may binulong..... Nakiliti naman ako!
"Just pretend your my girl"mahinang bulong nya na siguradong ako lang at siya ang makakarinig. Sayang akala ko pa naman totoo na! Haist!
Napatango nalang ako. Tatanggihan ko pa ba? Ninakawan ko na nga tatanggihan ko pa? No way highway! Hihihihi
"Hindi pa ako kumakaen"malambing tone. Hihi landi ko! Pretend im his girl daw diba? Edi panggap! Lalandiin ko pati sya. Well, trabaho lang! Mas malandi, mas maraming pera! O diba? San ka pa? Pero nakalimutan ko na talag aang kagabi eh? O baka lasing ako?
"Uhm, ano nga ulit pangalan mo?"pabulong na tanong nya. Di nya alam? Magash! Akala ko ba nag'ano' kami kagabi? Well, sabagay marami naman akong naka'ano' na di ko kilala. Hayy!
"Just call me-babe"malandi kong sabi sabay halik sa kanyang pisngi na kinagulat nya. Hehe wrong move ata.... Pero okay lang! I wont regret it! This is my chance! Minsan lang ako may costumer na gwapo ah! Madalas puro matanda at manyak. Psh. Trabaho lang. Sorry naman!
"Why did you--?"
"Liam, i'll go to your kitchen na para malaman ko ang ipaggrogrocery natin. Go change! Both of you!"utos nung babae na medyo middle age. Kaano ano naman ni Liam yan? Liam daw diba? Ang gwafu din ng name nya! Hihih..wait! Kaano ano nya yong babae?
BINABASA MO ANG
Ako nga pala si Liam
Roman d'amourAko nga pala si Liam. Hindi mo ako kilala? Juan Liam ang pangalan ko. Kilala mo na ako? Hindi pa rin? Magulo ba? Mas magulo ang buhay ko... Buhay ko simula noong nagmahal ako. Hindi mo talaga ako kilala? Dito sa istoryang ito makikilala mo ako. Yung...