CHAPTER 2

23 9 1
                                    

It's been a week since we arrived here in Manila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko noong una dahil pagkarating namin dito, sinalubong agad kami ng mga maids at kinuha nila ang mga maleta ko. Kung maraming maids sa Cagayan de Oro, mas marami ata rito. At sandamakmak din ang men in black sa labas. Ano ba 'tong si Mr. Winston, President???

Mas malaki rin ang mansion na ito kumpara sa CDO, at mas modern ang disensyo rito. Ang kwarto ko naman ay malaki rin, sabi sa akin ni Ate Emily, isa sa mga maids, sinabihan daw sila ni Mr. Winston na kung gusto kong baguhin ang ayos ng kwarto ay okay lang. I actually don't like it, it is so dull. Elegante tignan ang black, white and grey, nag cocompliment ang kulay nito pero hindi talaga ako fan ng ganitong kulay. I like pastel colors especially pink and lilac. Nahihiya lang akong magsabi dahil wala naman akong ambag sa bahay, bakit pa ako magrereklamo?

"Miss Ksenia, magdinner na po." Kumatok ang isa sa mga maids sa pintuan ng kwarto. I'm currently reading a book, ito lang ang libangan ko simula nang makarating dito sa Manila. Ang cellphone ko ay isinurrender ko kay Kuya Alexei and he went back to Cagayan de Oro nang maihatid ako rito sa mga Coulson. Until now, wala pa rin akong cellphone. Hindi ko alam kung bakit bawal akong humawak ng gadgets dahil bakasyon ngayon at matagal pa ang pasukan sa college.

Bumaba ako sa dining hall at naabutan ang kambal na kapatid ni Mr. Winston na sina Wynona at Wayne. Halos hindi nalalayo ang edad namin dahil they're both 19 while I'm turning 18. Wayne is nice. Hindi sila gaanong magkamukha ni Mr. Winston, he's nerd looking ngunit hindi maitatanggi na gwapo ito kahit nakasuot ng eyeglasses. Ang katawan nito ay mukhang hindi rin napababayan ng pag-gym.

However, Wynona. I don't want to talk about it.

"Have dinner with us, Ksenia." Nakangiting sabi sa akin ni Wayne. Inilalabas pa lamang ng mga maid ang mga pagkain na maganda ang presentasyon at di maipagkakailang lutong pang mayaman. Hindi naman ito bago sa akin dahil ganito rin noon sa CDO.

Umupo ako sa tabi ni Wynona pero dalawang upuan ang pagitan. Simula nang dumating ako rito, pakiramdam ko ay ayaw nya sa akin. Kaya madalas ay ako na lang ang dumidistansya. Hindi ko madalas makita rito si Mr. Winston dahil simula nang dalhin nya ako rito, iyon na ang huli naming pagkikita. Ang kwento sa akin ni Ate Ems ay maagang umaalis ang amo nila at umuuwi kapag gabi na. And I'm always in my room, hindi ko pa nga alam ang pasikot sikot dito sa mansion.

"So how are you coping up with your new home, Ksenia?" Wayne asked nang magsimula kaming kumain. I shrugged. "Okay lang naman." Tipid na sagot ko. He just nodded at nagpatuloy sa pagkain.

Hanggang sa matapos ang hapunan ay walang nagsalita sa amin. Unang umalis sa mesa si Wynona at nang si Wayne naman may matapos kumain, nagpaalam na ito sa akin na babalik na sa kwarto nya. At dahil mabagal talaga akong kumain, naiwan akong mag-isa. Sanay naman na akong mag-isa kumain dahil hindi ako sinasabayan ng maids kahit noon pa man sa CDO.

"Ate Ems, tapos na akong kumain. Salamat po sa inyo." Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin at dinala ito sa kitchen kaya naman dali-daling kinuha sa akin ito ng isang maid.

"Nako miss Ksenia, kami na po ang bahala sa ganyan. Baka po makagalitan kami ng head master." Natatarantang sabi ni Ate Rosalyn. "Ang OA naman ng head master nyo, parang maliit na gawain eh. Di naman ako baldado." Natatawang sabi ko. Totoo naman kasi, maliliit na bagay na lang ba ay iaasa pa sa maid?

Walang ni-isang nagsalita sa kanila nang sabihin ko iyon at nakatingin silang lahat sa likod ko. Tumikhim ito kaya napatingin ako. Lumaki ang aking mga mata sa gulat. Narinig kaya nya ang mga sinabi ko?

"Hehe. Mr. Winston." I awkwardly smiled at him at yumuko ulit. Akala ko ba gabing gabi pa ito umuuwi? Alas-syete pasado pa lang ah?! Nanatili akong nakayuko dahil sa hiya ko. Sinabihan ko pa sya ng OA. Kumokota na ata ako. Noong isang lingo sabi ko rude sya, which is true naman. Ngayon naman OA, and it is still true!

FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon