Synopsis:
Matapos ang walong taon ay muling magbabalik si Catalina Lopez sa kanilang probinsya para bisitahin ang kanyang tiyahin at magbakasyon. Ilang taon ng namamasukan ang tiyahin niya sa butihing mag-asawa na sina Mr. Huseo at Mrs. Lina Alfejo na may dalawang anak na lalaki, nagmamay-ari ang pamilya Alfejo ng hacienda.
Sa muling pagbabalik ni Catalina sa mansyon ng mga Alfejo ay muli ding uusbong ang damdaming pilit niyang ibinaon sa limot noong nasa syudad pa siya, isang damdaming umusbong sa musmos niyang puso noon at nanatili hanggang sa kanyang pagdadalaga.
Pilit mang kinalimutan ang damdamin na nabuo sa bata niyang puso noon ay hindi din siya nagtagumpay na burahin iyon, nawaglit man sandali sa kanyang isipan pero alam niyang naroon parin at naghihintay lamang ng tamang oras para umusbong at magparamdam muli. Sa loob ng walong taon niya sa syudad ay laman lagi ng mga panaginip ni Catalina ang mga tagpo at ala-ala na kay sarap balikan ng tanaw at alalahanin, hindi din niya nakaligtaan ang pangakong binitawan niya, ang pangakong magbabalik siya na mas karapat-dapat para sa lalaking matagal na niyang tinatangi, si Zachary Alfejo.
Ngayong nagbalik na siya at masasabi na niyang higit na karapat-dapat na siya para sa lalaki ay ang problema nalang niya ay kung paano masisilo ang mailap na puso ni Zachary. Kaya hiningan niya ng payo ang kapatid ng lalaki na si Nickolas, magaan ang loob niya kay Nick itinuturing niya itong nakakatandang kapatid, napagsasabihan ng problema at sama ng loob, pero sa kasamaang palad ay hindi naman maganda ang nakuha niyang payo mula dito dahil ang payo nito ay akitin daw niya si Zach at pikutin, determinado man ay hindi naman siya ganoon kadesperado para gawin iyon. Sa minalas pa ay parang hindi siya kilala ni Zach o natatandaan man lang, mas naging masungit ito ngayon kaysa noon, paano na niya magagawang paibigan ang lalaki kung mailap naman ito sa kanya?
Ayun din kay Nick ay kabi-kabila at iba-iba ang babaeng nakakasalamuha ni Zach, pinagsasabihan man ng mga magulang nil ay hindi din ito nakikinig dahil ang palagi nitong katwiran ay alam naman daw ng mga babaeng naikakama niya na wala siyang magiging panagutan sa mga ito pagkatapos na may mangyari sakanila kaya ayos lang daw iyon. Nanlumo siya sa nalaman, ayaw niya sa lalaking babaero, naiinis siya sa ganoong klase ng tao!
Pero mas nanlumo siya impormasyong may isang babaeng hindi kailan man napalitan ang pwesto sa buhay ni Zach, na kahit ilang babae pa ang dumaan o maikama ng lalaki ay sa babaeng ito parin ang balik niya. Paano nga ba niya kakalabanin ang isang babaeng maganda, sexy at galing sa isang mayamang pamilya?
Paano niyang masisilo ang lalaking iniibig kung may nagmamay-ari na ditong ibang babae? Ipagpapatuloy pa ba niya ang nararamdaman o susuko na lamang?
YOU ARE READING
Homecoming
RomancePagkatapos makipagsapalaran sa syudad para matupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, uuwi na si Catalina sa lugar kung saan siya namulat. Buong akala niya ay madadatnan niya ang lalaking mahal niya na naghihintay sakaniya doon ngunit iy...