|KABANATA 13|
FRANCESCA Bettina De Lugo
Hindi niya naintindihan ang tula, kaya't ipinailalim na lamang niya ang kapirasong papel sa ilalim ng unan. At saka'y wala rin siyang oras parang isipin ang kahulugan noon, gayong mas inaalala niya ang mga sinabi ni Joaquin patungkol sa problema nito. Nakakita siya ng kaunting tiyansa, tiyansa na baka may pag-asa pa siya sa puso ng kaibigan.
"Gaano man katalas ang takbo ng isip ay nakakamang-mang ang pusong mayroong pag-ibig. Saka sa paniniwala ko'y may baon itong panganib.." isang tinig ang narinig niya habang nakapikit.
Tiyak siyang si Gabriela iyon na pasimpleng pinauna si Catalina sa labas ng sa gayon ay hindi nito maulinigan ang sasabihin ni Gabriela sa kay Francesca.
"Uusigin ka ng pag-sinta kung sosolohin mo lang ang nararamdaman mo sa binatang pintor, uusigin ka hanggang sa magdugo ang puso mo. Kalauna'y magiging masang-sang." pagpapatuloy pa nito.
"Bakit hindi mo sabihin sa kay Don Adelio ang tungkol sa kagustuhan mo? At baka sakaling pakiusapan niya si Kapitan Dante na Ama ni Laura upang hindi matuloy ang kasunduan sa pagitan ni señorito Joaquin at Laura?"
Nanatili lamang si Francesca na nakapikit habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng kaibigan. Alam na niyang usap-usapan sa paligid ang tungkol sa kasunduan ng dalawa.
"Hindi ba't magkaibigan naman sila sa politika?" dagdag ng tinig ni Gabriela.
Ilang sandaling katahimikan at maya-maya pa'y narinig na ni Francesca ang mga yapak ng sandalya ni Gabriela na kalauna'y langit-ngit ng pintuan ang huli niyang narinig. Senyales na nakaalis na ang kaibigang si Gabriela para muling bumalik sa mga natitira pang klase.
Inilapat niya ang katawan sa higaan at binuksan ang mga mata tsaka itinitig ito sa itaas. Bakas ang pamumula ng mga mata na tila pinigilang muling tumulo ang luha.
Nais kong lingunin sa mga susunod na bukas si Joaquin bilang isang kabiyak Inay. Nais ko siyang makita ako bilang isang dalaga. Inay ganito rin ba ang mga naramdaman mo noong ipinagkasundo kayo ni Itay? Si Joaquin lang ang naging kakampi ko Inay, at kung makakasal siya sa iba'y ano pa ang silbing mabuhay dito sa mundo? Sa kay Joaquin lang ako hindi nanlimos ng pag-ibig Inay..
Aniya sa isip habang dahan-dahang umaagos ang luha. Batid niyang may punto nga ang sinabi ng kaniyang Lolo na si Don Adelio. Na masyado siyang naging sutil at naging klaro sa isip niya ang lahat.. nagiging mistulang kabayaran ang lahat ng mga nangyayari.
September 01, 1884
"Kamakailan lamang nabalita ang tungkol kay señorito Joaquin at Laura hindi ba? Ibig kong sabihin ay ang kasunduan. Pagkatapos ngayo'y pag-iisahing dibdib na agad ang sabi ng pamangkin ni señorito Adolfo na si Maya?" hindi mapigilan ni Catalina na ibulong sa kay Gabriela ang saloobin tungkol sa sinabi sa kaniya ni Maya. Taimtim pa kasing natutulog si Francesca, dala ng mahigit dalawang araw nitong lagnat.
Hindi man lamang siya binisita ng kaning Lolo't Lola, pati ang tiyahing si Carolina o kahit man lamang si Aitana.
"Marahil minamadali ng babaeng iyon, upang maungusan niya si Francesca. At isa pa'y nais niyang linisin ang sarili," klaro sa sarilinh
"May nalalaman ka bang hindi ko alam Gabriela? Bakit nais niyang ungusan si Betti?" puno ng pagtatakang tanong nito.
Napakibit balikat naman agad si Gabriela ng magunitang wala nga palang kaalam-alam si Catalina sa lihim na pagsinta ni Francesca sa kaibigan nitong pintor. Dahil sa pag-alis nito kamakailan sa dormitoryo.
"Imbis na ta--"
Isang hagikgik ng tawa ang nagpatigil sa sasabihin ni Gabriela. Hagikgik na may halong pananamlay. Binalot naman ng pag aalala ang mukha ni Catalina, habang si Gabriela'y awa at lungkot ang nanaig ng masilayan ang dalagang nakaupo sa kama at marahang dinudurog ng katotohanan.
BINABASA MO ANG
1866: 6 Years Of Tears (completed)
Historical FictionAnim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam n...