Monday ngayon at papasok na si Baekhyun dahil maaga ang schedule nila ngayon. Hindi na tuloy sila magkakasabay nina Luhan at Kyungsoo. Kaya siya na lamang mag-isa ang pumasok.Nakarating na din siya sa paaralan niya at dumiretso na ng room nila. May 10 minutes pang natititra at ibig sabihin ay hindi pa siya late. Inayos niya muna ang mga gamit niya. Nagsitakbuhan na ang mga estudyante pabalik sa kanilang upuan hudyat na nandyan na ang guro nila.
Pumasok na ito at inilapag muna ang mga gamit bago nagsalita.
"Good Morning Class! So before we start our lesson, May I introduce first the transferee that we have here."
Naintriga naman si Baekhyun kung sino ang bagong transferee, baka pwede niya itong maging kaibigan. Kung sakali.
"Come in, Mr. Don't be shy. You can introduce yourself to the class."
Napasalumbaba naman si Baekhyun at hinintay na pumasok ang bagong transferee.
Narinig na niya ang mga yapak nito ay sinundan niya ng tingin ang paglakad nito.
'infairness! ang tangkad niya ha!' isip isip niya ng makita ang tangkad nito. Nakayuko kasi ito kaya hindi masyado makita ang mukha niya.
Unti-unti itong humarap sa klase at bigla namang bumaba sa pagkakasalumbaba ang kamay niya sa mukha niya. Napatigil ang oras para kay Baekhyun. Napatulala siya sa taong nasa harap ng klase ngayon, ang bagong transferee, bakit siya pa?
"I'm Park Chanyeol. Please be nice to me. And hope we can be all friends! Thank you!" at nagbow na ito sa harap ng klase. Napako ang tingin ni Chanyeol kay Baekhyun at sandaling nginitian ito.
"Okay Mr. Park, seat beside Mr. Byun." at naglakad na ito papunta sa upuan na katabi ni Baekhyun.
Agad na humanap ng maeexcuse si Baekhyun upang maiwasan si Chanyeol.
"Ah, Mam! May I go out?" tanong niya sa teacher at tinanguan siya nito. At mabilis din siyang naglakad palabas at dumiretso sa restroom.
Pagkapunta niya doon ay inilock niya ang pinto at naghilamos ng mukha. Tinitigan niya ang mukha niya at napansin niyang ang lanta bigla ng mukha niya. Dahil ba sa lalaking iyon? Dahil ba nakita niya ulit ito?
'Iniiwasan na kita at nakalimutan na kita! Bakit ka pa bumalik? Sa pagkita ko sayo, lahat ng sakit na naramdaman ko noon, biglang ring bumalik ulit.'
-
"Where have you been Mr. Byun? It's been 15 minutes since you've got from the restroom." bungad ng teacher niya pagkapasok niya ulit sa room.
"Sorry, mam. Stomach ache." at nagtawanan naman ang mga kaklase niya maliban kay Chanyeol. Yumuko na lang siya at buong tapang na umupo sa upuan niya, katabi si Chanyeol. Tinignan siya nito ng may halong pag-aalala pero binalewala niya lang ito at nakinig na lamang sa guro niya.
At sa buong oras ng klase ring iyon, ang mga mata ni Chanyeol ay nakatitig lamang, walang iba kundi sa kanya.
-
Hindi niya makita sina Luhan at Kyungsoo sa eskwelahan. Hinanap niya ito at mukhang nalibot niya na ata halos lahat ng sulok nito, pero hindi niya ito matagpuan.
Pagod na rin siya kaya umupo nalang siya at sumandal sa isang puno na malapit sa kanya. Bagsak na bagsak ang katawan niya at pawisan narin siya. Papikit na siya nang may narinig siyang nagsalita sa harapan niya.
"May towel ako dito oh. Pwede mong kunin, magpunas ka ng pawis mo. Basang-basa ka na oh." at inalok ni Chanyeol ang hawak niyang towel kay Baekhyun. Tinitigan lang ito ni Baekhyun at masamang tinignan si Chanyeol.
Kahit na tamad na tamad siya ay kinaya niyang tumayo at magsalita.
"Oh, thank you for your kindness. But I have my own." papaalis na sana siya pero may pahabol pa siyang sinabi dito.
"Good acting by the way. Ang galing mo magpakitang tao no? You're acting as if you care, Mr. Park. But, no you didn't." binangga niya ang katawan ni Chanyeol at padabog na umalis at iniwan nito ang binata na nasaktan sa inakto niya. Pero napilitan pa rin itong ngumiti.
I deserve this. I deserve a cold treatment from Baekhyun.
-
Kahit na anong pagtataboy ang ginagawa ni Baekhyun kay Chanyeol ay hindi ito tumitigil. It's been one week since maging kaklase niya ito. Nararamdaman niyang parang gusto nito makipag-ayos sa kanya but because of his pride, he wouldn't allow him.
Lagi itong nakasunod sa kanya, para itong aso na nakabantot sa kanya at kailangang bantayan ang ginagawa niya. Hindi siya makakilos ng maayos dahil lagi itong umeextra.
Naiinis siya kay Chanyeol. Naiinis siya dito dahil umaakto ito na para bang walang nangyari. Umaakto ito na hindi man lang naaawkwardan. Naiinis siya rito dahil lahat ng alaala, bumabalik araw-araw.
Hindi niya naman makausap ng maayos ang dalawa niyang kaibigan dahil nga hectic ang iba't ibang schedule nila. Hindi niya naman pwedeng abalahin ang mga ito dahil magiging sagabal lamang siya.
He can't bear to see Chanyeol's presence. He can't control his tears whenever he sees him. Para bang may nagawa siyang malaking kasalanan at pinaparusahan siya na kailangan niya laging umiyak, makita lamang ang lalaking iyon.
So much hatred and anger. He convinced himself na wala na. Wala na siyang nararamdaman para sa binata. But it became the opposite. Bakit siya naiiyak pag nakikita niya ito? Bakit siya nasasaktan malaman niya lang na kaharap niya ang taong ito?
He thought he moved on. But I guess he's not.
-
It's friday in the afternoon. Pero hindi pa rin umuuwi si Baekhyun dahil may ipinatapos sa kanyang schoolworks. Being the secretary of their class, he needs to do his responsibility kahit ayaw niya. Wala nang masyadong estudyante ng mga oras na iyon dahil pasara na ang school ng 6:00 pm. Sa wakas ay natapos na rin niya lahat ng kailangan niyang gawin. Nagpaalam na siya sa guard at nagpasalamat.
Palakad na sana siya pero may nararamdaman siyang basa na pumapatak. Oh shoot! Uulan na.
Lumalakas na ang ulan at sumasabay lang din ang lakas ng hangin. Nakisilong muna siya sa may waiting shed malapit ron. At nagpunas. Naghihintay rin siya nang tricycle pero puro kotse, van at taxi lang ang mga dumadaan. Hindi niya na kailangan pa magtaxi dahil malapit lang ang bahay nila. Walking distance lang ito sa school but the rain won't stop from falling. Kaya hindi siya pwede maglakad.
"Bad luck strikes me twice! Urghh!" naiinis na siya dahil hindi pa rin matigil-tigil ang ulan. Kailangan na niyang umuwi dahil baka nag-aalala na ang mama niya at ang kapatid niya.
>beep beep
nagulat siya nang may biglang bumusina na kotse sa kanya. Tinignan niya lang ito hanggang sa ang may sakay na ang nagbaba ng bintana ng kotse.
"Wag ka nang patingin-tingin dyan! Come on Baek! Halika na dito! Ako na maghahatid sa bahay niyo!" pasigaw na sabi ni Chanyeol sa kanya. He wanted to ignore the offer pero baka matagalan siya sa pag-uwi.
Ihahatid lang naman siya nito diba? Sayang din ang pagkakataong makauwi. But he's feeling something that's bothering him. Awkward no more it is.
'No more awkward moments please!' nagmamakaawang hiling niya.
Well, I don't think so. (Jessica Jung's style)
![](https://img.wattpad.com/cover/31419082-288-k405542.jpg)
BINABASA MO ANG
Suitor Next Door [Chanbaek Fanfiction]
Romansa"Sarado ang pintuan ng bahay namin sa mga malalaki ang tenga, matangkad, budoy, derp at epal na tao! Bwiset."-Byun Baekhyun {Chanbaek} ; slow update/ S E M I -H I A T U S