|KABANATA 16|
FRANCESCA Bettin De Lugo
Labag man sa loob ng dalaga ang mga nangyayari, pero ano pa nga bang gagawin niya. Sa loob niya'y hindi naman dito matatapos ang lahat. Lalo na ang galit niya kaya'y Laura Costariza at ang pag-ibig niya sa kaibigan.
"Alam ninyo na ang gagawin sa matandang nagtatrabaho sa kay Don Adelio at sa kay Don Alterado." Malumanay na boses na wika niya sa matanda.
Hindi magawang maglaan ng kahit na anong klaseng ngiti ni Francesca sa kaniyang Lola, dahil sa kabila nang katuparan nang hiling ng matanda ay bangungot naman ang hatid nito para sa puso niya. Gayunpaman, sa kabila ng sakit at kirot na dulot ng pag-sinta niya sa kay Joaquin ay nananaig pa rin ang pagkasulam niya kay Laura.
Hindi namalayan ni Francesca na nakatindig na ang matanda na ngayon ay kasalukuyang papalapit sa kaniya. Natuon ang mata ng dalaga sa kamay ng matanda, wala na sa mga palad nito ang dyaryo kundi isang maliit na kulay rosas na baul. May nakaukit na mga dahon ito na ginamitan naman ng matingkad na kulay berde at ilan pang disenyo ang gamit na nagpakinang dito.
"Hija alam kong piitan ang naging pananaw mo sa buhay na kinagisnan ng mga De Lugo. Pero laking pasasalamat ko na tutuparin mo ang sulat na iniwanan ng 'yong Amang si Alejandro para sa taong minsang nagligtas ng kaniyang buhay.."
Kinuha ni Doña Blanca ang kaliwang kamay niya at ipinatong rito ang baul na hawak ng hindi napapawi ang galak sa labi. "Kulay pilak na pulseras ang laman niyan, galing sa kay Isabella na iyong Ina. Iyan ang pulseras na huling naibigay ng iyong Ama sa iyong Ina. Ibinigay niya iyan upang ipakita ang nabuong pagmamahal sa puso ng iyong Ama para kay Isabella. At ibinilin sa akin ng iyong Ina na ibigay ko ito sa'yo kung sakaling hindi niya kayanin ang panganganak sa'yo hija." Pagpapaliwanag pa nito at saka hinaplos ang buhok ng dalaga.
"Maligayang kaarawan Francesca, apo." Dagdag nito bago lumabas ang dalaga.
Habang naglalakad at wala ng nakakakita'y nakaramdam ng bigat sa dibdib ang dalaga. Hindi na nagawa pang tumulo ng luha sa mata niya sapagkat kailan man ay hindi niya ininteres papatakin ang luha niya sa loob ng Hacienda, ngunit ang kalungkutan ay walang takas. Wala sa ideya niyang may umusbong na pag-ibig sa pagitan ng kaniyang Ama at Ina dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip ng dalaga na maaaring magkaroon ng pagsinta sa dalawang taong sapilitang pinag-isa ng mga pamilyang makasarili na nagpalamon sa sistema ng marangyang pamumuhay.
LAURA Costariza
(Las Casas: Septiyembre 05, 1884-Araw ng lunes)"Hindi ko alam kung anong nagtulak sa'yo para agad-agarang maikasal, subalit kung may pinaplano ka man, ay huwag na huwag kang gagawa ng ikakasira ng pangalan ko mamayang gabi sa pagtitipon Laura. Alam mong ako ang kapitan ng lugar na ito." wika ni Kapitan Dante sa harap ng hapag kainan, habang imprentang nakupo sa kabisera ng mesa.
"Huwag kang mag-alala Ama, sapagkat tunay ang hangarin ko. Si señorito Joaquin ang namumukod-tanging sikat sa labas ng bansa Ama, ano pa bang hahanapin ko sa iba." Aniya pagkatapos ay binato ito ng pekeng ngiti at saka umabot ng isang maliit na pirasong mangga na may manipis na hiwa at bahagyang kumagat dito.
"May punto si Laura, mahal ko. Ginagalang ng lahat ang anak ni Señior Cristobal. Kaya't hindi magagawa ng ating anak na ipahiya tayo sa madla," singit naman ni Milagros na kaniyang Ina.
"Mabuti na ang nakasisigurado," tugon ni Kapitan Dante bago tumayo. "Bibisitahin ko muna ang himpilan ng bayan, pagkatapos ay dadaan ako sa predikador upang makibalita sa minsaheng ipinahatid ko kay Padre Crisanto patungkol sa kasal ninyo ni Joaquin." Dagdag pa ni Kapitan Dante habang inaayos ang mga nalukot na parte ng kasuotan.
BINABASA MO ANG
1866: 6 Years Of Tears (completed)
Historical FictionAnim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam n...