|KABANATA 35|
FRANCESCA Bettina De Lugo
(Dormitoryo)"Ayos lamang ako."
Gusto ng kagalitan ni Francesca ang sarili, ni kasi ang mga salitang inilabas ng kaniyang bibig ay hindi niya naituwid bagay na lalong nagpabalisa sa puso niya.
"Binibining Alterado bakit kaya hindi muna tayo pumanik sa ating silid?" Suhestiyon ni Maya.
Agad namang nagkaintindihan ang dalawa, kahit pa hindi naman magkalapit ang mga ito. Agad ding naunawaan ni Francesca ang plano ni Maya at Catalina na kaagad ding umalis at iniwanan silang dalawa ni Joaquin. Dahilan para mas lalong hindi mapanatag ang loob niya, lalo pa't pareho sila ni Joaquin na nakatindig at tinitingnan ang isa't isa.
"Maikli lamang ang oras ko rito sa loob Cessang, kaya't maupo na lamang tayo rito upang makapag-usap." Saad ng binata saka pinaunang paupuin si Francesca at saka siya sumunod.
Nanatiling tahimik ang dalawa. Ang inuupuan nila ay nakaharap sa tarangkahan ng eskwelahan, sarado iyon sapagkat sa lunes pa ang simula ng klase.
"Gaya ng sabi ko sa'yo Cessang, hindi ako magaling sa ganitong bagay. Hindi ako sigurado kung ano ba ang inaasahan mong iyaakto ko sa harapan mo, o ang mga dapat kong gawin bilang isang binatang iyong iniibig." Pagbasag ng binata sa katahimikan.
"Siguro'y dahil mas tumitimbang pa rin ang pagkakaibigan natin o siguro'y mangmang lamang ako pagdating sa ganitong gawain." Pagpapatuloy pa ni Joaquin.
"Alam mo kung bakit Joaquin? Dahil napipilitan ka lamang. Gusto mo lamang akong tulungan sa mga naging epekto ng mga nagdaang sularin ko." Sambit ni Francesca.
"Bigyan mo lang ako ng panahon Bettina, basta't alagaan mo ang iyong sarili. Pangako, lahat ng mga sinabi ko'y paninindigan ko." Puno ng sensiridad na wika ng binata.
"Hindi mo obligasyong panindigan kung hindi mo naman gusto. Naguguluhan na rin naman ako sa sarili ko, siguro'y nakasanayan ko lamang na ibigin ka sa loob ng anim na taon. Kaya't ngayon ay--"
"Hindi mo na ako gusto? Ayos lang naman, simula naman noong mapabalitang tapos na ang kasunduan sa pagitan namin ni Binibining Costariza ay kabi-kabila na ang mga kababaihang nais akong mapangasawa."
Halos magsalubong ang dalawang kilay ni Francesca sa sinabi ng kaibigang pintor. Wala sa isip niyang mas madadagdagan pa ang katunggali niya pagdating sa puso ng binata, saka'y tiyak na ang mga kababaihang iyon ay kaedad ni Joaquin at mula rin sa mariringal na pamilya.
Alam na alam na naman ng puso niya kung saan uuwi.
"Bahala ka," wika ng dalaga saka binato ng masamang tingin ang binata.
Simpleng napangiti si Joauqin bago kumibo. "Sabay nating unawain ang mga puso natin Francesca. Pero may isang pakiusap lamang ako sa'yo.."
Inalis muna ni Joaquin ang mga mata sa dalaga at saka ibinalik iyon sa harapan ng Eskwelahan. Lumunok ito sandali.
"Pakiusap ko'y ituring mo pa rin ako kasangga sa mga sandaling pakiramdam mo'y malupit sa'yo ang mundo. Pangako, hindi ko na muling iwawaglit sa isip kong kakampi mo ako." Kalmadong saad ni Joaquin.
Muling sinakop ng katahimikan ang dalawa, isinuot na muli ng binata ang sumbrero at saka ito tumindig at nagpaalam. Wala pa ring kibo ang dalaga kahit pa ilang sandali ng nakakaalis si Joaquin sa lugar.
Hindi alam ng dalaga kung paano dadalhin ng loob niya ang mga salitang iyon mula kay Joaquin, tila ba kinumpuni noon ang bawat piraso ng sugat sa puso niya na akala niya'y hindi na maghihilom. Halos ikalaglag ng luha niya ang mga sandaling iyon, at doon n'ya eksaktong napagtanto na ang mga bigat palang namumutawi sa loob niya ay nagmumula sa mga salitang kailan man ay hindi niya narinig simula ng makabalik ang kaibigang pintor sa Paris.
BINABASA MO ANG
1866: 6 Years Of Tears (completed)
Fiksi SejarahAnim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam n...