Chapter 2
“Mukhang malalim ang iniisip mo ah, let me guess, si Zach ang iniisip mo no?” basag ni Nick sa katahimikan. “Did he really changed Nick?” parang wala sa sariling tanong ko sa kanya habang nakatuon ang mga mata sa picture frame ni Zach na nakapatong sa cabinet na nasa ilalim ng tv.
“Yes, he did. Naging babaero na siya Catty, but I always see this one girl na never niyang pinalitan, oo may ibang babae siyang kinakama but one time fancy lang ang mga iyon, so brace yourself Catty, mukhang may matindi kang karibal kay Zach,” saad ni Nick na siyang nakapagpalingon sakin sa gawi niya.
“Naging babaero siya? Oh god, no way! Ayoko sa babaero, naiinis ako sakanila!” gulat na reak ko, I told myself I won’t fall for a womanizer dahil sila yung mga taong walang kwenta at dapat nang mawala sa mundong ibabaw! Nakasimangot na sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Nick gaya ng nakasanayan ko.
“Oh nakasimangot ka na naman, yang nguso pwede na namang sabitan ng kaldero. Ngiti na, dapat kang ngumiti at magsaya dahil sa wakas dalaga kana,” seryosong sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko, pilit kong iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Nickolas! Ang sama mo talaga!” saad ko ng marealize kung anong ibig niyang sabihin, inalis ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya at pinagbabayo ng suntok ang balikat niya. “Aray! Catty, itigil mo yan anuba,” panay ang igik niya sa tuwing matatamaan ng suntok sa balikat, nang mangalay ang mga kamay ko ay saka ko lang tinigilan ang pagsuntok sa balikat niya.
“Hoy, harassment na iyon ah. Grabe, kababae mong tao pero ang lakas mo manuntok,” nakangiwing aniya habang himas-himas ang brasong pinagsusuntok ko. “Ikaw kasi, dati pa naman akong dalaga ah,” nakasimagot paring wika ko. “Dati pa? Ay naku, binata ka dati Catty, hindi dalaga,” dagdag pa niyang pang-iinis na nakapagpasimangot pa sakin lalo.
“Ang panget mo kapag nakasimangot Catty, joke. Ito naman hindi na mabiro, ngingiti na yan yiee, ngingiti na yan,” kantyaw niya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko, hanggang sa nauwi sa pangingiliti ang pasundot-sundot niya sa tagiliran ko. Dahil may kiliti ako sa bewang ay napataw niya ako pero hindi padin siya tumigil sa kakakiliti sakin kaya panay padin ang tawa ko, sinubukan kong umalis sa sofa para makaiwas pero hindi ako hinayaan ni Nick. Bahagaya na akong nakahiga sa sofa habang bahagyang namang nakayuko si Nick at pilit padin akong inaatake ng kiliti, nasa ganoong posisyon kami ng makarinig ng tinig mula sa likuran namin.
“Get a room you two, will you? Hindi iyong sa sala kayo lantaran na naglalandian,” tila naiinis ang tono ng boses na iyon, mabilis akong umayos ng upo ng mapagtanto kung kaninong boses iyon. Nalingunan namin ni Nick sa may bandang hagdanan si Zach, nakabihis na ng pambahay na damit.
“Wala kaming ginagawang malaswa Zach, so we don’t need to get a room,” hindi ko napigilan ang inis na lumakip sa boses ko. “Ikaw pa ngayon ang naiinis? Eh kung makita kayo ng ibang tao sa ganoong ayos, sa tingin mo anong iisipin nila?” magkasalubong ang kilay na tanong naman niya.
“Pwes, problema na namin iyon kung anong iisipin nila, wala kana dun,” saad ko sabay sandal ng likod ko sa sofa. “Anong wala kana dun? Kapatid ko yang nilalandi mo, kung ikaw wala kang delikadesa wag mong idadamay ang kapatid ko,” sagot naman niya na nakapagpatayo sakin at humarap sa kanya.
“How dare you! May delikadesa ako! At isa pa, hindi ko nilalandi si Nick!” kumukulo sa galit na sigaw ko. “Hindi ba? Tingnan mo nga iyang suot mo, naka sleeveless at shorts ka pa. Siguro hindi naging matagumpay ang pagpunta mo sa syudad para makipagsapalaran kaya bumalik ka dito para landiin si Kuya Nick at para pakasalan ka niya para hindi kana maghirap pa,” what the heck? Bwiset na lalaki! Ang yabang mong hudyo ka!
“Pakialam mo ba sa suot ko eh maalinsangan ang panahon kaya ito ang suot ko, hindi naman siguro ako magsusuot ng ganito kapag malamig ang panahon diba?” sarkastikong saad ko.
“Atsaka akala ko ba hindi mo ako maalala? Akala ko ba wala kang kilalang Catalina? Bakit alam mong pumunta ako ng syudad para makipagsapalaran?”“Usap-usapan iyon dito, wala naman atang ibang Catalina dito sa hacienda diba? Kung ako sayo, umalis kana dito dahil sisiguruhin kong hindi ka magtatagumpay sa binabalak mong akitin si Kuya Nick, yan ang tatandaan mo,” aniya sabay lakad patungo sa pintuan palabas ng mansyon ng hindi lumilingon.
Nanggagalaiting nagpapadyak ako sa inis at padabog na naupo ulit. “Ikaw naman, bakit hindi ka man lang nagsalita!? Hindi mo man lang sinita yung kapatid mong hambog!” baling ko kay Nick na cool lang na nakaupo na para bang walang nag-away sa harapan niya kani-kanina lang. “I know you can handle it Catty, atsaka don’t worry alam ko naman hindi ako ang balak mong akitin eh,” nginisihan niya ako at pabirong kinindatan.
“Ano namang ibig mong sabihin? Wala akong balak mang-akit no!” gusot ang mukhang sagot ko sa kanya. “Talaga lang Catty? I know, mahal mo pa rin si Zach hanggang ngayon,” aniya na nakapagpabuntong hininga sakin. “Ano naman ngayon kung mahal ko pa nga siya? Wala namang mababago, ayaw sakin ng kapatid mo Nick,” mapait na wika ko. “At hahayaan mo nalang na ganoon? Ang kilala kong Catalina ay determinado so do something Catty,” pangungumbinsi niya.
“At ano naman ang gusto gawin ko ha Nick? Do you have something in mind? May payo ka bang maibibigay?” isang hindi mapagkakatiwalaang ngisi ang ibinigay niya sakin, oh no, hindi maganda ang nasa isip ng taong ito. “Bakit hindi mo akitin Catty? Madali iyong bibigay sayo, di hamak na mas maganda ka naman sa mga babaeng taga-syudad no, kumbaga sa bulaklak, ikaw presko pa, sila lanta na. Pagkatapos mong akitin edi pikutin mo, o diba ang ganda ng naisip ko,” proud pa niyang sabi.
“Nick naman! Determinado ako pero hindi desperada, ginawa mo naman akong pokpok niyan naku,” umiiling na saad ko. “Pokpok ka dyan, iyon pokpok ay yung babaeng naghahain ng laman sa iba’t ibang lalaki,” depensa naman niya.
“Ah basta, ganoon din yun. Ayoko akitin iyong kapatid mong kung makapanghusga parang ang linis linis eh babaero naman. Di baleng tumanda akong dalaga Nick, wag lang akong mapunta sa kagaya niyang walang kwentang tao,” pinal na saad ko ngunit sa kaloob-looban ko ay iba ang sinasabi.
YOU ARE READING
Homecoming
RomancePagkatapos makipagsapalaran sa syudad para matupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, uuwi na si Catalina sa lugar kung saan siya namulat. Buong akala niya ay madadatnan niya ang lalaking mahal niya na naghihintay sakaniya doon ngunit iy...