Chapter 2

149 8 4
                                    

Charm Bracelet 💁

Natapos narin ang PDA namin ni Camille at nagikot-ikot na kami sa jewelry shop. Alam niyo naman, pagbabae mahilig sa mga accessories at mga kung ano-ano kaya normal lang 'to sa amin.

Habang nagikot-ikot ako, isang charm bracelet ang nakapukaw ng paningin ko. May maliit na Eiffel Tower siyang design, kaya nagustuhan ko siya. Medyo obsessed kasi ako sa mga items na may Eiffel Tower design. Kapag may nakita kasi akong may Eiffel Tower binibili ko na agad. Ganun ako kaobsess sa Eiffel Tower. Mahilig talaga akong mangolekta ng mga Eiffel Tower na mga bagay. Masyado kasi siyang maganda para sa akin. Sorry sa redundancy. 😁

Lumapit na ako sa saleslady.

"Magkano po it- Ouch!"
"Miss magkano yang charm bracelet?" Speaking of kabastusan. Nanulak na nga sumingit pa! Dahil sa inis, nilingon ko yung nagsalita.

"Bastos ka ah!" Napatingin naman siya sakin.

"Huh? Feeler! Hindi naman kita hinipuan ah." at talagang iniinis niya ako!

"Porket bastos nanghihipo agad?" May gosh! Utak nga naman talaga ng mga lalaki. "Baka kasi ako yung nauna dito tapos bigla ka na lang sumingit dyan at nanulak." dagdag ko.

"Uhh, sa pagkakaalam ko mas nauna kong nakita yung charm bracelet kaysa sayo kaya wag ka na lang umangal." sabi naman niya. ABA! NAKAKABUWISIT NA SIYA AH! ANG SARAP BIGWASAN NITONG LALAKING TO!

"Eh ano ngayon kung ikaw yung unang nakakita?! Ako naman yung unang nag-approach sa kanya ah!" sagot ko sa lalaki at tinuro yung saleslady. Nakatitig lang sa amin yung saleslady at hindi niya alam ang gagawin niya.

"Uhh, ma'am, sir?" sabi nung saleslady.

"No wait! We're having a conversation here." sabi ko sa babae. Binaling ko uli ang tingin ko sa lalaki "Hoy! Ikaw lalaki! Do you have any respect? Ikaw na nga lang ang sumingit at nanulak sa akin tapos ganyan ka pa kung makapagsalita!" Sabi ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Like what I said, ako naman yung unang nakaki-"

"Ma'am, Sir, sorry to interupt your conversation but the charm bracelet that you're fighting about is already sold to that teenager while you were having a conversation." sabi nung saleslady sa amin habang tinuturo ang nakabili nung charm bracelet na yun.

"WHAT?!/ANO?!" Sabay namin sinabi nung kaaway kong lalaki.

"I'm sorry ma'am and sir but it's already sold."

Huhu! Nakakainis ang ganda pa naman nun! Hindi naman sana yun mapupunta sa nakabili na yun KUNG HINDI LANG TALAGA UMEPAL TONG LALAKING TO EH!

"YAN TULOY! MAY NAKABILI NA NUNG CHARM BRACELET DAHIL SAYO! KUNG PINABAYAAN MO NA LANG SANA AKO KANINA AT HINDI KA SUMINGIT, NASA KAMAY KO NA SANA YUNG BRACELET NA YUN!" Sigaw ko sa lalaki. Naiinis talaga ako!

"At ako pa ang may kasalanan? Wow ah! Kung hindi ka lang nagsalita kanina baka ako na yung nakabili nun! Ang dami mo pa kasing sinasabi eh!" Sagot naman niya.

"Uhm? Georgi? What's going on here?" biglang sumulpot si Cami.

"Ito kasing lalaking to, ako na nga unang nag-approach na bibilhin ko yung charm bracelet tapos bigla pang sisingit at manunulak."

"Eh ako nga naman ang unang nakakita." sabat nung lalaki. NAKAKAINIS! ANG BASTOS NIYA TALAGA!

"Sumabat ka pa sa usapan namin. Wow ah!" Sabi ko.

"Dapat lang akong sumabat dahil ako ang pinag-uusapan niyo." sabi niya. Naku! Kung hindi lang ako nandito sa mall baka kanina ko pa ito nabugbog.

"Whatever." sabi ko sa kanya. Ang sarap niya talagang sapakin! "Tara na nga, umalis na lang tayo dito. Pumunta na lang tayo sa ibang lugar, baka sakaling wala ng asungot sa mga tabi tabi." pagbaling ko naman kay Cami at pagpaparinig sa nakakabuwisit na lalaki. Napa-iling na lang ako.

Umalis na kami doon sa jewelry shop. Nasira tuloy yung araw ko dahil doon! ughh! Sayang tuloy yung bracelet! Ang ganda pa naman!

-----------------------------

Heyyy guys! Sana magustuhan niyo din tong chapter na to! And pretty please support niyo yung story na to! It means so much to us if you support this and thank you for reading this! Love you lots! Xx

-M

My Final AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon