“Gacha!” bigla na lamang pumulupot ang kamay ni haime sa bewang ko kaya napasigaw ako.
“Gago! Ibaba mo ako!” sigaw ko pero hindi siya nakinig at binuhat ako papuntang sofa.
“Hoy, ibaba mo nga ako” binitawan niya naman ako pero mali ang nangyari. Naupo ako sa hita niya kaya hindi ko alam kung aalis ba ako.
Ano gagawin ko, aalis o gigiling? Tse, bastos!
“So hindi ka aalis? Sisigaw ka mamaya” tanong niya, tumayo naman ako ng maintindihan ko ang sinasabi niya.
“Papatulugin ko muna si harvey” tatalikod na ako ng magsalita siya.
“Nakatulog na siya, ako naman patulugin mo” agad akong napaharap dito dahil sa sinabi niya.
“Matanda kana, kaya mo na sarili mo” sagot ko naman
Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. Umatras naman ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader. Gago likod ko 'yun!
“Tabi, matutulog na ako” mabuti at hindi ako nautal, alam kong aasarin lang ako nito.
“Why did you leave me?” napatingin ako sa kaniya dahil sa biglaang pagtanong.
Teka pano nga ba? Yun lang naman diba ang sasabihin ko? Niloko nila ako, ayun lang. Pero bakit bumalik ulit yung sakit na naramdaman ko ng aktuwal ko siyang nahuli. May anak na kami pero parang hindi kami buo.
Sabihin mo lang na mali ang nakita ko, papatawarin naman kita agad-agad.
“Bakit mo ginawa 'yun?” taas noo kong tanong sa kaniya, ang laki kasi eh pati sa baba. Char!
“Ang alin?” tanong niya.
Aba kunwari maang-maangan, huli-huli pero parang walang alam. Iba rin talaga ang angas nitong ugok na to.
“Wow, nagtanong kung alin” tumawa ako ng peke, pero deep inside it hurts! I can't help it. Gusto ko ng umiyak sa harap niya pero ayaw ko, dahil rurupok ako bigla.
“Malay ko ba kung ano doon, pwedeng 'yung paghalik ko kanina o 'yung mga narinig mo” tumingin ako rito ng masama.
“Alam mo naman hindi ba kung ano do'n?” inirapan ko siya at umalis sa harap niya, dapat magkalayo kami.
“Gusto mo ba ng closure? Sige, pagbigyan natin. Gusto mo hati tayo sa oras kay harvey? Sige, pag-usapan nati—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumulo na lahat ng luha meron ako.
Bakit ba kasi ganito. Pwede naman kami magkabalikan pero bakit ayaw niyang sabihin na mali ang nakita ko. Ganun lang naman kasimple, eh.
“S-sorry” humarap ako sa kaniya, nakayuko na siya ngayon.
“Ganiyan din naman 'yung sinabi mo sa akin noon. Palaging sorry, ano? Pagagalingin ba ako ng sorry mo? Mawawala ba 'yung pinsan ko sa buhay mo dahil diyan sa sorry. Kung ang pinunta mo rito ay ang anak ko, pwes lumayas ka na sa pamamahay ko. Kaya kong buhayin ang anak ko kesa makasama niya ang walang kwentang ama niya”
Inayos ko ang aking damit at naglakad papalapit sa kaniya. Kinuha ko sa leeg ko ang kwintas na binigay niya sa akin noong bagong kasal kami. Kinuha ko ang kamay nito na ikinataka niya, inilagay ko roon ang kwintas.
“Dito ka nalang matulog at bukas umalis kana at lubayan mo na kami ng anak ko” tumulo ang luha sa mga mata nito.
Tumingin ito sa akin at biglang hinawakan ang leeg ko na ikinataka ko.
“I won't leave!” seryosong saad niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
It happened again, he kissed me. One gentle kiss from haime, always makes me crazy. Teka bakit ganito? Gago, ex ko 'to. Dapat walang halik-halik.