8-

1.1K 44 3
                                    

-Fast Forward-

Uwian na nila at wala si Kyungsoo dahil hindi ito pumasok. Aba malamang -___- Alangan namang 'Wala si Kyungsoo dahil pumasok ito' --ohmygod. Saan pumasok? chos.

At syempre malungkot ang araw na ito para kay Mr. Jongina Tan -- joke hehe Mr. Kim Jongin dahil wala daw ang inspiration niya. Taray.

At ang araw namang ito ay napakasaya para sa kanya. Walang iba kundi.

Si Chen. luh?

Si Chanyeol kasi.

Oo masaya daw siya. Dahil hindi daw nagana ang kasungitan at kamalditahan ngayon ni Baekhyun at kaya niya daw chansingan ito. Aba gago to ah.

Isama mo na ang unang halik niya kay Baekhyun nung gabing iyon na nagpapakilig sa kanya tuwing iniisp niya yon. Mas nagiging exciting daw ang panliligaw niya.

Dahil baka daw mahulog na sa kanya si Baek. At nararamdaman niya yon. Tiwala langsss!

Eto siya ngayon ngiti ng ngiti at kinakamusta lahat ng makakasalubong niya. Eh ang kasama naman niya, walang iba kundi si Jongin, ayun buhat ang hirap ng mundo.

Parang nirerepresent nga nila ang positive at negative -- Si Chanyeol na todo ngiti at si Jongin na todo hagulgol. Anong kapwetan yun?

Kaya pinauna na niya si Jongin na umuwi at tumigil na sa pag-iyak dahil puta ang bading lang. Mukhang nahimasmasan naman ito at umuwi na nga.

Gaya ng sabi ni Chanyeol kanina kay Baekhyun na 'See you' ay agad na siyang pumunta sa room nito at hinintay ang dismissal. Mas nauuna kasi sila eh.

Nakasandal lamang siya sa gilid ng pintuan, may ngiti sa labi, ang kamay ay nasa bulsa at ang cool niya tignan ngayon. PARK CHANYEOL IS SO HOT! swerte ni kuya baekhyun.

Narinig na niya ang paalam ng teacher kaya't nasabik siya doon. At hinintay na lamang na lumabas si Baekhyun.

Kalaunan ay lumabas na nga ang hinihintay niya at syempre nagulat naman si Baekhyun dito.

"Akin na yan." pag-aalok niya sa bag ni Baekhyun.

"Hindi wag na." pagtatanggi naman ni Baekla. Aba choosy.

"Hindi akin na yan." wala namang nagawa si Baekhyun dahil alam naman niyang mapilit ito.

Naglakad na sila palabas at sinundan niya lang si Chanyeol. Nasa tapat na sila ng isang biskleta ngayon at hula niya kay Chanyeol ito.

Sumakay na rito si Chanyeol pero siya eh nakatayo pa rin.

"Oy! Sakay na!" nagulat naman siya ng yayain siya nito.

"Ako?" aynako Byun Baekhyun WHAT THE F! sarap mung kutusan.

"Hindi yung bag mo, sige isakay mo na siya. Dali. " puno ng sarcasm na sabi ni Chanyeol. Boom Barado! Paging plunger! Paging boooo! okay. -_____-

"Okay sabi mo eh." at nilagay naman ni Baekhyun ang bag niya sa likod ni Chanyeol. Anak ng!

Kelan pa nging tanga si Byun Baekhyun? (oopps sorry no offense meant)

"Aish Byun! Ano ka ba? Gusto mo bang laspagin kita bago ka umangkas ha? Ano?" Pananakot sa kanya ni Chanyeol. HAHAHA GO YEOL WOHOOOO

"Eto na sasakay na oh. Di makapaghintay? Asar." at padabog na umangkas si Baekhyun. Lihim naman na napangiti si Chanyeol dahil sa sobrang cute ni Baek.

-

Nandito sila ngayon sa Baywalk. Actually nagtalo pa nga sila kanina eh.

-flashback-

"Hoy Park! Saan mo ko dadalhin?"

"Hoy leche ka! Hindi dito daanan ng bahay natin!"

"Kidnapper ka na ba huh?"

"Oo. Kidnapper at rapist mo Byun, to be exact."

"Aba gago ka! Saan mo ba ko dadalhin ha?"

"Manahimik ka nalang pwede? pag tayo nasemplang .. nako."

"Okay whatever. Psshh"

-end of flashback-

At nandito nga sila ngayon, nakaupo sa may seaside at pinagmamasdan ang paglubog ng araw at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

How sweet.

Agad na tumayo si Chanyeol at kumuha ng stick habang si Baekhyun naman ay nagtataka.

Gumuhit si Chanyeol ng malaking infinity na kasya sila. Sinundan lang ni Baekhyun kung paano iguhit ni Chanyeol ang infinity na iyon.

'loko talaga to si yeol' isip isip niya.

Nang matapos na si Chanyeol sa pag guhit ay umupo siya sa kabilang side/loob ng infinity. At nginitian ng pagkatamis tamis si Baekhyun.

Di naman maiwasan ni Baekhyun na mamula dahil sa kasweeetan ni Chanyeol. Bumuntong hininga muna si Chanyeol at nagsalita ng nakangiti.

"Alam mo ba Baek? ikaw lang ang nagbigay sa akin ng ganitong epekto. Di ko alam kung bakit sa tuwing nahahagip ka ng mga mata ko, di ko maiwasang sumaya. Pag nakikita kitang laging nakangiti o kaya nakasimangot, nasisiyahan parin ako. Kasi alam ko ako ang dahilan nun at nakikita ko kung gano ka kacute pagnaiirita. Ewan ko ba. Ganun pala talaga pagmahal mo ang isang tao no? Nagmimistula ka nang tanga. Hindi ko maintindihan. Nung una. Pero ngayon, mukhang alam ko na. Dumating ka kasi sakin eh. At ikaw ang nagpainitindi ng lahat.

Wala na akong pake kahit magmukha akong gago o tarantado sa harap ng lahat. Magiging proud pa akong sabihin sa kanila na ikaw ang rason  kung bakit ganun ako kabaliw. Baliw sayo, at sayo lang. Kung pagbibigyan mo man akong maging parte ng buhay mo, sisiguraduhin kong ako ang dahilan ng saya at kilig na mararamdaman mo. Kung hindi ka pa handa, ako naman, handang-handa akong maghintay kahit gaano pa katagal yan. Hihintayin kita." tumigil si Chanyeol ng saglit at tumingin kay Baekhyun.

"Kasi mahal kita, sobra." he said with full of sincerity and love.

Nagulat na lamang siya ng makitang lumuluha si Baekhyun. Nataranta siya lalo ng sabay sabay umagos ang mga luha nito.

"Uy! May nasabi ba akong mali ha? Bakit ka ba umiiyak? Tumahan ka na please. Ayokong nakikita kang umiiyak. Kahinaan ko yan eh." pagpapakalma niya rito at nagsusumamong tumahan na ito.

Hindi naman maipaliwanang ni Baekhyun ang nararamdaman niya. Simula nung nahalikan siya ni Chanyeol. Alam niya na may 'spark' na lumabas roon at nagsimula na siyang maguluhan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

Naiyak siya ng makita at malaman kung gaano talaga siya kamahal ni Park Chanyeol. Alam niyang nasasaktan ito dahil lagi niya itong pinagtatabuyan.

Gumapang siya papaunta kay Chanyeol at nagulat naman ito.

He cupped Chanyeol's face.

"Nakakainis ka." naiiyak niyang sambit at walang ano ano'y...

Pinatay niya ito.

Putahamnida joke!

Hinaplos ni Chanyeol ang mukha ni Baekhyun at nagsalita siya.

"Tahan na ple---." naputol ang sasabihin niya dahil hinalikan siya ni Baekhyun.

At naramdaman ni Chanyeol sa mga oras na yun ay kaya na din siyang mahalin ni Baekhyun.

Suitor Next Door [Chanbaek Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon