Kabanata 32

33 2 0
                                    

|KABANATA 32|

FRANCESCA Bettina De Lugo

Pagod na pagod na si Francesca habang naglalakad kasunod ng mga dalagita at dalaginding na sumasagala. Maingay ang paligid dala ng mga ginagamit na materyal para maging kapana-panabik ang pista ng bayan. Ito lamang kasi ang unang beses niyang sumagala sa Pista at saka'y hindi rin naman siya laman ng mga kapistahan.

"Binibini, mahaba pa ang lakarin baka naman isipin ng mga tao'y lagi kang nakasimagot at maarte. Mabuti pa'y pilitin mong ngumiti." Pagpapaalala ni Aitana.

Kanina pa siya panay paalala sa amo at isa pa'y ayaw naman na rin niyang marinig na pinag-uusapan si Francesca ng hindi maganda ng mga tao.

Halos mag isang linya ang mga kilay ni Francesca sa tinuran ni Aitana, dahil kanina pa niya iniinda ang pagod simula sa makaalis sila sa simbahan.

"Sa tingin mo ba'y makangingiti pa ako sa humuhulas na katawan kong ito? Tapos ay walang hinto pa ang lakad" Reklamo niya.

"Pataas na ho kasi ang sikat ng araw at saka mabuti naman po iyan sa katawan." Depensa ni Aitana.

"Ayoko na!" May maiiring boses na sambit ni Francesca at saka napahinto.

"Ano pong ayaw n'yo na binibini? Nakakahiya naman ho sa kay Ka-Diego kung aalis bigla tayo sa gitna ng parada? Lalo na--"

"Ang tinutukoy ko'y ayoko ng makipagtalo pa sa iyo, nakakaubos ka ng salita!" Singhal nito at saka bumuntong hininga bago naglakad muli.

Sa pakiwari ni Aitana ay nakahanap na siya ng paraan para patikumin ang bibig ng amo. Lagi na lamang din kasi itong may nasasabi na kontra sa mga bagay kaya't mabuti na rin na kinikibo niya ito upang maipaunawa sa dalaga ang kahalagahan ng pakikisalamuha sa mga ordinaryong tao.

Sa loob ng ilang oras na lakaran ay natapos na rin ang sagala kaya't walang buhay na nakauwi si Francesca sa Hacienda. Ramdam ng lahat ang pagod niya, ngayon lamang kasi ito nakapaglakad ng malayo dahil pangkaraniwan ay naka kalesa naman ito. Dire-diretso itong naglakad papasok ng Hacienda at saka ibinagsak ang katawan sa mahaba at malambot na upuan sa may terrace. Sa palagay niya kasi ay hindi na niya pa kakayaning umakyat sa silid dala ng panghihina. Hihinga-hinga pa rin ito habang tuloy-tuloy ang pagpamumuo ng pawis sa buong mukha.

"Binibini.."

"Gusto ko ng hangin, hangin." Pagputol niya sa sana'y sasabihin ni Antonia.

Sa pakiramdam kasi niya ay parang umiikot ang paningin niya.

"Ako na po ag magdadala kay binibining Francesca sa kaniyang silid." Isang pamilyar na boses ang nagsalita na tila ba malapit lamang sa kaniya.

Pero hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at ipinikit na lamang niya ang mata bago maramdamang mayroon ng may buhat-buhat sa kaniya.

"Sana'y ganito na lamang ang pagkapagod mo at hindi na abutin pa ng pagkapagod sa akin." Isang mahinang salita ang nahagip nang pandinig ng dalaga.

Nang maging bukas ang isipan ni Francesca sa boses na narinig ay unti-unti niyang sinubukang imulat ang mata. Sa gitna ng mga tunog ng yapak ng binatang may buhat sa kaniya ay kaalinsabay naman ang pagiging malinaw ng eksena sa isip ng dalaga. Gusto man niyang isiping isa lamang panaginip ang lahat ngunit huli na sapagkat walang pagdududang totoo ang lahat at malinaw na nag-proseso sa utak niya ang buong imahe ng mukha ng binata.

"Anong kalapastanganan ang nagdala sa isang Adolfo sa lupain ng mga De Lugo?" Iyan sana ang nais ilabas ng kaniyang bibig.

Subalit para siyang napipi at nanghina. Walang duda. Umuuwi na naman ang puso niya sa nagmamayari nito.

Bago pa siya makita ng binatang nakamulat ay agad niyang itiniklop ang mga mata.

1866: 6 Years Of Tears (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon