CHAPTER 6

12 3 0
                                    

"Thanks, Kuya Benj! Kaya ko na po 'yan hehe thank you." As usual, hatid sundo ako sa school ni Kuya Benji, he always carry my things kahit na kaya ko naman.

Kinuha ko sa kanya ang tatlo kong libro at pumasok na sa loob ng mansion. It's only one in the afternoon pero tapos na ang klase ko. My friends are inviting me to have our lunch outside but I refuse. Wala ako sa mood kumain sa labas and besides, marami kaming dapat na asikasuhing school-related stuffs.

Ipinatong ko ang bag at mga libro ko sa sofa sa sala. I went to the kitchen to check kung anong food ang meron for lunch. But as usual, lutong pang mayaman ang mga ulam. I opened the fridge to see anything I could eat. Wala akong gana kumain ng full meal today.

"Ooh, blueberry cheesecake." Kinuha ko ang walang bawas at buong buo pa na cheesecake mula sa loob ng fridge at inilapag sa bar counter. Kumuha ako ng cake slicer, fork and a plate.

Siguro'y dapat kong dalasan ang pagtungo rito sa kusina. Hindi kasi ako madalas lumabas ng kwarto ko. At hindi ko alam na may mga cake pala sa ref hehe. Sarap. Nilantakan ko ang cheesecake habang nag sscroll sa instagram. However, sa sobrang pagkalibang, I didn't notice that I ate half of it. Agad agad ko itong ibinalik sa ref at uminom ng tubig. I hurriedly went to the living room, pick up my things and went straight to my room upstairs.

I passed the time just drawing different kinds of clothes on my sketchbook. I love visualizing dresses, outfits and such. I want to be a fashion designer and be a model at the same time. Pero 5'2 lang ako so doon na lang tayo sa fashion designer hehe.

Nang dumating ang alas-singko pasado ng hapon, I've decided to go outside of my room. Medyo nagugutom ulit ako, sana may cheesecake pa sa ref. Pero nang makababa ako sa sala'y nakakarinig ako ng ingay mula sa kusina.

"Hindi ko po talaga alam Mr. Winston. Inilagay ko po yon agad sa loob kaninang umaga pagdala pa lang ni Benji rito." It's Ate Ems' voice.

"Then where is it?!!" nagulat ako nang marinig ang boses ni Winston mula roon. He's raising his voice. Ano ba ang hinahanap nya?

"I swear Kuya, I just got home! I don't know anything." Boses iyon ni Wynona. Pagpasok ko sa kusina'y naroon sina Ate Lou at Ate Ems, si Wynona at Winston. Ano bang pinag-uusapan at bakit galit nag alit itong isa?

"Who fucking ate my cheesecake?!" Winston raised his voice once again. Nanlamig ang katawan ko nang maalala ang kinain kong cheesecake kanina. Iyon ba ang hinahanap nya? Bawal ba kainin yon? Hala ka.

"I think, I---, I accidentally ate that cheesecake." Marahan at mahina kong sambit. Napangiwi ako nang sabay sabay silang lumingon sa akin. But anger instantly washed away from Winston's face as if he calmed down as he gazed upon me.

"Are you sure, Lily?" Winston walked towards me. "You're not covering up for someone?"

"Yes, I'm sure that's the exact blueberry cheesecake I ate earlier. I'm sorry, hindi ko alam na bawal kainin? Ipang-reregalo mo ba yan?" curious na tanong ko kasi bakit bawal kainin eh nasa ref? Ano yan pinalagak??? Eh wala naman kaming kapitbahay???

"It's fine. And I won't give it to anyone else. Do you like it?" hindi nakatakas sa paningin ko ang tingin ng bawat tao sa kusina sa kung paano ako mas nilapitan ni Winston habang nagtatanong ito.

"Bumaba ako to get some more, actually. But I heard you're raising your voice, so..."

"Okay, eat up then. I'll go upstairs now." I slightly flinched down when he patted my head. Nang tignan ko ang mga tao sa paligid namin ay tila na-estatwa sila sa nasaksihan. I raised my brow to them. They look weird.

Nakahinga sila nang maluwag nung tuluyang makaalis sa kusina si Winston. Nilapitan ko agad ang cake at nagslice.

"You know what? We may not be close but I'm a little glad you're here." Wynona said out of nowhere. Mukhang kakagaling lang talaga nito mula sa Uni pero napagalitan agad ni Winston. Tipid itong ngumiti bago lumabas ng kusina. Naiwan akong kumakain ng cheesecake habang nakaupo sa bar stool.

FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon