Chapter 37

31 2 1
                                    

Engagement Party

Dapat masaya ako sa araw na ito dahil engagement party namin ito ni Jacob, ngunit hindi mawala sa isip ko ang nangyari na away sa amin ni Matt kagabi.

"Hey, baby! I want you to be happy today. Alam kong nag-away kayo ni Matt pero today is our engagement party." Yakap yakap ako ni Jacob galing sa likod. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kagabi at galit na galit siya kay Matt dahil doon.

Nginitian ko na lang siya. How can I not be sad kung nawalan ako ng isang tao na mahalaga sa akin.

"Tara na! Lumabas na tayo. Mukhang kanina pa tayo hinahanap nina mommy." Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay bago kami lumabas.

Nakita ko na nag-iintay sina tita Lot sa table. Agad kaming pumunta doon ni Jacob.

"Hello po, tita!" Sabi ko at nakipagbeso sa kanya.

"You look very beautiful in that dress, iha!" Complement niya sa akin.

"I know, Ma! Ilang beses ko na siyang sinasabihan nang ganyan, di ko nga alam minsan, nagagalit pa siya pagsinasabihan ko siya nun." Singit ni Jacob.

"Thank you po!" Ngumiti ako. Nagpasalamat na lang ako sa sinabi niya. Alam kong namula ako doon sa sinabi nila ni Jacob.

"Stop making me blush." Bulong ko kay Jacob.

"Sorry, I cant help it." Bulong niya sa akin pabalik.

May upuan doon sa gitna na para lamang sa aming dalawa kaya umupo na kami doon. Engagement party pa lang mukhang kasal na.

Nagsimula na ang engagement party namin. Marami din imbitado dito. Nandito din ang iba kong mga pinsan at mga malalapit na kaibigan.

Alam kong hindi na pupunta dito si Matt kahit inimbitahan ko siya bago kami mag-away. Masyado lang talagang masaklap yung nangyari sa akin kagabi.

"Do you want ravioli?" Tanong ni Jacob sa akin. "Gusto mo kunan kita?"

"Sige!" Sagot ko. Siya na lang ang pinakuha ko ng pagkain dahil baka matapon ko pa iyon.

Sana nandito si Cami ngayon. Di bale, at least pupunta naman siya sa kasal ko. Napaisip ako bigla, dapat hindi ko hayaang masira ang araw ko ngayon dahil sa kanya dahil hindi na naman na siya importante sa akin. Sinira niya ang pagkakaibigan namin. Dapat maging masaya ako ngayon kasi Engagement Party namin ito. Dapat kalimutan ko na muna siya.

Dinalhan ako ng maraming pagkain ni Jacob kahit ang sinabi ko lang ay ravioli. "Ako na pumili ng iba mong kakainin kasi baka damo na naman ang kainin mo pag ikaw ang pumili eh." Sabi niya.

"Masarap naman yung vegetable ah!" Sabi ko sa kanya. Grabe kung api apihin niya ang gulay.

"Wala naman akong sinabing hindi, ang sinasabi ko lang, ayokong puro iyon lang ang kinakain mo." Sagot niya sa akin. Napatawa na lang ako sa kanya.

Nag-ikot ikot kami ni Jacob sa bawat table. Nakita ko yung mga ibang pinsan ni Jacob. Sina Alexander, Scarlett, Sean, Abigail at marami pa siyang pinakilala sa aking kamag-anak nila. Hindi ko na matandaan yung iba nilang mga names.

Pumunta naman kami sa isang table ng family niya pa uli. Ang laki naman ng angkan nila, wala na akong maalala kung sino sino ang mga pinagpapakilala niya.

"This is Brent, second cousin ko. Tapos siya naman yung asawa niya, si Maxine." Ang cute nilang couple pero syempre mas cute pa din kami ni Jacob.

"Bro, mukhang maswerte ka sa magiging asawa mo kasi maganda din." Sabi ni Brent. Haha! Narinig mo yun Jacob? MAGANDA DAW AKO.

My Final AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon