Chapter 44

32 2 0
                                    

Trip

Pagkadating namin ni Matt sa condo ay may nakita akong mga pulis sa loob ng condo. Agad sinugod ni Jacob si Matt at sinuntok ito. "Jacob!" Saway ko.

Inilayo ko si Jacob kay Matt. "Walang hiya ka! Anong ginawa mo kay Georgina?" Galit niyang tanong kay Matt.

"Jacob, stop it! Walang ginawang masama sa akin si Matt." Sagot ko sa kanya.

Nagpupumiglas pa rin si Jacob sa akin dahil gusto niyang suntukin si Matt. "Matt, pasensya ka na talaga ah! Pwedeng umuwi ka na muna. Aayusin ko muna ang gulo dito." Nakakahiya tuloy kay Matt. Kakapagbati pa lang namin kanina tapos ganito kaagad ang nangyari.

Umalis naman na kaagad si Matt at di umimik. "Why the heck did you do that?" Tanong ko kay Jacob pagkaalis na pagkaalis ni Matt. Hindi niya ako pinansin. Kinausap niya yung mga pulis at umalis na ang mga ito.

"Jacob, ba't mo ba iyon ginawa tsaka bakit may mga pulis dito?" Dinagdagan ko ang aking tanong dahil baka sakaling sagutin niya ito.

Agad siyang lumapit sa akin at yinapos ako. "I was afraid to lose you, Georgina. Dont you ever do that to me again." Bulong niya sa akin. Rinig ko ang tibok ng kanyang puso, sobrang bilis nito.

"Then why are there police in our condo?" Naguguluhan ko pa din tanong.

Pumiglas siya sa pagkakayakap at sinagot ang aking tanong. "Alam mo bang iniwan mong magulo yung kwarto tapos nakabukas yung drawer. Tapos may nabasag pang babasagin dun sa kitchen tapos iniwan mong nakabukas laptop mo. Plus, nakabukas pa yung main door natin. Now, tell me how can I not panic?" Sagot niya. Dahil ata iyon sa sobrang pagmamadali ko kanina. Hindi ko na napansin ang mga bagay-bagay.

"I'm sorry. I wont do it again." Sagot ko. Nawawala na kasi ako sa aking sarili noon kaya ganun ang nangyari.

"Nagka-ayos na kami ni Matt!" Bigla kong sinabi sa kanya out of nowhere. I thought I should tell him so that he already know.

"What? Pinatawad mo na siya ng ganun ganun lang? Pagkatapos ka niyang husgahan? Nako, Georgina, sana kasi hinayaan mo na akong bugbugin yun kanina eh." Sagot niya.

"You should be happy! Dapat lang na magkabati kami sa tinagal tagal na ng pinagsamahan namin eh. Tsaka hindi lang naman siya yung may kasalanan eh pati din naman ako kaya humingi din ako ng paumanhin sa kanya." Sagot ko.

"Tss.. Siya naman nagsimula eh!" Sabat niya pa.

"Hayaan mo na nga! Magadventure na lang uli tayo bukas." Ako naman ang nag-aaya kaso wala pa akong naiisip na plano.

"May plano ka na ba?" Tanong niya kasi mukhang nag-iisip na din siya ng plano para bukas.

"Well, I dont have any plans yet because there's nothing popping out in my mind." Sagot ko sa kanya habang pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Pinulupot niya naman ang kanyang mga kamay sa aking baywang.

"Too good, there's already a plan that popped out in my head." Sabi niya. "I wont tell you my plan, bukas mo na malalaman." Dagdag niya. Ang dami talaga niyang naiisip na kung ano ano. Mahilig siyang mag-adventure.

"Fine! I love surprises so I dont mind." Sagot ko. The reason why everyone is surprising me is because they know I really love surprises.

"Okay sige na. Matulog ka na lang uli. Maaga pa tayo bukas. Aayusin ko na muna yung nabasag doon." Sabi niya sa akin at hinalikan ako.

Pumunta naman na ako kaagad sa aming kwarto. Happiness is not a word to describe what I feel right now because hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon. I cant explain what I'm feeling.

Minulat ko ang aking mga mata. Alas dos na nang madaling araw at may narinig akong kumalabog sa labas ng aking kwarto. At dahil nakasleepshirt lang ako ngayon dali dali akong nagpadoble ng damit. Lumabas ako para tignan ito ngunit ang nakita ko lamang ay si Jacob, naghahanap ng makakain sa refrigerator.

"Akala ko kung ano na. Ba't gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Paghahanda sana kita ng pagkain para pagkagising mo may kakainin ka na." Sagot niya.

"But it's 2 in the morning." Sagot ko pabalik sa kanya. Sinong maghahanda ng pagkain ng 2 ng umaga tapos mamaya pang mga 6 o 7 makakain.

"Yeah pagkatapos kasi nito gigisingin na kita para makakain ka na at makaalis tayo." Sabi niya.

"Aalis tayo ng ganitong oras?! Saan ba tayo pupunta?" Naweweirduhan na ako sa kanya. Adventure ng ganitong oras.

"We're having a date in another country." Simpleng sagot niya. OMG! How sweet of my Jacob.

"Talaga?!" Dahil sa sobrang saya ko, napasigaw na ako.

"Oo kaya ito oh kumain ka na." Natapos niya na ang hinandang pagkain para sa akin. Hindi naman ito heavy meal kaya kinain ko na.

"Nakapagimpake na ako ng mga gamit natin na dadalhin." Sabi niya habang kumakain ako.

"Saang bansa ba kasi tayo?" Tanong ko kahit punong puno yung bibig ko.

"Hong Kong. Gusto ko kasing magdate tayo sa Disneyland." Sagot niya. He is such a sweet guy.

Nagmadali na akong kumain at naligo para makaalis na kami sa condo dahil baka malate pa kami sa flight.

Pagkarating namin doon sa airport ay pumasok na kami sa loob and we checked in our baggage. Nag-intay na lang kaming tawagin ang flight namin. Medyo matagal pa naman ang flight namin ngunit mabuti na din ang maaga.

Maayos ang suot ko ngayon. Nakapantalon ako ngayon at nakasleeveless na top. Hindi ko na din nakalimutang magsoot ng sandals ngayon. Haha!

"Buti naisip mo na pumunta sa Disneyland." Hiniga ko ang aking ulo sa kanyang ulo.

"Feeling ko kasi magandang magdate doon kasama ka." Sagot niya sa akin. I chuckled.

"Imagine us going back there when we already have kids." Thats just a cute thing.

"Wag kang mag-alala, pagkauwi natin bubuntisin na kita." I laughed. He keeps on joking things like that.

I looked at him. "Nababaliw ka na talaga." Medyo tumatawa kong sagot sa kanya.

"Gusto mo doon pa lang." Biro niya pa sa akin.

"Oh shut up!" Lol. He's funny.

Nagkwentuhan lang kami doon ni Jacob hanggang sa tinawag na kami. Magkahawak kaming pumunta ni Jacob doon sa eroplano. Nasa unahan ang aming upuan. Umupo ako doon sa gilid, nasa tapat ako ng pakpak ng eroplano. Katabi ko si Jacob, siya naman ay nakaupo sa tabi ng aisle. Maya-maya naman ay lumipad na ang eroplanong sinasakyan namin. Tinitignan ko ang mga ulap na malapit lamang. Ang cute talaga ng clouds. Naalala ko nung bata ako, gusto kong makahiga sa ulap. I'm a weird ass kid.

Si Jacob ay natutulog habang nasa eroplano kami. Mas maaga kasi siyang nagising sa akin. Ako naman ay nakinig na lang ng music. Isinuot ko ang headphones ng nakalagay sa aking upuan. Pagkalagay na pagkalagay ko palang ay inilipat ko kaagad ang song na nagplaplay ngayon dahil hindi ko gusto yung kanta. Nang inilipat ko ito, nagplay ang 'Adore' ni Cashmere Cat. I like this song pero inantok din ako dito kaya nakatulog ako habang nagpaplay yung music sa headphones.

Nagising ako dahil ginising na ako ni Jacob. Malapit na daw kaming bumaba. Pinatay ko ang tumutugtog na headphones ko na hindi ko napatay kanina. Hindi nagtagal ay dumating na kami doon. Hindi naman kasi sobrang tagal ang byahe papunta doon. Halos siguro mga 2 at kalahati lang ang byahe namin.

Hinawakan ni Jacob ang aking kamay paalis ng eroplano. Hawak hawak ko ang aking bag sa isang kamay. Pumunta kami sa loob para makuha na namin ang baggage namin. Nag-intay pa kami ng ilang minuto bago makita ang aming mga bagahe. Pagkatapos noon ay lumabas na kami sa airport.

"Hello Hong Kong!" Sabi ko sa sarili ko. I'm looking forward to see all the beautiful things here.

Nag-intay kami ni Jacob ng masasakyang taxi. Pumara ako ng isang taxi, mabuti at nakahanap ako. Dinala kami sa hotel na tutuluyan namin. The Luxe Hotel ang pangalan ng hotel na tutuluyan namin. Isa itong five star hotel kaya sobrang laki ng hotel na ito. Tumuloy kami dito at nagpahinga saglit.

This is exciting. Hindi na ako makapag-intay para mamaya. I love going to places with the person I love.

My Final AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon