CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Chapter 4

Zach’s POV

Nagbihis lang ako ng pambahay na damit at agad din na bumaba. Nasa hagdanan palang ako ay rinig ko na ang mga boses na nagmumula sa sala, hindi ako pwedeng magkamali, kay Kuya Nick at Catalina ang mga boses na iyon! Maingat at siniguro kong walang ingay akong malilikha sa pagbaba ng hagdan para hindi nila ko mapansin, sumandal lang ako sa hawakan ng hagdan pagkababa ko para makinig sa usapan nila. Naabutan ko pa na pinagsusuntok ni Cat ang braso ni Kuya hanggang sa mangalay siya.

“Hoy, harassment na iyon ah. Grabe, kababae mong tao pero ang lakas mo manuntok,” nakangiwing reklamo ni Kuya Nick habang himas-himas ang brasong napuruhan sa suntok ni Cat. “Ikaw kasi, dati pa naman akong dalaga ah,” sagot naman ni Cat na sa hinuha ko ay nakasimangot na ngayon. “Dati pa? Ay naku, binata ka dati Catty, hindi dalaga,” dagdag pa na pang-iinis ni Kuya.

“Ang panget mo kapag nakasimangot Catty, joke. Ito naman hindi na mabiro, ngingiti na yan yiee, ngingiti na yan,” kantyaw ni Kuya Nick habang sinusundot-sundot ang tagiliran ni Cat, hanggang sa nauwi sa pangingiliti ang pasundot-sundot ni Kuya sa tagiliran ni Catalina, oh shit. May kiliti si Catalina sa bewang, alam ko yun dahil gawain ko dati na kilitiin siya sa bewang kapag nagtatampo siya o nakasimangot. Dahil nga may kiliti si Cat sa bewang ay humalagpak ito ng tawa pero hindi padin tinigilan ni Kuya ang pangingiliti niya kay Cat kaya panay padin ang tawa nito. Sinubukan ni Cat na umalis sa sofa para makaiwas pero hindi siya hinayaan ni Kuya Nick. Bahagya na siyang nakahiga sa sofa habang bahagyang namang nakayuko si Nick at pilit padin siyang inaatake ng kiliti. Fvck! Umalis ako sa pagkakasandal sa hawakan ng hagdan at nagsalita na dahil hindi ko matiis na makita sila sa ganoong posisyon.

“Get a room you two, will you? Hindi iyong sa sala kayo lantaran na naglalandian,” sita ko sa naiinis na boses, gusto ko sanang maging cold ang approach ng boses ko pero hindi ko napigilan na sabihin iyon sa naiinis na tono, napaayos sila pareho ng upo ng marinig ang boses ko at sabay din akong nilingon. “Wala kaming ginagawang malaswa Zach, so we don’t need to get a room,” naiinis na wika din ni Cat.

“Ikaw pa ngayon ang naiinis? Eh kung makita kayo ng ibang tao sa ganoong ayos, sa tingin mo anong iisipin nila?” magkasalubong ang kilay na tanong ko naman. Natural iisipin nilang may relasyon si Kuya Nick at Catalina, at iyon ang ayokong mangyari dahil kung may kakalat mang tungkol sa nobyo ni Catalina ay dapat ako ang lalaki na iyon at hindi si Kuya Nick. “Pwes, problema na namin iyon kung anong iisipin nila, wala kana dun,” sagot niya sabay talikod sakin at sumandal sa likod ng sofa.

“Anong wala kana dun? Kapatid ko yang nilalandi mo, kung ikaw wala kang delikadesa wag mong idadamay ang kapatid ko,” sagot ko na nakapagpatayo sakanya at humarap sa akin. “How dare you! May delikadesa ako! At isa pa, hindi ko nilalandi si Nick!” kumukulo sa galit na sigaw niya, god! she’s still beautiful even if she’s fuming mad.

“Hindi ba? Tingnan mo nga iyang suot mo, naka sleeveless at shorts ka pa. Siguro ay hindi naging matagumpay ang pagpunta mo sa syudad para makipagsapalaran kaya bumalik ka dito para landiin si Kuya Nick at para pakasalan ka niya para hindi kana maghirap pa,” that wasn’t true, alam ko namang hindi oportunista si Cat. I know that was out of the line and inappropriate pero kailangan ko siyang paniwalain na concern ako sa Kuya ko kaya ako naiinis sa ginagawi niya.

“Pakialam mo ba sa suot ko eh maalinsangan ang panahon kaya ito ang suot ko, hindi naman siguro ako magsusuot ng ganito kapag malamig ang panahon diba?” sarkastikong saad ko
“atsaka akala ko ba hindi mo ako maalala? Akala ko ba wala kang kilalang Catalina? Bakit alam mong pumunta ako ng syudad para makipagsapalaran?” oo nga pala, sinabi ko pala kanina na hindi ko siya kilala o maalala.

“Usap-usapan iyon dito, wala naman atang ibang Catalina dito sa hacienda diba?” swabeng palusot ko. Fvck that’s close! “Kung ako sayo, umalis kana dito dahil sisiguruhin kong hindi ka magtatagumpay sa binabalak mong akitin si Kuya Nick, yan ang tatandaan mo.”

Hindi ko talaga hahayaan na mapunta ka sa iba Cat, sa akin ka dapat, pagmamay-ari na kita noon pa at hindi iyon magbabago. Napabuga ako ng marahas na hininga ng medyo makalayo na ako mula sa mansyon, now what? Paano ko nga ba paninindigan ang pagpapanggap na hindi ko na siya maalala when in fact hindi nga siya nawala sa isip ko for 8 long years?

Naputol ang pag-iisip ko ng mag-ring ang cellphone ko na nasa bulsa ng shorts ko, kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Stella sa caller id, ano na naman kayang kailangan ng babaeng ito? “What do you need, Stella?” malamig na saad ko.

“Oh, you seem pissed, what happen babe?” maarte niyang tanong, ang arte talaga ng babaeng ‘to. She’s good in bed that’s why I’m keeping her, kailangan ko din siya bilang diversion. “Ang sabi ko anong kailangan mo?” ulit kong tanong sa kanya. “I’m missing you babe, balik kana dito sige na, alam ko namang hindi mo gusto dyan sainyo,” aniya at mas pinalambing pa ang boses.

“I’m staying here, Stella. I miss my parents and I wanna bond with them, I can’t go back there,” pinal kong saad. “C’mon babe, I really want you. Don’t you want me?” she said in a seductive manner, dati rati ay natuturn-on ako sa ganyang galawan niya pero ngayon ay wala akong ibang maramdaman kundi pandidiri, hindi naman ako nandiri dati ah, bakit ngayon nandidiri na ako? “Find someone else, Stella.”

“Pero ikaw ang gusto ko babe, bumalik kana dito please,” patuloy niya na pamimilit na nakapagpainis sakin, bakit naging clingy ang babaeng ito bigla? “Bullshit, Stella! That’s it, you’re being clingy. Hindi ka naman ganito dati ah, bakit naging clingy ka ata ngayon? Alam mong ayaw ko sa clingy kaya ka nga nagtagal sakin diba? Wag kana ulit tatawag sakin, Stella,” naiinis na wika ko.

“Oh gosh, no Zach! You don’t have to break up with me, I promise it won’t happen again, hindi na ako magiging clingy wag ka lang makipaghiwalay,” nagpapanic na pagmamakaawa niya.

“Break up? Walang tayo Stella, you’re just my bed warmer and so am I. I thought iba ka sakanila, nag-assume karin pala na may tayo, akala ko alam mo kung ano tayo at kung hanggang saan ka lang,” kunwari dismayadong ani ko. Mas mabuti na din ‘to, I need to clear my reputation, kailangan ko ng iwanan lahat ng gawain ko dati, including flirting with other woman.

“But we’ve been in each others arm for six long years, you never replaced me. Hindi mo ako tinaboy and I think that what makes me your girlfriend, hinayaan naman kitang magkama ng ibang babae ah, naging understanding ako sa mga panahong iyon dahil alam kong sa akin parin ang balik mo, hindi ba pwedeng ako naman ang pagbigyan mo?” tila nanunumbat na sabi niya na mas lalong nakapagpainis sakin ng sobra.

“You stayed with me and I let you dahil akala ko no strings attached tayo, just plain sex and yet here you are, demanding and nagging like a wife, god! We’re done Stella, we are so done!”

“What? No way, we aren’t done Zach! Babalik ka sakin, alam ko yun. You’ll come back to me—” hindi ko na pinatapos ang iba pa niyang sasabihin dahil ayoko nang marinig kung ano pa man iyon.

“Oh shut up! Don’t you even dare calling me again, wag na wag ka ding magpapakita sakin, Stella!” galit na na sigaw ko sabay end ng call, ilang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang hinihilot ang sintido na pumipintig dahil sa galit.

“Clearing your reputation, I see, why Zach? Are you getting married already?” tinig iyon na nagmumula sa likuran ko, lumingon ako roon at nagulat ng makita si Kuya Nick na prenteng nakasandal sa puno ng kahoy may ilang dangkal lang ang layo sakin. “Kanina ka pa ba dyan Kuya?” kunwari hindi nagulat na tanong ko, naglakad siya papalapit sakin at inakbayan ako. “Parang ganoon na nga. You know what little bro, get a life. Bilis-bilisan mo ang kilos mo dahil baka maunahan ka pa ng iba sa tamang babae para sayo, ikaw din,” aniya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin.

“What do you mean by that Kuya?” takang tanong ko habang nakakunot-noo. “Oh C’mon little bro, I know you know exactly what I mean. Nga pala, pinapatawag kana nila Mama at Papa, maghahapunan na daw,” pagbibigay alam niya at tinapik ako sa balikat bago naglakad papasok ng mansyon.

HomecomingWhere stories live. Discover now