"Promise me, baby. You'll stay here and hide. You will not leave your room until I said so, are we clear?"
I heard noises coming from outside, I don't know what those are and I'm scared. "What's the loud noise outside, mommy? I'm scared." Mommy hugged me tightly. "Don't be. Mommy and Daddy will protect you, okay? Just do what I say. Stay here."
"But I don't wanna be alone here, mommy." I'm about to cry, I wanna go with mommy.
"You need to. You're brave, right? Be brave."
"Are they the bad guys, mommy?"
"Yes, baby. They are the bad guys. Daddy's punishing the bad guys right now and I need to help daddy. So you stay here and be brave. Don't go outside of your room. I love you so much, munchkin."
"I love you too, mommy. Tell daddy I love him and be strong!"
I said to my mommy while hugging her. I wish daddy is here so I can hug him too.
She kissed me on the forehead and headed outside of my room. Little did I know that's the last time I will hug my mom and I did not have the chance to see my dad.
Today is their death anniversary. I can still remember how I lost my parents back then. Siyam na taong gulang lamang ako nang mawala sila, maaga akong naulila at naging ampon. Ang sabi'y nilooban kami ng mga magnanakaw at napatay ang mga magulang ko. Sobrang hirap maging ulila lalo na't wala pa akong maintindihan noon.
Maswerte ako dahil may kumupkop sa akin. Ang pamilya ng mga Coulson. Walang kamag-anak ang parents ko at hindi ko alam kung bakit. Wala rin akong kilala kahit lolo at lola ko man lang. Tiyahin o tiyuhin at mga pinsan, wala talaga.
"Ksenia.." Nabaling ang aking paningin mula sa lapida ng mga magulang ko patungo sa aking likuran. "Hello po, Attorney." Bati ko kay Atty. Campbell. Si Attorney Alexei ang halos na nag aasikaso sakin tuwing may kailangan ako especially kapag tungkol iyon sa pera. Siya rin ang nag eenroll sa akin sa pinapasukan kong sikat na private school dito sa Cagayan de Oro. Private attorney sya ng pamilya Coulson, sa totoo lang wala akong ideya kung anong klase bang pamilya iyon. Nagpakilala lang sa akin itong si Kuya Alexei noong burol nina mommy at daddy at nagpaliwanag ng mga bagay bagay na hindi ko naman maintindihan noon. Ipinaliwanag niya na may kukupkop na mayamang pamilya sa akin, sila raw ay malapit na kaibigan ng mga magulang ko. Bata pa ako noon, mabilis akong nagtiwala.
Mabait itong si Kuya Alexei, pinakabatang abogado rito sa Cagayan de Oro. Noong una, Attorney lagi ang tawag ko sa kanya pero kalaunan, naging komportable na kami kaya't halos magkapatid na rin ang turing namin sa isa't isa. Pero masunurin si Kuya Alexei sa mga Coulson, hindi niya ako pinalalabas ng bahay tuwing walang kasamang bodyguard. Walang lalaking nagtatangkang lumapit sa akin noon at makipaglaro dahil pinagbabawalan sila ng dalawang gwardiyang kasama ko. Wala akong ideya kung bakit kailangan pa iyon dahil ampon lang naman nila ako.
"Mr. Coulson called. We should go home now." Malumanay niyang sabi. Kung hindi lang matanda sa akin si Kuya Alexei, magkakagusto ako rito. He looks clean and neat, bagay na bagay ang titulong abogado sa pangalan nya. Parang kahit anong isuot niya'y magmumukha pa rin sya kagalang-galang. Pero on the other hand, bagay din sa kanya maging model. Hehehehe.
"Kuya Alexei, bakit di mo naisipan magmodel na lang?" I asked out of nowhere habang binabaybay ng magarang kotse ang daan patungo sa mansion ng mga Coulson na ako lamang ang nakatira na puro house maids at guards ang kasama.
Napatingin sa akin si Kuya Alexei na natatawa. Hehe. Minsan naiisip ko baka may sira sya sa ulo kasi lagi nya akong tinatawanan. Parang tanga lang.
"Bagay ba akong model?" tanong nya at ngumisi. "Yes, you are!! You look so neat and clean pero cool at the same time. And you're handsome as well." I cheerfully said. Lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Kuya Alexei kaya tinitigan ko lang sya na nagtataka. Akala ba nya nagbibiro ako? "Please don't say that infront of Winston." Natatawa nyang sabi. Ewan ko rin kung anong nakakatawa. Tsaka Winston? I heard his name before.
BINABASA MO ANG
Flames
General FictionThe family of Coulson is powerful. Money, big businesses, connections,.. but tragedy happened and Winston Van Coulson became the youngest head master of their family. He is cold as ice but burns like the sun in the sky for her Lily. He desires for h...