KSENIA
"Hanggang dito na lang kita ihahatid, Ksenia. Napakahigpit ng bodyguard mo..." Natatawang sabi ni James nang makalabas kami ng campus patungo rito sa parking lot, "...Para akong kakatayin sa tingin eh." Totoo naman. Ewan ko ba sa mga bodyguard na 'to kung bakit ganyan, kahit sinong lalaki na lumapit sa akin ganya sila tumingin.
"Sige, James. Thank you for carrying my books." Binubuhat nya lagi ang tatlong books ko kahit kaya ko naman, lagi nya rin akong hinahatid dito sa parking lot. "I'm sorry if hindi kita mapapunta sa bahay, thanks for understanding my situation, James." I smiled at him at kinuha na ang mga libro ko.
"You don't have to worry, Ksenia. Okay lang. But I hope I'll meet your legal guardian para pormal akong makapang-akyat ng ligaw sa maganda nilang prinsesa."
Naabutan kami ng dalawa kong bodyguard na nagtatawanan kaya naman ng makalapit sila'y di na rin nagtagal si James at nagpaalam na kami sa isa't isa. Ang totoo nyan, nililigawan ako ni James. Bukod sa gwapo nyang mukha, he's a nice guy too. Mabait at matalino. Anak sya ng Barangay Captain namin at popular sya. Pareho kaming nasa grade 12 na at malapit na magkolehiyo. Halos dalawang lingo na lang ay graduate na kami ng Senior High School. Wala pa akong idea kung saan mag aaral at wala pa akong nababalitaang plano tungkol sa pagkokolehiyo ko.
Naging busy nitong mga nakaraang buwan si Kuya Alexei, siguro'y maraming kasong hawak. Tinatawagan lang nya ako tuwing gabi at magtatanong kung kumain na ba ako. And it's been almost a year since Mr. Winston visited. The first time that I met him was the last time I saw him. Hindi na ulit sya dumalaw. I'm already 17 now, at ilang buwan na lang ang bibilangin ay mag- eeighteen na ako. Ang sabi ko kay James, kapag nag 18 na ako ay maglalakas loob akong ipakilala siya kay Kuya Alexei at Mr. Winston. Sa ngayon ay hindi pa pwede, nakakahiya lalo na sa mga Coulson.
Nang pagbuksan ako ng pintuan ng kotse, nagulat ako sa limang magkakasunod na black Mercedes Benz G Class ang pumasok sa gate. Hindi muna ako pumasok sa mansion, titignan ko muna kung sino ang dumating. Wala naman kasing bumibisita rito. Si Kuya Alexei naman ay naka Audi.
Bumukas ang pintuan ng pangatlong Mercedes Benz, natulala ako sa kung sino ang bumaba. Teka, bakit wala syang pasabi?! Walang binabalita na kahit ano si Kuya Alexei sa akin!
Nagpanic ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako lagi kay Mr. Winston. Siguro dahil pakiramdam ko kakainin nya ako anytime.
"Ksenia." Malamig na sabi niya. Wala itong emosyon na bakas sa mukha o sa boses. Ganoon pa rin katulad last year nung bumisita siya rito, nakakapanghina pa rin tuwing binabanggit nya ang pangalan ko.
"Mr. Winston." I bowed my head to him as a sign of greeting.
"We need to talk." Sambit nya at dumiretso na papasok sa loob ng mansion. Anong pag uusapan namin? Yung pagcocollege ko ba? Hala. Lalo akong kinabahan sa we need to talk na yan ah? Agad na lang akong sumunod sa kanya but this time, he went to the library of this mansion.
Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair habang pinagmamasdan ang Kinetic Orbital Revolving Gadget na nakapatong sa ibabaw ng table. He's serious and looking scary. Pero hindi naman ako natatakot, kinakabahan lang ako hehe.
"H-hello po." I said as I stand infront of the table. "Ano pong pag-uusapan?"
Napalunok ako ng tignan nya ako. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan nya ang buong pagkatao at kaluluwa ko huhu. Bumalik ang tingin nya sa science toy sa harap nya. Hindi ko alam pero parang he looks irritated and bothered. Hindi ko alam kung paano ko nasabi dahil walang expression ang face nya. His stares are cold but burning. Kung ako siguro yung laruan, natunaw na ako huhu.
"How old are you, Ksenia?" tanong nya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa laruan. "Turning 18 in three months po, Mister." Napalunok ulit ako sa kaba nang tignan nya ulit ako mula ulo hanggang paa. Ano ba ito huhu I feel insulted ah. Jinajudge nya ba na mukha akong elementary sa uniform ko? Or naiigsian ba sya sa palda ko? Ang uniform kasi namin ay white polo longsleeves na may necktie at dark blue knife pleated skirt na hanggang kalahati ng mga hita ko kapares ng above the knee na medyas at itim na sapatos.
BINABASA MO ANG
Flames
General FictionThe family of Coulson is powerful. Money, big businesses, connections,.. but tragedy happened and Winston Van Coulson became the youngest head master of their family. He is cold as ice but burns like the sun in the sky for her Lily. He desires for h...