PROLOGUE

2 0 0
                                    

Prologue:

“Akin na yan!” sigaw ko at pilot inaabot ang manika ko na hawak ng bunsong anak na lalaki ng mag-asawang Alfejo. Tahimik lang akong naglalaro dito kanina ng bigla siyang dumating at hinablot sakin ang nilalaro kong manika.

“Bakit ka ba nangunguha ng hindi sayo ha? Akin na iyan!” saad ko habang patuloy pa din na sinusubukang abutin ang laruan ko.

“You’re really cute,” nangingiti niyang sabi.

“Cute naman talaga ako eh, ikaw lang ang hindi!” nakangusong sagot ko habang naka-krus ang mga braso sa dibdib, kapagod na tumalon para abutin iyong manika ko, hindi ko din naman maabot kasi mas matangkad siya sakin kahit magka-edad lang naman kami, kaya ano pa nga bang silbi ng patalon talon ko para subukang abutin iyon diba?

“Bakit ka ba kasi naglalaro ng manika? Eh ang tanda-tanda mo na, dapat ay nagpapaganda kana at nag-aayos kagaya ng mga kaklase ko kasi dalaga kana!”

“Pakialam mo ba ha?! Atsaka isa pa, ayoko maging katulad ng mga kaklase mong mukhang mga clown!” naiinis na asik ko sa kanya, pake ba niya kung hindi ako pala-ayos ha? Gusto pa niya akong itulad sa mga kaklase niyang babae na mukhang mga espasol.

“Edi hindi ko na ibibigay sayo ‘to, hindi ko na isasauli para mag-ayos ka nalang imbis na maglaro!”

Saglit pa akong natulala ng kumaripas siya ng takbo papalayo sa akin dala ang laruan ko. Nang mahimasmasan ay saka lang ako humabol sa kanya. Ang manika ko! Walang hiya talaga ang lalaking iyon!

“Hoy! Akin iyan! Ibalik mo!”

“Mag-ayos ka muna na parang dalaga saka ko ito ibabalik sayo!” pasigaw niyang ani.

Aba’t! Ang sama talaga ng ugali niya! Eh sa ayokong mag-ayos eh, pakialam ba niya! Mas tumulin pa ang takbo niya papasok ng mansyon nila at paakyat sa hagdan, ng makitang paakyat na siya ay binagalan ko na ang takbo dahil hindi ako pwede magtatakbo dito at baka makabasag ako ng gamit. Tuluyan na siyang naka-akyat at nawala sa tingin ko habang ako naman ay hindi nalang humabol pa ngunit sa kasamaang palad ay kung kailan lalabas nalang sana ulit ako ay saka naman ako natalisod sa carpet at tumama ang noo sa gilid ng center table na gawa sa makapal na kahoy, ay tanga!

“Catalina! Diyos ko!” sigaw ng kung sino mula sa pintuan, bahagya akong lumingon roon at nakita si Ma’am Lina na nagmamadaling pumunta sa pwesto kung saan ako nakahiga at marahan inakay ang ulo ko at pinaunan ako sa hita niya.

“Hija, anong nangyari? Diyos ko, Huseo! May dugo ang gilid ng noo niya!” halata sa boses ng ginang ang pag-aala.

“Ano? Dalhin na natin siya sa hospital at baka mapano siya!”

“Sir? Ma’am? Ano pong nangyayari?” boses naman ni Tiya Flores ang narinig ko, halatang nagmumula iyon sa pinto.

“Ay diyos ko, Catalina! Anong nangyari sayo? Bakit ka may dugo sa noo?” nanlalaki ang mga mata niya ng dumapo iyon sa akin.

“Yun na nga ang tanong ko sana Manang, naabutan nalang namin siyang nakahandusay dito habang may dugo ang noo, ang akala ko po ay alam ninyo kung anong nangyari.”

“Ay naku Ma’am, eh kakakita ko palang  sakanila ni Zach kanina. Naghahabulan po sila, hindi ko na po sinaway dahil mukha naman po silang nagkakatuwaan.”

HomecomingWhere stories live. Discover now