Chapter 9

66 6 3
                                    

Nakauwi na din si Matt. Tapos ngayon naman magkikita kami ng mga Alfonzo sa Royale Yacht Club. Sina Ethan kasi ang may-ari nito. Syempre kailangan naming ipromote ang business ng mga Villegas at ito ang Finest dinning restaurant sa buong Manila. Excited ako, dahil renovated na ang condominiums na pinatayo namin malapit dito. Pero kung inaakala ni bakulaw na isasawalang bahala ko lang ang ginawa niya noong isang gabi. AKALA NIYA LANG IYON! Puno ng galit at poot ang puso ko, dahil sa kanya! It's payback time Jacob.

"Nak. Kumain ka na ba?" tanong ni yaya. Mukhang bumili ng mga pasalubong si yaya.

"Opo yaya." sabi ko at bineso ko siya.

Tinulungan ko naman si yaya na ilagay sa fridge ang ibang pasalubong.

"Kayo po? Kumain na po ba kayo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Oo. Tapos na akong kumain."

"Alam mo yaya, nasarapan si Matt sa luto ko kanina. Dapat lang no! Ikaw kaya nagturo sakin."

"Hmm.. Ikaw bata ka. Mahilig ka talaga mambola." Napatawa si yaya.

"Yaya, wag na po kayong magluto ng napakaraming pangtanghalian kasi aalis po ako. Pupunta po ako sa Royale Yacht Club ni Ethan. Magkikita po kami doon ni mommy." sabi ko.

"Sige, nak. Magbibihis muna ako ha?"

"Okay yaya." At umalis na siya.

Pumunta na rin ako sa kwarto ko at nag-ayos. I don't wanna be late, dahil baka may mahalagang announcement sila mommy. Baka di na tuloy ang kasal. Hahaha! How I wish...

"San tayo, nak?" tanong ni manong Jun.

"Sa yacht club po."

"Le'go!" Pabagets na sabi ni manong.

At di ko na napigilang humalagpak sa tawa. Manong Jun is the best. Bagay sila na yaya Bel. Parehas pa silang single and ready to mingle. Sa totoo lang, they would make a great couple.

Dumating ako sa yacht club at nakita ko ang parents ko with Mr. and Ms. Alfonzo.

"Sorry iha ha, Jacob couldn't come, kasi nagkaroon ng emergency." Sabi ni tita Lot

Nako tita! Okay lang po! Kung alam niyo lang na sobra akong natutuwa! At bigla akong nakaisip ng plano.

"Ay" nagkunwari akong medyo malungkot "ganoon po ba?" *sigh* "okay lang po tita, naiintindihan ko po. Akala ko lang po kasi pupunta siya at hihingi ng tawad sa pag-iwan niya sakin sa date namin." nanghihinayang kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nila at kita kong talagang nagulat sila sa sinabi ko.

"Oh Iha. I'm so sorry for my son. Ako na ang nag-aapologize for his unacceptable behavior. Don't worry, hindi niya na gagawin yon sayo." Alalang-alala si tito sa akin. Tutal umaarte lang naman ako. Galing galingan ko na rin.

"Hindi po tito, okay lang po ako" tapos yung malungkot ko nanamang mukha. I'm so into acting.

"No. We won't allow our son to treat you that way. He must learn his lesson."

I just sighed. Ang galing ko talaga magpaawa. Kumain nalang ako ng kumain. I am totally enjoying their company, kahit di ko maintindihan yung mga pinag-uusapan nila.

Lagot ka ngayon, Jacob. I'm actually celebrating here! Kaso palihim lang. Sa kalagitnaan ng celebration ko biglang may tumawag. Pinunasan ko ang labi ko ng table napkin.

"Excuse me. I'll just take this call" tumango naman sila.

Tinignan ko ang phone ko at nakitang tumatawag si Cami, kaya sinagot ko siya.

My Final AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon