Chapter 43

46 1 2
                                    

Ticket

Puputulin ko na ang ribbon doon sa Sticks & Stones na ibig sabihin na bukas na itong store ko. Maraming nandito. Nandito sina mommy, daddy, Bren, Jacob, tita, tito at iba ko pang mga kaibigan. May mga paparazzi din na kuha ng kuha ng picture sa amin.

Pagkaputol ko ng ribbon ay lahat sila ay nagpalakpakan. Binuksan ko na ang store ko at inayos yung 'Sorry, we're closed.' ng 'Welcome, we're open!"

Pumasok na kaming lahat na nasa labas except lang dun sa mga paparazzi. Sa katunayan lang, kaya may mga paparazzi kasi dahil kina mommy at daddy. Isa kasi sila sa maraming negosyo dito sa Pilipinas kaya kilala kami dito but I dont mind it.

Sayang dahil wala dito si Matt. Gusto ko siyang tawagan ngunit alam kong irereject niya lang ako. May parang bumubulong sa sarili kong itry ko pa din tawagan siya. Tinawagan ko na. Ring lang ng ring ang kanyang telepono kaya binaba ko na ito. Miss na miss na kita, Matt, kung alam mo lang.

Pagkatapos noon ay pumunta kami doon sa bahay nina mommy at nagpakain para sa celebration ng pagbubukas ng store ko. Ako ang nagsabi kay mommy na sa bahay na lang magcelebrate para simple lang. Marami kaming hinandang pagkain. Good for 175 people ang nakahandang pagkain.

"Georgina, ngayon ako magpapasukat ng suit ko para sa kasal natin, gusto mo bang sumama?" Tanong niya sa akin.

"Gustong gusto ko kaso pagod na talaga ako. Hindi ko na ata kaya." Ang dami ko pa kasing ginawang pag-aasikaso kaya napagod ako.

"Okay lang. Magpahinga ka na lang. Gusto mo bang ihatid na kita sa condo?" Alok niya sa akin.

"O, sige. Hindi ko na kayang magdrive. Inaantok na ako eh." Sagot ko.

Nagpaalam na ako kay mommy at daddy. May natira pang mga bisita. I know its rude to go when you still have visitors pero wala na talaga akong energy. Hinang hina na ako.

Pinagbuksan ako ni Jacob ng pinto ng sasakyan at sumakay naman ako. Pinagdrive niya muna ako papunta sa condo para makapagpahinga na ako. Nung dumating na kami doon ay nagtanong si Jacob sa akin.

"Gusto mo buhatin na kita paakyat?" Ano to? Bagong kasal lang tayo? Agad? Haha!

"Di na. Medyo kaya ko pa naman maglakad." Iba talaga ako pagtinamaan na ng pagod at antok.

"Okay. Ingat ka paakyat ah!" Sabi ko.

"Sige, ingat ka magdrive ah! Tumawag ka na lang sa akin pagkatapos mong magpasukat." Sabi ko at umakyat na sa taas.

Pagkadating ko sa kwarto namin, bagsak kaagad ang aking katawan sa aming kama. Ilang saglit lang ay nakatulog na ako.

*

May narinig akong tumunog kaya nagising ako. Nakita kong nagtext sa akin si Cami. Makipagfacetime daw ako sa kanya. Agad ko naman kinuha yung laptop ko at tinawagan siya.

"Haloooo!" Tuwang tuwang bati niya sa akin. Medyo sabog pa ako ngayon kasi kakagising ko palang.

"Salamat sa pag-abalang pagising sa akin ah!" Sarkastiko kong sinabi.

"Welcome!" Sagot niya. Nang-aasar pa eh! Nagnod na lang ako sa kanya. "What's up?" Pahabol niyang tanong.

"Ito. Kakagising ko pa lang. Napagod kasi ako kanina sa pag-aasikaso dun sa store. Grand opening kasi." Humikab pa ako. "Teka nga lang magtitimpla ako ng kape para magising gising ako." Sabi ko at umalis sa harap ng laptop. Kinuha ko ang Coffee Beans at blinender ito para maging powder. Hinayaan ko muna ito doon nakalagay sa blender ng 1 minuto at pinatay.

"Ba't mo hinayaang makaalis dito sa Pilipinas si Matt?" Tanong niya sa akin. Rinig ko pa din naman yung sinasabi noya dahil ilang steps lang naman ang layo ko sa kanya.

My Final AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon