|KABANATA 21|
CATALINA Alterado
(Hacienda ng mga Alterado)Sinalubong si Catalina ng ilan sa mga guardia pagkababa niya. Sabay-sabay itong nagsiyukod, bago ibaba ang mga gamit na uwi ng dalaga.
Sa paglalakad bago makapasok sa masyon ay nakita niyang tumama sa katawan niya ang sinag ng araw, napansin 'yang tila repleksiyon na kulay ginto ang liwanag na nasa katawan niya. Dali-dali niyang nilingon ang pinanggagalingan ng sinag at halos mamilog ang kaniyang mata sa nasaksihang kakaibang anyo ng langit. Abo't hanggang tenga ang kaniyang ngiti sa natatanaw na napakagandang bihis nito, hindi siya makapaniwalang bukod sa napakaraming paglubog ng araw na nasaksihan niya ay mayroon pa ring humigit sa mga ito.
"Kung may bagwis lamang ako ay hindi ako magdadalawang isip na baybayin ang himpapawid.." isang tinig ang tila lumapit sa kaniya.
Marahan niyang inilingon sa kaliwang bahagi ang mata.
"Kuya Maximo? Ikaw nga?" hindi makapaniwalang sigaw niya bago tumalon-talon sa tuwa ng makita ang pinsan na si Maximo Victoria.
"Hala! Teka ako nga?!" may maloko nitong saad bago nagtatalon din at sinabayan ang sigla ni Catalina.
Nang makahinto ay napatakip sa bibig ang dalaga na hindi pa rin makapaniwalang nasa harap ang kaniyang pinsan. Si Maximo ay disi-nuwebe anyos na. Ito ay naggaling pa sa Bulacan. Siya ay anak ng Ate nang Ina ni Catalina. Sabay na lumaki si Catalina at Maximo, dahil sa Santa Barbara isinilang rin si Maximo at naiwan sa pangangalaga ni Carmen na Ina ni Catalina, sapagkat kinailangang magtrabaho sa Maynila ng Ina nito. Subalit simula mag onse anyos na si Maximo ay nanirahan na ito sa Bulacan kasama ang kaniyang pamilya. Kaya't taon-taon lamang itong pumupunta sa Santa Barbara upang magbakasyon.
"Ilang buwan lamang tayong hindi nagkita ay ang laki nang ipinagbago mo Kuya. Pumuti at mas lalong tumangkad ka pa, nanliliit tuloy ang aking katawan dahil sa'yo." Puno ng papuri ni Catalina.
"Aba'y syempre. At saka matagal na kayang makising ireng iyong Kuya."
Ikinangiwi naman ni Catalina ang narinig sa bibig ng binata at saka umiling-iling.
"Kuya Maximo kilabutan ka nga sa sobrang pagmamalaki mo sa iyong sarili, kahit na kaunti." aniya pagkatapos ay naglakad na papasok ng kanilang tahanan, kaya naman sumunod na rin ang binata.
Sinalubong si Catalina ng kaniyang Inang si Carmen, pareho silang nakangiting sunalubong ang isa't isa.
"Ina, wala na bang pasok itong si kuya Maximo? Naaalibad-baran ako sa kaniyang presensiya," reklamo niya agad sa Ina pagkatapos ay saka tumingin sa pinsang dire-diretso lang sa pagpasok at nilagpasan siya na parang hangin.
Nakanguso niya itong sinundan ng tingin hanggang sa ilapat nang binata ang katawan sa isang upuang mayroong napakalambot na kutson. Ang kulay nito ay mabaya (pula) na hindi naman ganoon katingkad, pinaganda ito ng mga disenyong makukulay na paru-paro.
"Tama ka hija, wala na siyang pasok dahil tapos na ang ikalawang semestre nitong si kuya Maximo mo sa dalubhasaan." Sagot ni Carmen sa anak dahil nasa unang antas na kasi ang binatang si Maximo sa dalubhasaan sa kursong medesina.
Napabuntong hininga naman ang dalaga at saka kaunting isiningkit ang mga mata para samaan ng tingin ang pinsan nito. Pero sa loob nilang dalawa'y saya, sapagkat sa wakas ay magkasama na ulit sila.
"Ayaw mo ba Catalina na mayroon kang makakasamang kaibig-ibig na ginoo?" may pagka preskong nitong pang-aasar sa dalaga.
"Kailangan mo na atang ihanda ang sarili mo, dahil tiyak na kukuyugin ako ng mga kababaihan ng baryong ito." dagdag pa nito, pagkatapos ay inayos pa ang itiman nitong buhok bago ipinikit ang mata para umidlip.
BINABASA MO ANG
1866: 6 Years Of Tears (completed)
Historical FictionAnim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam n...