Chapter 8

80 8 2
                                    

Guy Best Friend 👫

Halos mawalan na ako ng pag-asa ng may bumusinang sasakyan sakin. Inangat ko ang ulo, para tigan kung sino ang bumusina, pero tinted ang sasakyan nito. Tumayo naman ako at di ko napigilan. Tumakbo ako at niyakap siya.

"Georgina! Ikaw ba yan? Ano bang ginagawa mo dito? Ba't ganyan ang suot mo? Hahaha!" sabi ni Matthew.

Si Matthew ay kababata ko. He is my guy best friend. Lagi siyang nandyan sa tabi ko kapag malungkot ako kaso 3 years ago, umalis sila dito sa Pilipinas at pumunta sila ng family niya sa Australia para sa business nila. Ngayon lang uli kami nagkita at yun na lang ang masasabi niya. Wala man lang bang "kumusta ka na?"? Dream on, Georgina!

"Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin tapos ganyan lang ang sasabihin mo?" Nagpout ako.

"Sorry naman! Pumasok ka na nga sa sasakyan. Doon nalang tayo magkwentuhan. Gabing gabi na oh! Ihahatid na kita."

"Sige! Salamat ah!" sabi ko at pumasok sa sasakyan niya. Hindi na ako tatanggi dahil mahirap na din bumyahe ngayon at credit card na lang ang dala ko. You're my savior, Matt!

"Namiss kita, Matt! Hindi ka man lang bumibisita dito! Ikaw lang ba ang umuwi?" tanong ko habang siya ay nagdadrive.

"Syempre, namiss kita! Hindi ako nakakabisita dito kasi marami akong inaasikaso dun. Medyo busy, but yeah I can still manage to be handsome." Sabi niya at nagkiller smile. Hindi ko mapagkakailang mas gumwapo siya ngayon at mas kumisig kung ikukumpara dati.

"Teka! Teka lang ha! Pakihinaan nga nung aircon. Ang lamig kasi eh! Sobrang HANGIN!" Pang-aasar ko sa kanya. Pinagdiinan ko talaga yung "hangin", para damang dama niya. Hahaha!

"Ito naman oh! Grabe ka! Bakit hindi ba totoo naman?" Sabi niya habang tinaas baba ang kilay niya.

"Hmmm.. Pag-iisipan ko. Joke lang!" At parehas kaming tumawa ng pagkalakas lakas.

"Teka, Matt. Ikaw lang ba mag-isang umuwi?" Tanong ko uli sa kanya dahil hindi niya ito nasagot kanina.

"Hindi. Kasama ko sina mommy at daddy. Nung isang araw pa kami nakauwi. Plano ko nga sanang bisitahin ka bukas. Susurpresahin sana kita." Sabi niya. "Teka nga! Bat ka ba nakaganyang suot? Nung umalis ako dito, hindi ka naman ganyan manamit. Wag mong sabihing tomboy ka!" dagdag niya.

"Shut up! Hindi ako tomboy noh! I'm a 100% girl! Mahabang storya kaya ako nakaganto ngayon." sabi ko naman. Humanda ka Jacob, dahil pagsinumbong kita kay Matt, reresbakan ka nito!

Hinatid niya ako sa bahay ko at nakarating na kami halos mga 1 AM na dahil traffic.

"Salamat sa paghatid, Matt!" Sabi ko.

"Wala yon!"

"Pumunta na lang dito bukas para makapag-usap tayo ng mas matagal." pag-imbita ko sa kanya.

"Sige, text mo na lang ako kung anong oras." sabi niya, kaya binigay niya sakin number niya. Ganoon narin ang ginawa ko.

"Okay! Salamat uli sa paghatid tsaka ingat ka sa pag-uwi ah! Byee!" sabi ko at bumaba sa sasakyan niya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat na ako sa aking kwarto. Naiinis pa rin ako dun sa Jacob na yun! Iniwan ba naman ako! Sasapakin ko talaga yun kapag nagkita uli kami. grrrrr!

Nakuuu! Mommy, daddy! Sana hindi niyo na lang ako pinagkasundo dyan sa lalaking yan! Marami namang iba dyan, wag lang SIYA! Nakakainis talaga yung lalaking yun!

Nagpalit na ako ng damit ko at humiga sa aking kama. Tinext ko na lang si Matt.

Ako:

Matt, punta ka na lang dito mga 10 ng umaga.

Nakapagreply siya sa akin pagkatapos ng 10 minuto.

Matt:

Kauuwi ko lang. Sure! Good night! :)

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa kalabog sa baba. Naghilamos na ako ng mukha at nagtoothbrush pagkatapos nun ay bumaba na ako para tignan kung ano iyon.

Pagkababa na pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Matt.

"Matt? Nine pa lang ah! Ang aga mo naman! Hindi pa nga ako nakakaligo eh! Kakagising ko pa lang!"

"Alam ko! Pagluluto kita ng breakfast, ano gusto mo?" wow ah! Ang sweet talaga nitong si Matt. Im pretty sure may girlfriend na to doon sa Australia.

"Hindi na kailangan, nandyan naman si yaya Bel. Teka, nasab na ba-" hindi na ako natapos sa sinabi ko dahil agad na siyang nagsalita.

"Pinag day-off ko muna para mapagluto kita ng breakfast tsaka ito na nga ako oh bumabawi sayo! Ayaw mo nun?"

"Hindi naman sa ganun pero sige lutuan mo na lang ako kung anong makakain diyan. Bahala ka na." I said with a smile.

Nagpunta na kami sa kitchen. I think he will cook me scrambled eggs. Nagsimula na siyang magluto, habang ako naman ay pinanunuod lang ang gwapong nilalang sa tabi ko.

"Ano nang nangyari sayo dito nung nasa Australia ako?" tanong niya habang nagluluto siya ng makakain namin.

"Still the same. Palagi pa rin ako pumapayag sa mga desisyon nina mommy."

"Hayy naman, Georgina! Ang tagal ko na ngang nawala eh. Hahaha! Dapat may freedom ka sa kung anong gusto mo. Sa three years kong pagkawala, i bet hindi ka pa pumupuntang bar." Tinaasan niya pa talaga ako ng kilay!

"Nah! You're wrong, bro! Nakapunta na ako ng bar noh" totoo naman eh. Noong nawala so Cami. Nanlaki naman ang mata niya, pero nakarecover din kinalaunan.

" *sigh* You dont understand but okay lang kahit ganun kaya nga ako magpapakasal sa isang buwisit na lalaki eh." sabi ko.

Napatigil siya sa pagluluto at tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Magpapakasal ka?" Seryosong seryoso siya nung tinanong niya ako nun.

"Oo napagkasunduan na yun nina mommy at nina tita Lot, mommy nung mapapangasawa ko." Titig na titig siya sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako aa mukha? Is there something wrong?" Tanong ko. Ano bang nangyayari? Omg.

"Wa-wala."

"Yung niluluto mo! Nasusunog na!"

Nagmadali siyang kunin ito kaya lang huli na kasi sunog na talaga yun.

"I'm sorry! I-I-I'm sorry!"

"Are you really okay?" tanong ko uli sa kanya.

"Yeah! Magluluto na lang uli ako ng panibago."

"You dont seem okay. Di bagay sa gwapo mong mukha." Nginitian niya lang ako.

"Ako na nga lang." Sabi ko, dahil para siyang nakakitaa ng multo.

Ako na ang nagluto para sa aming dalawa kaya siya naman ay nagpahiga doon sa living room.

Siguro nabigla iyon na magpapakasal ako. Siya kasi eh, hindi man lang bumibisita dito kaya iyan tuloy. Late na siya sa balita. Pero at least alam niya na, para may maid of honor na ako sa kasal. Hahaha! I just hope na dito na siya magstay. It really makes me happy whenever he's here. Wala naman kasi akong kapatid na lalaki, kaya mahalaga sakin si Matt. We're like siblings.

________________________________
Sorry kasi late siya. Masama kasi pakiramdam ko kahapon kaya ngayon ko lang naupdate. Im really sorry and thank you sa pagbabasa nito! Love youuu guysss so much! -M

Last update for the week. Enjoy your weekend guys! -L

My Final AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon