Ako nga pala si Liam-2nd

72 2 0
                                    

Ako nga pala si Liam-2nd

(January 3, 5:00 pm)

*click, flash*click, flash*
Pose lang nang pose. Si Direct na ang bahalang pumili dito. Haha
"Hold that pose!"ginawa ko naman ang gusto nya. Tumigil ako sa ganoong posisyon.
"Great! Now, be naughty"si Direct yan. Demanding as ever. Haha director nga diba? Mas maganda sa mga directors ang demanding para alam mong gaganda yung gawa. Pero ayoko nung over demanding.

I put on my killer smile while still crossing my arms and leaning at the wall *click, flash*
Then I winked *click, flash*

"Good job!"he said. "Let's have a break!"he announced.
Ako naman ay umalis na dun sa stage.

Inaayos nung iba yung mga camera and stuffs nila.
Hinubad ko naman itong long-sleeve na mabanas kaya nakahubad nako. Tsk. Yung mga tingin na naman nila. Haha sorry girls, Im just hot.
"Yung mga kasunod magready na!"he announced. "Asan na ba yung pagkain ko?!"pagalit nyang dagdag habang hinahanap. Dumeretso ako kay kuya Nathan sa harap ng computer na syang katabi naman ang manager ko.

Pagkalapit ko, napatingin agad sila. Pinupunasan ko kasi yung katawan ko. "Can you wear a shirt? Mamaya lamigin ka dyan, kawawa naman ang alaga ko~"si manager.
"Yeah, whatever Mom. Where's my shirt?"tanong ko na lang at tumingin na sa screen ng computer. Si kuya Nathan naman may nakitang nakapose ako na nakatagilid sabay zoom nya sa may leeg ko. Alam na kung ano yan.

"Should we edit this?"tanong nya habang ginagalaw ang cursor sa may scar ko.
"Ano sa tingin mo, Liam?"my manager asked as she gave me a white shirt. Agad ko namang sinuot.
"I think you should ask the director"ako.
"Okay"tipid na sagot ni kuya Nathan.
Tumayo na ako ng maayos at hinanap ko yung bag ko na nasa tabi pala ni manager kaya pinuntahan ko para kunin. Si manager Roan nga pala a.k.a. Mom. Mom ang tawag ko kasi simula noong maging manager ko sya, para nang nanay ang asta nya. Kaya Mom ang tawag ko. Wala naman kasi akong nanay eh. Tatay lang na mayaman at matandang wala pang asawa.

"Uh, Mom, may kasunod pa po ba akong schedule this day?"magalang kong tanong habang hinahalungkat ang bag ko.
"I think... Wala na"
Napatingin ako sa kanya.
"Wala na pero may bago agad schedule sayo. Next month pa siguro yun. Ayaw mo no'n? Mahaba-haba ang time mong magrelax? Makipagbonding ka nalang sa tatay mo, ayaw mo? Or sa kaibigan mo?"sabi pa nya. Napatikhim lang ako at naghalungkat ulit sa bag ng tubig kong baon. Tsk, ang init ngayon. Nakita ko yun at agad na uminom.

Makipagbonding manlang sa tatay?
Ang last kong naaalala ay yung bonding na nag-usap lang kami tungkol sa pag-aaral ko. Nagalit lang naman sya at babawiin pa sana yung kotse kong kabibigay lang din nya noong araw na yon. Buti hindi binawi.

Tapos nakong uminom. Siguro yung sinabi nalang ni Mom na makipagbonding sa mga kaibigan ko.

"Hey Liam? Uuwi ka na ba? Sabay na tayo, sasabihin ko na rin sayo yung mga kailangan sa next photoshoot"sabi nya at sinukbit na ang bag nya at nagpaalam na kay kuya Nathan tsaka naglakad papunta kay Director na kumakain. Nilagay ko na sa bag ko yung inumin at sumunod na kay Mom at Direct na may pinag-uusapan.

Actually, sa nakikita ko, bagay sila. Haha single rin ata itong si Direct eh? At mukhang masaya naman silang mag-usap.
"Haha, by the way, magaling itong si Liam ha? Walang palya yung mga pose, akala mo eh may pinopormahan talagang babae. Haha, meron nga ba?"baling nya sakin.
Umiling lang ako at ngumiti. Nakangiti lang din si Mom.
"Aba, dapat meron na? Sabagay, okay lang yan iho, love is patient naman, hahahahah! Ano ba itong sinasabi ko"tawa nya sa sarili nya. Woah, tingin nyo inlove si Direct?
"Ah, sige, pano una na kami. May pag-uusapan pa kasi kami ni Liam. Sige, Harry"tapos nagwave lang ng kamay si Mom.
"Bye Roan! Ingat kayo ha? Haha"masaya nyang paalam. Ansaya ni Direct, pansin nyo?

Ako nga pala si LiamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon