CHAPTER 4

23 6 2
                                    

Weeks passed, but what happened on my eighteenth birthday felt like it was only yesterday. Sariwa pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari habang isinasayaw ako ni Mr. Winston nung gabi na 'yon.

"You have no idea how annoyed I am watching you dance with other men." He whispered. "You're becoming a lady now that you turned into legality. The fact that one day will come and you'll not need me anymore,... it scares me."

I don't know what to act in response. My heart was just beating so fast that time, I'm feeling a little nervous but I loved the sense of his warmth as he held me very close to him, so tight yet so gentle.

"I wanna be selfish and keep you from the world, but how can I do that if you are very deserving of the whole damn universe?"


I cannot sleep that night. Hanggang ngayon ay pakiramdam kong namumula ako tuwing naaalala ko ang bawat salitang sinambit nya. Dumagdag lang iyon sa sinabi ni Wayne noon na mas lalong nagkapag-paisip sa akin. Walang gabi na hindi ko iyon naiisip. Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan ng kahulugan ang mga iyon o hindi.

Ngunit simula nang maganap ang mga nangyari sa kaarawan ko, naging madalas ang interaksyon sa pagitan namin ni Mr. Winston. Tulad ng pagsabay niya kumain sa amin ng agahan bago siya umalis para magtungo sa kompanya at lagi na syang umuuwi sa gabi bago maghapunan.

Pero may mga oras na malamig talaga itong makitungo sa iba at ma-otoridad talaga siya. Ngunit napapansin ko rin na tuwing maiiwan kaming dalawa at walang ibang tao, nagiging matanong ito. Tulad nang paghihintay niya sa akin hanggang sa matapos akong kumain. Hindi niya ako iniiwan sa hapag nang mag-isa at habang kumakain ako'y nagtatanong-tanong ito.

"How's your day?" he asked before sipping from his tulip glass that contains champagne. "I brought you some stuffs, by the way."

Bumaling ako na nakataas ang kilay sa kanya. May laman ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita. What stuffs? Tinignan ko sya na parang nagtatanong. "Just hmm,.. colorful thingy?" He said uncertain. "I asked Emily to bring it to your room."

"Okie, thanks Mr. Wilson." I bowed a little and continue eating.

"Call me Wilson, Lily."

"Okay, Wilson." I paused a little and think. Ang pangit pakinggang kung Wilson lang---- or nasanay lang talaga akong may Mister?

Ikinibit balikat ko na lang ang naisip at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"You should eat more, Lily..." He said authoritively, "And you eat slowly too, that's why you're very petite. You look like a child."

Muntik ko nang maibuga ang ang tubig na iniinom ko dahil sa walang prenong bibig nya. Tapos na akong kumain at uminom ako ng tubig. Grabe, di man lang nag-alilangan sa pagsabi?

Though it is true, kakaunti at mabagal akong kumain. Pero mukha ba talaga akong bata? Alam ko naman na hindi ako katangkaran, pero true ba?

"Do I really look like a child?" bumaling ako sa kanya at nagtanong.

"Yeah, you're cute though." He chuckled. Sumimsim ito ng champagne at tumingin sa wrist watch nya. "I have things to do, I'll go to my office now.." Tumayo ito, "meet me there, we'll talk about plans for your college admission."

Tapos na rin naman akong kumain kaya naman agad akong sumunod sa kanya. Ilang linggo na lang ay magpapasukan na. Hindi pa rin ako enrolled at wala pa akong naiisipang university na dapat pasukan. Gusto ko sana'y sa state university na lang para walang tuition na babayaran, alam ko namang kaya ng Coulson's na pag-aralin ako sa mamahaling school pero nakakahiya, at isa pa'y hindi talaga ako legally adopted. Ibig sabihin, wala akong karapatan sa kahit anong pagmamay-ari ng Coulson's.

FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon