Kabanata 25

38 3 0
                                    

|KABANATA 25|

FRANCESCA Bettina De Lugo

Sa pagkatulala'y hindi nakaimik si Francesca sa tinuran ng tiyahing si Carolina. Hindi niya matukoy ang interes na nasambit nito kanina lamang, bukod sa pagkagusto niya sa mga magagarang kasuotan at sa mga bagay na maganda sa kaniyang paningin.

"Lahat ng kasuotang ipinadadala ko sa'yo ay hindi ko talaga ipinapasadya Francesca. Ako mismo ang tumatahi at naghahabi ng mga 'yon dahil ramdam ng puso ko ang namumuong pag-ibig sa puso mo sa larangan ng pananahi.." pagpapatuloy nito.

Mas matinding pagkagulat ang namuo sa buong katawan ng dalaga ng klarong marinig ang paliwanag ng Tiya Carolina niya. Sa loob ng mahabang panahong pagdududa sa trato nito'y kabaligtaran pala ang totoo nitong intensiyon. Hindi siya makapaniwala sa mga katagang inilabas ng bibig nito. Bukod sa kay pag-ibig kay Joaquin kailan man ay wala na siyang iba pang naisip na pangarap o interes sa mga bagay. Masaya man sa mga nakakaengganyong mga damit at gamit subalit kailan man ay hindi pumasok sa kaniyang isip ang pagkakaroon ng interes sa isang bagay na kaya niyang pagtuonan ng oras at pansin.

"Nakakagulat hindi ba? Ang lugar na ito ang nagsilbing mundo ko nang pagkasabik at ang naging katuparan na makita ang tunay na saya at pag-ibig.."

Hindi maikakatw'ran ang galak sa mukha ni Carolina habang sinasabi iyon sa pamangkin. Matagal na ring panahon niyang inililihim ang tunay na hangarin sa dalaga. Hangad niyang matagpuan nito ang tunay na pangarap nito at hasain ang kakayahan nito pagdating ng araw. At ngayong nalaman niya ang kakulangan nila sa buhay ng dalaga ay nais na niyang bumawi at alam niyang sa ganitong paraan niya maipapakita ang pagmamahal sa anak ng kaniyang kuya Alejandro. Tamang panahon na rin ito upang mas maagang mapagtuunan ng pansin ni Francesca ang interes nito kaysa ang pagsisihan ang mga pagkakataong daraan. Ayaw ni Carolinang matulad da kaniya ang pamangkin na isinaalang-alang ang totoo niyang pangarap sa pag-aabogasya.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko Tiya Carolina sapagkat ang akala ko'y peke lamang ang trato ni'yo sa'kin.." sambit ni Francesca na nagawa ring magsalita.

Kapansin-pasin ang agarang pamumuo ng likido sa mga mata ng dalaga.

"Alam ko, dahil kahit na papano ay nababasa ko ang mga kilos mo. Pero lahat ng ipinapakita ko sa'yo ay totoo dahil ipinangako ko kay kuya noong huling araw ng burol niya na mamahalin ko ang anak nila ni Ate Isabella.. ano man ang mangyari." Saad nito.

"Ngayong alam mo na ang pakiramdam ng umibig ay hindi malayong kusa mo ring matuklasan ang kakayahan mo at pag-ibig sa larangang ito.."

Makalipas ang ilang menutos ay iniwanan ni Carolina ang dalaga sa lugar. Pinahintulutan niya si Francesca na suriin ang mga kasuotan at ang mga gamit niya sa pananahi at paghahabi, gayon na rin ang mga telang nagmula sa iba't ibang bayan at ang iba'y galing pa sa ilang mga bansa. Sa simula'y hindi magawang makagalaw ng dalaga, wari bang isang estatwa na nakatinding sa iisang p'westo. Ang isip niya'y napupuno na ng mga katotohanan na matagal niyang itinaboy, ngayo'y para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang sa gayon ay magisawan. Pagkatapos ay nagsimula ng mapadpad ang mga paa niya sa harapan ng mga materyales, marahan niyang idinampi ang kamay sa mga maninipis na sinulid pagkatapos ay pinakiramdaman ang saril bago idinako ang palad sa mga telang naka-rolyo at mga nakatayo sa mga sulok. Ang iba'y nakabalot pa ng mga maninipis na plastik at halatang bago pa, pagkatapos ang ibang nadampian ng palad niya ay bawas na.

Bawat madampian ng kamay niya ay naghahatid ng kakaibang sigla sa loob niya, mayroong sedang magaan sa pakiramdam at napakalambot na talaga namang hindi pangkaraniwan. Mayroon ding magalas at makapal na p'wedeng ipanlaban sa malalamig na klima o sa panahon ng tag-ulan. At meron ding mga telang tila ba gawa sa balahibo ng hayop na kapag nahawakan ng kamay mo ay napakalambot, para bang sa balat ng pusa, pati ang hitsura nito. Ang karamihan ay pangkaraniwan ang kulay habang ang iilan ay kakaiba.

1866: 6 Years Of Tears (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon