Ako nga pala si Liam-4th

73 4 2
                                    

Ako nga pala si Liam-4th

*Playing Angel of death by Axxis*

Nagising ako sa ringtone ng cp ko...
Na pink (=_=')

Kinapa ko iyon sa bedside table kahit nakadapa pa rin at nakataob sa unan. Umangat ako ng kaunti at humarap sa bedside table nung hindi ko makapa dun. Parang mahina ata? Parang...

Naiipit?

Tamad na tamad akong tumayo at binuksan ang sulong ng mesa tsaka lumakas ang tunog.
Nasa loob pala nung sulong sa mesa.

"Baket?~"antok kong tanong. Hindi ko naman alam kung sino yung naglakas ng loob para tumawag nang ganitong umaga -_-

["JUAN LIAM MIGUEL SEJERO! ANO SA TINGIN MO ANG ORAS NA AT IKAW AY NGAYON LANG GUMISING?!"] Napalayo ako ng tainga sa phone. Tang*n*! Naninigaw?!
Nung tingnan ko ang caller ay si Lance lang pala.
(Lance Cardio ang pangalan nya. Isa sa mga kabarkada/kaibigan ko. Nakilala mo na si Boss diba? Tsaka si Good Boy. Si Lance naman ay itong pinakamaingay. Para syang babae-_-)

"Ano bang kailangan mo?"antok ko pa ring sabi sabay higa ulit sa kama. Nagkumot pa ako.
["Anong 'anong kailangan mo'? Its already 5:30 PM! Pinapatanong ni Ken kung handa na kayo! Pumunta ka ha!"]
Napatayo ako ulit noong maalala ko na pinapapunta nga pala kami ni Ken sa Joker. Put*! Anong oras ba ako nakatulog?! Aish! Maghahanda nalang ako!
Ay mali pala, kakain muna ako! Ah, sht!

"Oo! Mamaya ka nalang tumawag! Pakisabi kay Ken na pupunta ako! 7 pa naman diba?"sabi ko habang dinadial ang number ng room service.
["Oo. Sige na! Tatawagan ko pa si Patrick, BAHBYE!"]
*TOOT.TOOT.TOO--* Pinatong ko agad yung phone dito sa mesang pinagpapatungan nung talking telephone. (Patrick Jay naman ang pangalan nung sinabi ni Lance na tatawagan nya. Isa lang ang deskripsyon na masasabi ko sa kanya. Womanizer sya. Physical? Mas gwapo pa rin ako at may mas magandang katawan haha)

["Caliber room service, may I help you?"] Nagpunta muna ako sa harap ng closet.
"This is Liam, hatidan nyo ako nung palagi kong inoorder. Yun lang"sagot ko habang pumipili ng isusuot.
["Okay sir. Do you want anything for dessert?"]
Nakapili na ako ng damit nung tinanong nya yun kaya lumapit na ako sa talking telephone.
"I dont want desserts"yun lang ang sinabi ko at pinindot ko na yung end button.

Bumalik na ako sa kwarto para magshower.

Naghubad na ako--kailangan ba detailed?! Ayoko nga!

Basta nagshower ako. Pagkatapos kong magshower ay lumabas ako sa banyo na may towel lang na tinatakpan ang ibabang bahagi ng katawan ko. Agad kong narinig ang sunod-sunod na doorbell.
Agad akong lumabas ng kwarto para pagbuksan kasi alam kong yun yung maghahatid ng pagkain.

"Sorry, naligo lang. Ilagay nyo nalang sa dinning area"sabi ko habang pinapasok ko sila at dumeretso sila sa dinning table para iayos ang hapag.

Ganun ang trabaho nila. Maghahatid na ng pagkain, mag aayos pa ng hapag kainan. Kaya naman may oras akong magbihis at iniwan na lang silang mag-ayos lang dun.
Alam kong hindi sila gagawa ng masama o kahit ano man dahil matagal na nila yang ginagawa. Sa iba't ibang room at iba't ibang paraan. Kung ano ang gusto mo, susundin nila. Ganyan sila nagtratrabaho.

Tapos nakong magbihis. Iniwan ko nalang yung towel kung saan. Pumunta na ako sa dinning area at nakita kong nakaayos na ang hapag kainan. Kumain nako...

Siguro 6:45 na nung umalis ako sa unit ko. Nakasalubong ko pa nga si DJ. Nagsorry ako kasi hindi ako nakapunta sa party nya pero okay lang naman daw.

Tsaka anong nangyari kagabi?
Pagkatapos ko kasing makipagchat kay Mom edi nanuod ako diba? Tapos marami pa akong pinanuod pero hindi lang 'ganun'. Nanuod din ako ng movies.
Napanuod ko pa nga yung "I Spit on Your Grave 2".
Tungkol yun sa babaeng nirape pero nagrevenge sya. Promise maganda :)
Pero dapat mong kayanin. WARNING: Nakakadiri.
(Hindi naman required na panuorin mo. Kasi it contains mature contents. In short, SPG sya)
At dahil may mga pinanuod pa akong marami, siguro 6 AM nako natulog. Ganoong oras lang kasi ako dinalaw ng antok eh. Malay ko ba?

Ako nga pala si LiamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon