Napadalas ang pagpunta ni harry dito dahil sinisimulan na nilang dalawa ayusin ang mga gamit nila. Dalawang araw nalang kasi ay aalis na sina ella't hannah papunta sa bahay ni harry.
Simulan no'n ay madalang na kaming pumunta sa bahay nina ella kaya pili na rin ang oras na maglalaro si hannah at harvey. Ayoko kasing makita si harry dahil alam kong kilala niya ako. Magtatanong iyun kung sino ang tatay ni harvey.
Habang nagluluto ako ay may biglang kumatok sa pinto kaya tinawag ko si harvey para buksan ito.
“Harvey, pakibuksan ang pinto” utos ko na kaniya namang sinunod. Pinunasan ko ang aking kamay dahil natapos na rin akong magluto kaya pumunta agad ako roon baka kung sino na.
“Ella?” banggit ko sa pangalan niya
“Ahm, punta mamaya sa bahay. Birthday kasi ni hannah, konting salo-salo lang saka isama mo na rin si harvey” anyaya niya na pinayagan ko naman.
Sana hindi ako makita ni harry dahil sigurado akong kokomprontahin ako no'n. Nakarating kami sa bahay nila ella, minabuti kong manatili na lamang sa gilid kung saan hindi ako makikita ng iba lalo na si harry.
“Why are you hiding here?” gulat akong napatingin sa nagsalita sa gilid ko.
How come he saw me here?
“H-hindi naman” sagot ko.
“Bakit hindi ka doon umupo tutal magkaibigan naman kayo ni ella?” tanong niya
“Mas komportable kasi ako dito” sagot ko, mabuti di ako nautal.
“Comfortable?.... Look where are you sitting at? A monoblock? You would feel more comfortable in the sofa” sagot niya ng nakangisi.
“No thanks, i'm fine” wika ko.
“Natatakot ka ba na malaman ko?” taka naman akong tumingin sa kaniya kahit alam ko ang ibig niyang sabihin.
“What do you mean?” tanong ko at kinain ang puto na nasa plato ko.
“He still finding you, he never get tired of finding you. I hope you know that” malumanay na saad niya at tumayo saka pumunta sa pwesto nila ni ella.
“Hoy anong pinag-usapan niyo?” muntik ng matapon ang laman ng plato ko dahil biglang sumulpot ang bruha.
“Chismosa!” sambit ko at kinain ang spaghetti. Kulang sa sauce!
“Share na dali, kunin ko 'yang spaghetti” inalok ko naman ang spaghetti na sinabi niyang babawiin niya
“Oh ito” kinuha ko muna ang huling puto saka nilapit pa ang plato sa kaniya
“Sabihin mo na kasi” pamimilit niya.
“Sige na nga, chismosa ka talaga!” inilapag ko muna sa hita ko ang plato at bumuntong hininga.
“Kapag umalis kayo rito at nagtanong si harry tungkol sa akin please huwag kang sasagot. At 'yung tungkol kay harvey, sabihin mo na-rape ako kaya ako nagka-anak” sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
“Sandali hindi ko gets eh, anong meron kay harry at sa iyo? May past ba kayong dalawa?” kumunot lalo ang noo niya.
“Gaga, hindi. Ano kasi” huminga ulit ako ng malalim bago ipagpatuloy. “Ano?” tanong niya.