|KABANATA 8|
LAURA Costariza
(Agosto 28, 1884 Las Casas)"Ama hindi mo pa rin ba ititigil ang kagustuhan mo? Hindi ako magiging masaya sa buhay na gusto n'yo," puno ng pagmamakaawang lumuhod si Laura sa gilid ng Ama habang nasa gitna ng salo-salo ang pamilya.
Araw ng linggo, kaya't nasa Las Casas siya. Ang pinakamatandang bahay sa bayan ng Santa Barbara na pagmamayari ng ninuno ni Kapitan Dante na kalauna'y ipinamana rin sa kaniya.
"Matagal na ang naging kasunduan namin ng iyong Ninong, alam mo ring matalik na kaibigan ko si Señior Cristobal kaya't mananatiling buo ang desisyon ko Luna." buwelta ng matanda.
"Hija tumayo ka na riyan. Walang magagawa ang pag luhod mo sapagkat natuldukan na ang usaping iyan noon pa," inalalayan ni Milagros ang anak, ngunit hinawi nito ang kamay niya at nagtatakbo paakyat ng kaniyang silid.
Paano na lang si Israel? Mahal niya ang binata at hahamakin niya ang lahat kahit pa ang pamilya niya para rito, wala siyang pakielam sa kahihiyan ngunit mas natatakot siya para sa kapakanan ng binata. Alam niyang maaari nitong ikapahamak ang relasyon nilang dalawa.
"Sumugal ako kahit wala namang mawawala sa akin. Subalit ika'y sumugal alang-alang sa'kin kahit alam mong posibleng mawala sa'yo ang lahat. Kahit pa ang buhay mo."
Pagkapasok na pagkapasok ni Laura sa kaniyang silid ay agad niyang kinuha sa kan'yang talaarawan ang nakaipit na lumang larawan ni Israel na hiningi pa niya noon sa binata.
"Alam ng langit kung gaano kalalim ang pag-iibigan natin. Ikaw ang lahat-lahat sa'kin, ngunit natatakot ako na baka mapalaot lamang kung saan ang ating mga puso at hindi na muli pang magtagpo."
Isang katok mula sa pintuan ang nagpabalik sa isip ni Laura kaya't agad niyang ibinalik ang letrato sa kaniyang talaarawan. Pinunasan niya ang mukha at naupo sa kama, hinintay ang pagbukas ng pinto subalit walang sinumang iniluwa iyon.
"Iiwanan ko na lamang dito ang pagkain sa harap ng iyong silid Laura, mananghalian ka. Ilang oras na lang ay ipapakilala ka na ni Ama sa anak ni Señior Cristobal, alam kong masama pa rin ang loob mo kay Ama ngunit kung susubukin mo si Ama ay alam mong sasayangin mo lamang ang 'yong panahon."
Nanginginig ang katawan ni Laura sa mabigat na emosyon sanhi para bumagsak na lamang ang katawan nito sa sahig ng marinig ang sinabi ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Luna. Alam na niyang sa pagsapit ng dilim ay magsisimula na rin ang kalbaryo sa buhay niya. Kasal ang tiyak na kasunod ng kasunduan at dehado siya sapagkat may iniibig na siya.
Naisubsob na lamang niya ang sariling mukha sa sahig at walang ibang magawa kundi ang magpanangis. Wala pang kaalam-alam si Israel sa mga nangyayari sa kaniya, sa huling pagkakataon ay naging makasarili pa rin siya bagay na ikinakagalit niya sa sarili. Kung nasasaktan man siya ngayon ay alam niyang mas masasaktan si Israel kapag nalaman nito ang lahat.
FRANCESCA Bettina De Lugo
(Plaza-Santa Barbara)Sisiputin pa kaya ako ni Joaquin? Alas nuwebe lamang ng umaga ang usapan namin, pero alas sonse y medya na'y wala pa rin siya.
Halos magsalubong na ang kilay ng dalaga habang nakatayo sa tabi ng isang tindahan ng mga damit. Inip na inip na siya, hindi niya sigurado kung tama pa bang naghihintay siya o mas mabuti pang bumalik na lamang sa dormitoryo. May usapan sila ni Joaquin at ilang oras na'y wala pa rin ito. Halos pumuti na ang mga mata niya at tumamlay ang katawan niya sa sobrang inip, isa pa'y kumakalam na rin ang sikmura niya.
"Cessang!" isang sigaw ang walang gana niyang sinundan ng tingin, sa wakas nabakas din niya ang anino ng binata.
Nanatili siyang walang ekspresiyon, ayaw niyang ipakita na natutuwa siya sapagkat nawiwili na ito. Ilang beses na siyang nadidismaya sa binata, noong una ay ang hindi nito pagsagot sa mga sulat niya. Ang pangalawa ay ang pagtutulak sa kaniya nito na sumama sa mga guardia noong araw na ipinasundo siya ni Don Adelio. Nadismaya rin siya noong dinalaw siya nito sa Dormitoryo subalit inilaan lamang nito ang oras sa pamangking si Maya.
BINABASA MO ANG
1866: 6 Years Of Tears (completed)
Historical FictionAnim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam n...