23-

715 30 11
                                    

Hilaw na drama at napaka-fail. Hehehe :)) Naiiyak ako, mehehehe joke. Corny ituuu juskopo!

-

Lumabas si Chanyeol sa kotse niya at kumuha ng payong upang sunduin si Baekhyun sa waiting shed. Kumuha din siya nang towel para ipunas sa katawan ni Baekhyun.

"Wait lang, Baek. Malapit na ako." at naglakad na siya palapit kay Baekhyun. Hindi naman mapakali si Baekhyun dahil sabay sila ni Chanyeol sa isang payong. Mukhang naninibago lang siya dahil hindi siya sanay na nandyan si Chanyeol at ginagawa ito sa kanya.

"Halika na Baek." at hinapit ni Chanyeol ang bewang ni Baekhyun dahilan para manginig siya at manigas pero hindi niya ito pinapahalata.

Pinapasok na siya nito sa loob ng kotse. Ngayon pa lang ay may awkward atmosphere nang namumuo sa pakiramdam niya.

Punasok na rin si Chanyeol sa may driver seat at nagpunas muna ng katawan dahil naulanan siya. Binigay naman ni Chanyeol ang isang tuwalya kay Baekhyun.

"Thank you." at pinunasan na ni Baek ang parte ng katawan niya na naulanan kanina.

Nginitian na lamang siya ni Chanyeol at inistart na ang kotse. Pagstart ng kotse ay bumukas rin ang music player ni Chanyeol at nakaset ito sa isang radio station.

'Okay so if you want to receive different love advices, just text or call us you're love problems and we will help you to find it's different solutions.'

'At itong kantang ito, para sa mga taong nagmahal, nasaktan, sinubukang kinalimutan, pero bumalik bigla ng hindi namamalayan, Ah-uhm! Music of the moment, Di Na Natuto by Noel Cabangon.'

//guitar strumming; instrumental//

"Andyan ka na naman. Tinutukso tukso ang aking puso..

Ilang ulit na ba, iniiwasan ka, di na natuto..

Sulyap ng iyong mata, aking nadarama, kahit malayo...

Nahihirapan na, lalapit-lapit pa, di na natuto..."

Napantig ang tenga ni Baekhyun sa kanta na tumutugtog ngayon. Bakit kailangan yan pa? Bakit hindi nalang Anaconda ni Nicki Minaj o kaya Good Girls ng 5SOS? O kaya Worth It ng Fifth Harmony o I Want You To Know ni Selena Gomez? At bakit sa mga ganyang station pa na may love-related? Bakit ganyang kanta pa, kung saan tamang-tama siya?

Tumingin na lamang siya sa may gilid niya at tinignan ang nadadaanan ng kotse. Napatingin naman sa kanya si Chanyeol. Alam niya dahil nakikita niya ito sa kanyang peripheral vision.

"Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo..ohh..

Yakapin mong minsan at muling...magbabalik sayo...

Na walang kalaban laban, ang puso ko'y tanging iyo lamang..."

Napahigpit ang paghawak ni Baekhyun sa kamay niya dahil sa liriko ng kanta na ipinapatugtog. Nararamdaman na naman niya ang mga traydor niyang luha na maya-maya lamang ay babagsak na. Masyado talagang mababaw ang luha niya. Wala pa man, eh parang naiiyak na siya. Bakit ba napakamalas niya ngayon? Salungat lahat ang nangyayari sa kanya eh.

"Oh heto na naman.. laging nananabik ang aking puso..

Muling bumabalik... sayong mga halik, di na natuto..

Isang ngiti mo lang, at ako'y napapaamo... ohh..

Yakapin mong minsan at muling....magbabalik sa'yo..

Na walang kalaban-laban, ang puso ko'y tanging iyo lamang..."

Hindi na niya nakayanan at bumagsak na nga ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Tumatagos ang ibig sabihin ng kanta sa puso niya, at nasasaktan siya dahil sa sakit. Kinagat niya ang ibabang labi niya para hindi siya makagawa ng hikbi. Humihinga lang siya ng malalim. At nananatili pa rin ang pwesto niya simula kanina. Hinihiling niya na sana hindi siya mabisto ni Chanyeol na umiyak siya.

Alam niyang namumula ang mukha niya kaya dapat pagkatapat pa lang ng kotse sa bahay nila ay kailangan na niyang magpasalamat kay Chanyeol ng hindi tumitingin dito nang sa gayon ay hindi nito mahalata ang pag-iyak niya.

Nang ihinto na ni Chanyeol ang kotse ay agad na pinunasan ni Baekhyun ang mga luha niya.

"Salamat sa paghatid." sinabi niya dito at mabilis na lumabas ng kotse. Papalapit na siya sa may gate nila pero tinawag siya nito kaya napahinto siya at napaharap.

Hindi niya aakalain na sumunod ito sa paglabas niya at ngayon, yakap-yakap siya ni Chanyeol.

"Baekhyun...alam kong umiyak ka. Huwag mo nang itago sakin.." bulong ni Chanyeol sa tenga niya. Lumaki ang mata niya sa nangyayari at pilit na kumakawala sa yakap nito. Pero sadyang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.

"Chanyeol, bitaw." maotoridad na sabi ni Baekhyun dito.

"No. I won't. Alam kong namiss mo to. At kailangan mong umamin, Ako ang dahilan ng pagiyak mo diba?" tanong nito sa kanya at pilit niyang pumiglas sa yakap nito.

Nagtagumpay naman siya kaya nakawala na siya sa yakap at basta basta na lamang niya sinampal si Chanyeol.

"What the fuck! Park Chanyeol! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo!!! You fucking jerk!!" at pinaghahampas-hampas si Chanyeol kasabay ang pag-iyak niya ulit.

"You idiot! Wala kang awa! Araw-araw mo akong nasasaktan!!! Bakit kasi bumalik ka pa?? huh??!!" at patuloy naman siya sa pagsuntok ng dibdib ni Chanyeol at ito naman ay hinuhuli ang mga kamay niya upang tumigil na ito kakahampas.

"And yes you are!!!! Ikaw ang dahilan ng luha ko! Happy???! And you know what?? I hate you!!I hate you!! I hate you!!! Putangina ka!! Tumigil ka na!!! Ang sakit na!!! Hindi ka pa ba kuntento??!!" niyakap siyang muli ni Chanyeol at pilit niya ulit na makawala rito. Pero mas malaki ito sa kanya kaya hindi niya kaya. Umiyak na siya ng tuluyan at inilabas ang lahat.

"Shhh...Baek...stop. Please...."

Tuloy-tuloy na humagulgol si Baekhyun at walang sawa rin sa pagbuhos ang luha niya.

"Ayoko nang umiyak..." napapikit naman si Chanyeol sa narinig niya kay Baekhyun. Masakit dahil nag-crack ang boses nito at di niya makayanan kaya lumabas na rin ang luha na kanina pa nakaabang sa pagtulo. Alam niyang masyado na ang sakit na naramdaman nito. Hindi naman niya ito sinasadya eh, pero siya ang nagmukhang may kasalanan.

"BITAWAN MO NA AKO!!!!" at buong pwersa na nakaalis sa yakap si Baekhyun at pumasok na agad sa bahay nila. Pagkapasok niya ay sumandal siya sa may gate at itinuloy ang pag-iyak niya. Para na siyang nag-walling sa ginagawa niya. Pero nasa may gate siya eh, kaya hindi walling. Sawa na siya sa ganito, paulit-ulit na lang.

"Anak!!! Anong nangyari???" pagkalabas ng mama niya ay nagmadali itong tumakbo sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

Agad na niyakap niya ang mama niya ng mahigpit at iniyak pa ang natitirang luha na meron pa siya.

"Ma, bakit ganun? Hindi ko na kaya. Akala ko wala na! Bakit bumalik pa??! Ma!! ayoko na!!! ayoko na!!"

"Alam kong masakit anak. Pero kung marunong ka magpatawad, gagaan ang loob mo."

"After all the pain Ma? Ganun-ganun na lang yon??!"

"Yes, anak. Yan na lang ang kinakailangang gawin. It's your choice. It's either you forgive, or suffer the pain."

Nakatulog na pala si Baekhyun kaya hindi na inabala ng mama niya na gambalahin pa ito. Masyado nang problemado ang anak niya pagdating sa pagmamahal. Hindi naman siya nababahala dahil may tiwala siya kay Chanyeol.

-

Bakit ba ganyan? Ang OA ni Baek no? Hindi pa naman sila ni Chanyeol pero kung umasta eh, kakaiba. NALOKO NA ANG ISIPAN KO LESHENG YAN OO. PATAWAD!!

Suitor Next Door [Chanbaek Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon