"It's all settled! Yey!" Natutuwang sabi ni Ms. Jedah. My pretty gay organizer.
Tinawag lamang ako ni Ate Ems mula sa kwarto at pinababa sa sala dahil narito raw ang organizer para sa debut ko na gaganapin sa April 16 and that's only two weeks from now. Hindi ko alam kung paano maoorganize ang malaking celebration na iyon sa maigsing panahon.
Oo, malaki. May party, may program at over 100 ang expected na bisita. Ni-isa ay wala akong kilala.
"You really want a Floral Fairytale theme?" tanong ni Wynona habang binubuklat ang magazine na dala ng team ni Ms Jedah. "It's looks like seventh birthday party." Dagdag pa nito. Simula nang dumating ang mga organizers ay narito na 'tong si Wynona. Actually, sya ang nagbigay ng informations about sa cake and she wanted a tall five-tier cake. Nagtatanong naman sya sakin kaya ayos lang. At isa pa, wala akong hilig na mag ayos ng ganito. Basta'y ako ang nasunod sa theme, okay na 'yun. Si Wynona rin ang nag suggest ng design for invitations. Napansin ko lang na she really enjoys planning and organizing such event.
My favourite colors are pink and lilac so I personally chose Floral Fairytale theme at ang kulay nito ay naglalaro lang sa pink, red, lilac and blue with gold.
"Let her be, Wynona. It's her birthday, not yours." Malamig na sambit ni Mr. Winston. Isa pa itong kanina pa nakamasid. Narito rin sya sa sala at nakikinig lang sa amin ng mga organizers. It's Thursday, wala ba syang trabaho?
"I'm just helping, Kuya." Umirap si Wynona at nagpatuloy sa pagbuklat ng magazine.
"We will send our designer here later for your body measurements. We need to maximize the time dahil gusto ni Mr. Coulson na ang Sevilla Fashion ang mag dedesign ng isusuot mo. And since we only have two weeks, dapat masimulan na iyon like right now." Pagpapaliwanag ni Ms. Jedah. Hindi ko talaga maisip kung paano iyon magagawa sa loob ng dalawang lingo. Iba talaga ang nagagawa kapag maraming pera.
"I want a seamstress. I don't like any male to take her body measurements. I hope that's clear." Napatingin kaming lahat dahil sa sambit ni Mr. Winston. Simula nang magsimula ang pag paplano at organize ay nakamasid lamang sya at ngayon lamang nagsalita.
I saw Wynona's immediate reaction, she looks suspiscious and confused at the same time. Habang team ni Ms. Jedah ay malaki ang mga ngiti.
Napaisip ako nang malalim dahil simula nang kupkupin ako ng Coulson's, limitado ang nakakalapit sa akin na mga lalaki. Bukod tanging si Kuya Alexei at Mr. Winston noon. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na ang nag-uutos sa mga bodyguards ay si Mr. Winston.
Pero iba pala ang pakiramdam 'pag sa bibig nya mismo nanggaling iyon. I shouldn't feel this way. Oh God I don't know what to react.
Nang matapos ang pagpa-plano para sa debut ko, nagtungo na ako sa kwarto. Hapon pa lamang kaya't marami pa akong oras para sa ibang bagay. Sinabi kasi ni Ate Ems na inabisuhan daw sila ni Mr. Winston na sabay sabay kaming mag-didinner mamaya. That's a first. He never ate with us.
Pagkapasok ko sa kwarto, napukaw ng pansin ko ang putting box na may black ribbon sa ibabaw ng kama ko. "Wow." Nagulat ako dahil isa itong mamahaling cellphone at sa pagkakaalam ko ay latest model.
"Come in." sabi ko nang may kumatok sa pinto. I was surprised nang pumasok si Mr. Winston.
Inilibot nya ang tingin sa aking kwarto nang makapasok sya. Hindi naman ako nahiya dahil laging malinis at maayos ang kwarto ko.
Tumikhim ito bago magsalita. "Hope you liked it. I'm allowing you to have your own phone." Malamig na sabi nito habang gwapong gwapong nakapamulsa. He looks gorgeous kahit na medyo magulo ang buhok at naka-unbuttoned ang first three buttons ng white polo nito.
BINABASA MO ANG
Flames
General FictionThe family of Coulson is powerful. Money, big businesses, connections,.. but tragedy happened and Winston Van Coulson became the youngest head master of their family. He is cold as ice but burns like the sun in the sky for her Lily. He desires for h...