16-

747 31 3
                                    

Coming soon: The End.

whut? huehue.

-

Tapos nang nag-gala ang tatlong magkakaibigan at hinatid muna nina Kyungsoo at Luhan si Baekhyun sa bahay nito. Kitang-kita kasi nila na parang nawalan ito ng gana at di naman nila maiwasang mag-alala at maawa dahil alam nilang naguguluhan ito at nagdadamdam.

Sa mga nagdaang araw ay naging madrama na si Baek. Hindi naman siya ganun eh. Dahil kilala siya sa pagiging makulit, diva, madaldal, pasaway, minsan masungit at mataray. Pero iba siya ngayon. Lagi na itong mapag-isa, kapag niyaya siya nina Kyungsoo upang lumabas ay tinatanggihan niya. Lagi siyang nakakulong sa kwarto o di kaya'y paglumabas ay wala namang totoo sa ngiti ang naipapakita niya. Dahil lahat ito ay peke.

Sadyang lumalalim at mas nagiging grabe pa ang pag-iisip ni Baekhyun kay Chanyeol. Si Chanyeol. Oo siya nga. Siya nga ang dahilan kung bakit nag-iba si Baekhyun. Kung bakit ang dating masiglang Baekhyun, ay nawala na parang bula.

Mas tumindi kasi ang naramdaman niya para dito. Nalulungkot siya kapag hindi niya naramdaman ang presensya ni Chanyeol. Namimiss niya na ito. Ang kaharutan, ang kakulitan at kung paano nito iparamdam na mahal na mahal talaga siya nito. May mga oras rin na hindi niya talaga maiwasang maiyak. Lalo na pag ang naiisip niya talaga ay ang isang taong nagpapabaliw sa kanya. Si Chanyeol. Si Chanyeol na walang malay. Si Chanyeol na ang tanging gagawin lamang ay ang maging anak sa labas!! Joke. Ang drama kasi eh, napaka.

Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang kapatid niyang si Jaehyun. Alam niyang magkukulit ito kaya pilit niya itong pinapalabas pero hindi ito nagpaawat at gusto lamang manatili roon.

"Ano ka ba Kuya. Hindi ako mangungulit o ano. Gusto lang kitang pagsabihan." Mas bata pa ito pero ang kuya niya ang pagsasabihan niya? Ibang klaseng bata talaga to.

"Alam mo ba kuya? sabi ni Sir na kapag nararamdaman mo nang mahal mo na ang isang tao, wag kang mahiyang umamin. Wag daw nating silang hayaang magmukhang tanga. Wag daw tayong masanay na itago at isarili lang ang lahat. Masakit daw yun sa puso, mabigat sa damdamin. Wala naman daw mawawala eh, pero may magbabago.

Syempre mapapalitan ang lungkot mo ng saya. Yun nga lang eh, kung mahal niyo ang isa't isa. Ikaw ba Kuya? gusto mo bang panghabang buhay na ang pag-iiyak mo at palaging nakakulong? Hindi ka naman bilanggo ah. Duwag, oo." nakatikim naman ng batok si Jaehyun sa Kuya Baekhyun niya.

"Gaga ka talaga. Di naman ako duwag eh, naninigurado lang."

"Over naman yan kuya. Mahal na mahal ka naman ni Kuya Chanyeol eh, ano pa bang ibang dahilan bakit ayaw mo pa siyang maging sayo?"

"Jaehyun, bata ka pa. Wala ka pang sapat na kaalaman sa mga bagay na to. Dapat hindi ka nagdadadada tungkol sa mga ganitong kwento."

"Pero kuya, marunong akong umintindi. At kahit hindi ko man maintindihan, kakayanin kong intindihin."

"Jae..."

"Kuya.... wag mo nang gawing komplikado ang lahat. Mahal mo siya, mahal ka niya. Simpleng oo mo lang, kasiyahan niyo ng dalawa."

"Jae... malaking pagbabago ang mangyayari kapag ginawa ko iyon. Natatakot ako baka hindi namin kayanin."

"Kakayanin. Tiwala lang yan sa isa't isa. Ikaw ba? May tiwala ka ba para kay Kuya Yeol?"

"O-oo." Napayuko na lamang siya. Ibang klase din pala tong kapatid niya. Masarap kasama. Kayang maging baliw at maharot at kaya ring maging seryoso at tagapayo, pagkinakailangan.

Hinawakan naman ni Jaehyun ang kamay ng kuya niya at nginitian ito.

"Kuya. Masyado na ang sakit at pagtitiis ang naramdaman mo, alam ko yun. Pero oras na din siguro para sumaya ka naman. Bilang kapatid mo, namimiss ko kung ano ang pagkakilala ko sayo. Yung masayahing kuya Baekhyun. Kaya sana pagbigyan mo ang hiling ko. At yun ay maging masaya ka na, ulit."

Niyakap naman ni Baekhyun ang kapatid niya. Magkakasundo rin naman pala sila sa mga ganitong bagay eh. At malaki ang pasasalamat ni Baekhyun.

"Labyu kuya." at ngumiti ito ulit sa kanya.

"Labyu be." at ngumiti si Baekhyun at ipinakita ang eyesmile nito. Ito ang signal na masaya siya ngayon. Kahit papaano'y gumaan din ang pakiramdam niya.

Suitor Next Door [Chanbaek Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon