Kabanata 34

41 2 0
                                    

|KABANATA 34|

GABRIELA Florencia
(Sala ng Hacienda)

Maingay ang paligid, maraming tao sa sala kahit mayroon ding hain sa labas at sa kabilang bahagi ng Hacienda kung nasaan ang dalawang hagdanan. Ang mga kababaihan na mula sa angkan ng mag-asawang Don at Doña ay halatang takot na maungusun pagdating sa pananamit, kaya't kitang-kita na pinaghandaan ng mga ito ang imbitasyong ipinadala ng Gobernador. Mamahalin ang mga kasuotang baro't sa'ya, ang mga sandalaya naman ay halatang ginto ang ipinang bayad at ang mga ayos ay halata ring nilaanan ng malaking salapi.

"Baka rito ko na makikita ang aking mapapangasawa," pagbibiro ni Maximo na kanina pa lumilingap ang mga mata habang kumakain.

Agad siyang tinampal ni Catalina sa braso bago nagsalita. "Kuya Maximo isusumbong talaga kita sa kay Tiya Elenita, sasabihin ko'y nagbakasyon ka lamang dito upang mambabae!" Pananakot ni Catalina sa pinsan gamit ang pangalan ng Ina ng binata.

"Nais mo na bang makapag-asawa ginoong Victoria?" Tanong ni Gabriela.

"Pangarap ko iyon," sagot nito.

"Kuya alam mo, bakit ba isinama pa kita?" Nakangiwing usal ni Catalina na kunwari ay nagsisising isinama ang pinsan.

"Kung gayon ay pareho pala tayo ng pangarap, nais mo bang ipakilala na kita sa aking Ama ng sa gayon ay makilala na niya ang kaniyang mamanugangin?"

Halos maduwal si Catalina, Maximo at Pepito sa sinabi ng kaharap na si Gabriela na agad ding nilunok ang mga pagkaing muntik ng maibuga.

"Gabriela dinadalaw ka ba ng kahibangan?" Napailing nalang si Catalina sa tinuran ng kaibigan.

"Binibini ayos lamang na pag-pantasyahan mo ako dahil alam kong bawat isang babae ay hindi kayang kumawala sa aking kakisigan, subalit--"

"Teka! Sandali, parang nagbabadya ang biglaang paglamig!" Pagpapaalala ni Catalina at saka niyakap ang sarili.

"Totoo nga ang tinuran mo Catalina, masyadong presko at mataas ang tingin sa sarili ng iyong pinsan!" Natatawang sabi ni Gabriela na ikinapait bigla ng ngiti ni Maximo.

"Kuya Maximo huwag mong dibdibin ang sinasabi namin ah? Huwag kang mag-alala--" si Catalina rin mismo ang tumigil sa pagsasalita ng may mga kababaihan sa 'di kalayuan ang panay tingin sa kanila at saka biglang nagpipigil ng ngiti.

"Mukhang enteresado sa iyo ginoong Victoria ang mga dalagita roon dahil kanina ko pa sila napapansing sumusulyap sa iyo." Si Pepito nagsabi noon.

Napatingin din si Gabriela sa lugar kung nasaan ang mata nila Pepito. Nakita niya ang ilang kababaihan na agad inalis ang tingin sa puwesto ng mesa nila. Sa kabila ng pagbibiro kanina ay batid na naman talaga niyang pinipilahan ng mga dalaligata ang pinsan ni Catalina, kita naman sa hitsura at tindig ni Maximo. Iyon ang nakikita niya.

Pakagat na ang alas tres ng hapon, nasa gitna na sila ng pamilihan sa bayan. Huling araw na ito ng kanilang pananatili sa labas, bukas na bukas ay kinakailangan na nilang bumalik sa dati nilang buhay sa dormitoryo at eskwelahan.

"Tingnan n'yo, bagay sa akin hindi ba?" Tanong ni Catalina na suot-suot ang isang payneta na gawa sa matibay na kahoy.

Tango naman mula sa mga kasama ang nakuha niyang sagot.

"Maganda, sakto sa iyong madulas na buhok neng!" Papuri ng babaeng tindera na nagpangiti sa kay Catalina.

"Bagay din po ba ito sa akin?" Tanong ni Maximo na halos magpahalakhak sa kanila, pagkatapos ay agad ding inalis iyon at ibinalik sa mga nakahanay na payneta.

1866: 6 Years Of Tears (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon