Chapter 5
Catalina's POV
"Naku hija, kami na dito. Kaya naman namin ni Papa mo ito," pigil sakin ni Mama Lina at pilit na inaagaw sakin ang mga plato na hawak ko. "Mama naman, hayaan na po ninyo akong tumulong dito, maliit na bagay lang naman po ito," ani ko at nginitian si Mama Lina. "Ikaw talagang bata ka, hala sige dalhin mo nalang yan doon sa hapagkainan dahil maya-maya lang ay kakain na tayo," pagsuko niya, tumango lang ako at dinala na ang mga kubyertos na hawak ko sa hapagkainan.
"Catty!" sigaw ni Nick mula sa pintuan na papasok sa dining. "Nickolas! Anukaba, buti nalang hindi ko naibagsak itong mga plato, naku kung nabasag ko ang mga ito malilintikan ka talaga sa akin!" ani ko. Inilapag ko sa mesa ang mga kubyertos na hawak ko at kinurot siya sa tagiliran ng makalapit na siya sa gilid ko.
"Aray, Catty talaga! Sadista ka talaga, masakit kaya iyon," gusot ang mukhang reklamo niya. "Ikaw kasi, wag ka ngang nanggugulat," pinandilitan ko siya ng mata at sinimulan ng ayusin ang mesa. Tinulungan ako ni Nick na ayusin ang mesa, nang matapos namin na ayusin ang mesa ay siya namang dating nila Mama Lina at Papa Huseo kasama si Tiya Flores na dala ang mga pagkain.
"Oh, Nick nandyan kana pala. Asan si Zach?" tanong ni Tiya Flores kay Nick. "Susunod ho iyon Manang," sagot ni Nick na siya namang pasok ni Zach sa kusina. "Zach!" masayang sambit ni Tiya Flores ng makita si Zach. "Manang!" nakangiting saad naman ni Zach, dali dali siyang linapitan ni Zach at yinakap. "Kumusta na ang paborito kong alaga? Pumayat ka ata apo," ani ni Tiya ng kumawala sa yakap nila at pinisil ang dalawang pisngi ni Zach. "Manang naman, hindi po ako pumayat, naging macho lang ho," wika ni Zach at binigyan si Tiya ng isang ngisi.
"Ay naku kang bata ka," naiiling na sabi ni Tiya sabay kurot sa tagiliran ni Zach na ikinatawa lang ng huli. "O siya, magsikain na tayo habang mainit pa ang mga pagkain," agaw pansin ni Mama Lina. Agad namang tumalima ang lahat at naupo, sa kanan ay si Nick ang katabi ko habang sa kaharap ko naman si Mama Lina habang nasa kanan naman niya nakaupo si Papa Huseo at si Tiya Flores naman ang kaharap ni Nick. So, that means katabi ko si Zach? Oh no! Akmang makikipagpalit ako ng upuan kay Nick ng maupo si Zach sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko na nakapagpaigtad sakin.
"I know what you're thinking, wag ka nalang magtangka Cat, stay where you are or else," pasimple niyang bulong at bahagyang pinisil ang kamay ko.
"Catalina hija? Ayos ka lang ba? You look pale," puna ni Mama Lina. "Uhm, ayos lang po ako Mama," ani ko at pasimpleng binawi ang kamay ko na hawak ni Zach.
Walang kibo akong kumain at hindi lumilingon sa gawi ni Zach o sumusulyap man lang, bahala na kung magka-stiff neck man ako. "Catty, paborito mo 'to diba?" tanong ni Nick sa akin pagkatapos naming kumain habang hawak ang isang mangkok na puno ng wild berries na nakapagpaningning ng mga mata ko.
"Woah, meron padin nyan dito?" manghang tanong ko at nagsimula ng kainin ang mga wild berries na nasa mangkok. "Yup, inalagaan ko yang mabuti Catty. Alam ko kasing paborito mo ang mga iyan," sagot naman niya.
"Aww Nick, salamat! Sobrang salamat!" touch na wika ko sabay yakap sa kanya. "Walang anuman Catty, masaya akong napasaya kita," aniya at hinaplos ang ang likod ko, kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya at patuloy na kumain ng wild berries.
"Catty, naalala mo iyong panahon na hinabol tayo at muntikan ng makagat ng bubuyog dahil nasagi mo ang bahay nila habang umaakyat ka ng puno ng mangga para manguha ng bunga?" tanong ni Nick pagkakuwan.
"Oo naman! Buti na lang at nakatalon tayo sa ilog dahil kung hindi ay naku, hindi ko ma picture out kung ano ang magiging hitsura natin kapag nagkataon!" saad ko habang tumatawa.
"Ikaw kasi, bakit mo ba sinagi ang bahay ng bubuyog na iyon ha?" aniya. "Anong ako? Hindi ko kaya kasalanan, kiniliti ako ni Zach non kaya ko nasagi iyong bee hive," hindi nag-iisip na bulalas ko na kapagkuwan ay nakapagpatigil sakin.
Nilingon ko si Zach sa unang pagkakataon simula ng dumulog kami sa hapag-kainan. Nahigit ko ang hininga ko ng magkasalubong ang paningin namin, kanina pa ba siya nakatingin sa direksyon ko?
"U-Uhm, sorry about that Zach. Nakalimutan kong hindi mo pala maalala ang mga bagay na iyon," hindi ako sigurado kung nahimigan niya ba na may pagka-sarkastisko ang pagkakasabi ko niyon. "Naalala ko ang lahat Cat, including you. I'm just not in the mood a while ago that's why I told you I don't remember anything," parang wala lang na saad niya, I knew it! You liar! I mentally rolled my eyes.
"Oh, okay," simpleng saad ko at hindi na iyon dinugtungan pa. "Look at the three of you, parang kailan lang ay mga gusgusin pa kayo sa tuwing umuuwi noon pero ngayon, you're all grown up," anyong maiiyak na saad ni Mama Lina.
"Si mama talaga, magdradrama ka na naman," biro ni Nick na tinawanan lang namin lahat. "Catalina hija, alam mo bang pangarap kong maging manugang ka? Matutuwa talaga kami ni Papa Huseo mo kapag nakasal ka sa isa sa mga anak ko," sabi ni Mama na naging dahilan na bigla akong mabulunan, mabilis na kumilos sila Nick at Zach sa pagkuha sakin ng tubig at sabay na nag-abot nito sakin, ang kay Nick ang inabot ko kaya parang napahiyang ibinaba ni Zach ang baso ng tubig sa lamesa, mabilis pero maingat kong ininom ang tubig. Pagkaubos ko sa tubig na ibinigay ni Nick ay inabot ko naman ang baso ng tubig na kinuha ni Zach at ininom din iyon, nakita kong sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya na agad ding nawala ng makita niya akong nakatingin sa kanya.
"Ayos ka lang hija?" nagaalalang wika ni Mama Lina. "Ayos na po Mama, sadyang nabigla lang po ako sa sinabi niyo," awkward na sabi ko. "Wag po kayong mag-alala Mama, matutupad po ang pangarap mong yan, diba Catty?" singit ni Nick at binigyan ako ng isang makahulugang ngisi at kumindat, isang ngiti na nagmukhang ngiwi lang ang sumilay sa mga labi ko at hindi na nagkomento pa sa sinabi ni Nick, bumaling ako kay Nick at palihim ko siyang pinandilatan ng mata at mahinang kinurot sa hita.
YOU ARE READING
Homecoming
RomancePagkatapos makipagsapalaran sa syudad para matupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, uuwi na si Catalina sa lugar kung saan siya namulat. Buong akala niya ay madadatnan niya ang lalaking mahal niya na naghihintay sakaniya doon ngunit iy...