Kabanata 31

27 2 0
                                    

|KABANATA 31|

FRANCESCA Bettina De Lugo
(Hacienda ng mga De Lugo: Septiyembre 28, 1884)

Abala na ang lahat ng mga katulong at bantay sa buong Hacienda ng mga De Lugo bago tuluyang pumutok ang araw, miyerkules na at ito na ang araw na pinaka kinasasabikan ng lahat, dahil araw na ng kapistahan sa bayan. Sa labas ng Hacienda ay makikita ang mga kababaihang abalang-abala sa pagluluto ng iba't ibang mga putahe, mausok ang paligid at sapat na rin ang hangin para malanghap sa paligid ang nakagugutom na amoy ng mga pagkain. Ang iba'y abala sa paghihiwa ng mga panggisa, pagkatapos ang ilan naman ay nagpupunas ng mga kubyertos at mga antigong plato, platito at iba pang mga kasangkapang inilalabas lamang kapag may magarbong handaan.

Ang nga kalalakihan naman ay ang taga asikaso ng mga kahoy at mga pulutan na kapares ng mga inuming alak. Maingay din ang buong paligid dahil may kasabay na huntahan ang pag-aasikaso ng mga ito, nagkakatuwaan pa at tila ba hindi iniinda ang pagod mula pa kahapon ng madalaing araw na pagpreprepara.

Pagpasok naman sa sala ay makikita ang mga katulong na nag-aalis ng naghahabaang kurtina upang palitan at ang iba'y sa pagpapalit ng mantil sa mesa nakabaling ang atensiyon.

"Ilang sandali na lamang ay bababa na si binibining De Lugo," anunsiyo ni Antonia gamit ang malakas na boses sa pinakadulong bahagdan ng hagdan.

Nagsitigil sa ginagawa ang lahat ng nasa loob ng Hacienda at nagtipon-tipon sa sala ng sa gayon ay masaksihan ang natatanging kagandahan ni Francesca na nag-iisang apo ng Gobernador na nakatira sa Hacienda ng mga De Lugo.

Maya-maya ay iniluwa na si Francesca ng kaniyang silid, napuno ng pagkasabik ang mga tao sa sala ng makita ang napakagarbong damit nito na kulay asul, nakalobo pa ang laylayan nito na hanggang sakong at pinakintab pa ng ginamit na tela at saka ang pang intaas naman nito'y mayroong mahabang manggas na nagtabing sa dalawang braso ng dalaga, subalit manipis lamang ito at hindi naman ganong kakapal. Mayroon ding nakapatanong na puting pañuelo sa batok nito patungo sa harapang bahagi, maliliit na kurbado ang hitsura ng laylayan nito.

"Marunong pala talagang manahi ang bunsong anak ng Gobernador." Bulong ng isang dalagang tagapagsilbi na nakadungaw mula sa batalan (lababo) kasama ang ilan pang mas piniling manatiling nakasilip kesa dumako sa karamihan.

"S'ya nga, kamangha-mangha. Hindi pa nga rin nagpo-proseso sa isip ko ang ipinasilip sa ating lugar ng Doña Blanca." Anang isa pa sa nakadungaw na dalaga.

"Walang kahalintulad ang pagkakatahi at pagkakahabi ng ibang bahagi. Tunay ngang matagal nang sikretong nananahi si binibining Carolina dahil kitang-kita ang pagka-natural ng tahi na sa madaling sabi ay gamay na gamay na nito ang mga pamamaraan sa pananahi." Usal ng isa pa.

Kahapon kasi ay napagpasiyahan na ni Carolina na ibukas ang kaisa-isang lihim na lugar niya sa buong Hacienda sa mga naninilbihan at tauhan sa lugar na pinahintulutan din naman ng Don at Doña dahil ang isa sa tinahi niya ang ipasusuot niya kay Francesca. Alam naman ng dalawang matanda ang lugar dahil sila mismo ang nagpaayos noon para sa anak na bunso, lalo't hindi rin naging lingid sa kaalaman nila ang dinalang bangungot sa bunsong anak ng pagkakapatay sa kuya nitong si Alejandro. Subalit tulad ng karamihan ay ang akala rin ng mga ito ay malayo ang loob ni Carolina sa pamangkin sa kadahilanang ang akala nila'y tulad lamang ng tingin kay Francesca ng mga kamag-anakan ang tingin ni Carolina rito.

Kaya't ikinagulat ng dalawang matanda ng kausapin sila ni Carolina kahapon para ipaalam na ang tahi niya ang susuotin ni Francesca at ik'nwento rin niya sa mga itong labis ang pagmamahal niya sa nag-iisang anak ng kaniyang Kuya Alejandro at binanggit din niya na iyon ang rason kung bakit lagi niyang pinapadalhan ang dalaga ng mga bagong kasuotan na siya mismo ang tumahi.

1866: 6 Years Of Tears (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon