-
Ipinakita na ang mga kalahok sa Cross dressing at ang ginawa lamang nila ay mag-groupie ng napakarami. Jusko. Akala ko nga eh matinding labanan. Tamo sila Luhan, over sa transformation. Well, okay lang. Dahil sila ang panalo. Wahahaha!
Nagthank you sila ng paulit ulit at syempre nagpasalamat din kila Ren. Syempre friendsters sila eh.
Kaya sa ngayon, tuloy pa rin sila sa pagdiriwang at pagparty. Kahit na mga nakagown, dress, ball gown at formal na suot ang mga estudyante ay hala sige pa rin ang mga nagtwerk, nagtumbling, nagcramping, nagyugyugan ng ulo, naggilingan, nagtatalon. Para silang mga shunga. Hindi rin naman sila masisisi, i-enjoy daw eh.
Ngayon ay sumegway na ang serenade ni Chanyeol. Kinilig nanaman ang mga kababaihan dahil naaatract daw sila sa kagwapuhan ni Chanyeol. Masyadong boyfriend material.
EHEM TAKEN NA YAN EHEM EHEM
SINO BA MGA INIIROG NI CHANYEOL JAN TAAS ANG ULO! /me heads up/
Nagsimula na siyang kumanta. At ang kinakanta niya ay 'never seen nothing like you'.
Para kanino pa ba yan?
Edi saken.
Ulul my dreams.
Oo na BYUN BAEKHYUN SAYO NA YAN ISAKSAK MO SA MATA NI KYUNGSOO HMMP!!
Kung si Kyungsoo naman ang hindi mapakali ang mata kanina, ngayon naman si Baekhyun.
Nakakailang daw kasi ang mga tinginan ng isang Park Chanyeol. Habang kumakanta pa at alam niyang para sa kanya yon. Baka mahulog siya ng tuluyan.
Natapos na si Chanyeol at may iba pa siyang kinanta tulad ng 'Fall for you, Marry me at You're my inspiration'.
Namangha naman si Baekhyun ng patago ng marinig na maganda ang boses ni Chanyeol kahit na malalim ito. Hindi niya aakalain na kumakanta ito at masarap pakinggan sa tenga ang pag-awit nito.
Ngayon ay slow music na ang ipinapatugtog hudyat na sweet dance na. Kaya ang mga estudyante ay naghahanap ng kani-kanilang kapareha.
Inalok ni Jongin si Kyungsoo at agad naman na tinanggap nito. Ganun din si Chanyeol kay Baekhyun.
Sa kabilang banda ay naiwan naman si Luhan na nakaupo lamang at nakangiti lamang siya. Wala pa kasing nagyayaya eh. Yung iba naman eh nahihiyang yayain siya.
Pero may biglang umupo sa katabi niyang upuan kaya nagulat na lamang siya. At napalaki pa ang mata niya ng malaman na si Oh Sehun ito, ang kanyang crush na hindi man lamang siya mapansin-pansin. Ouch.
Pero ngayon eh tumabi sa kanya ito at nginingitian siya kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ngumiti na rin.
"Can I...hold your hand?" pagsusuyo ni Sehun sa kanya kaya hindi niya mapigilan na hindi mamula dahil fvck! kabigla bigla nemen yeng offer eh. Char.
"A--ahmm o-okay." nauutal niyang sagot dahil naaawkward siya kay Mr. Oh.
"Wag ka nang mahiya." at hinawakan na ni Sehun ang kamay ni Luhan at hinalikan ito. Di naman makakilos ng maayos si Luhan dahil padalos dalos itong si Sehun.
"Can i have this dance?" at ayun, sinuyo na siya upang sayawin at wala naman siyang nagawa kundi ang tumango dahil una ayaw niyang ma-OP sa table at pangalawa, OH SEHUN to oh wala nang tanggihan hanoba!
Pumunta na sila ng dance floor at sasayaw na. Pero hinapit ni Sehun ang bewang ni Luhan dahilan upang mapayakap ito sa kanya. Nabigla naman si Luhan kaya aatras na sana siya kaso tinulak pa siya ni Sehun papalapit dito. At hindi na siya nakaangal pa. Imbis na sumayaw eh nagyakapan lang ang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/31419082-288-k405542.jpg)
BINABASA MO ANG
Suitor Next Door [Chanbaek Fanfiction]
Romance"Sarado ang pintuan ng bahay namin sa mga malalaki ang tenga, matangkad, budoy, derp at epal na tao! Bwiset."-Byun Baekhyun {Chanbaek} ; slow update/ S E M I -H I A T U S