CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Chapter 3

Zach's POV

"Zach, anak. Mabuti naman at umuwi ka ngayon dito," wika ni Mama na bakas sa mukha ang kasiyahan. Humalik ako sa pisngi ni Mama at yumakap. "Gusto ko lang pong magbakasyon Ma, sawa na din po ako sa maingay na syudad, at isa pa po namimiss ko na po ang hacienda, pati na din kayo Ma, Pa at syempre si Manang Flores," sagot ko na nakapagpalawak ng ngiti nila Mama at Papa. "Ay naku, mabuti din na umuwi ka Zach dahil may makakatulong na ako sa pamamahala ng hacienda, atsaka para naman hindi lang ako ang maging kayumanggi ang kulay ng balat no," sabat ni Kuya Nick na tinawanan namin. Medyo kayumanggi na nga ang kulay ng balat ni Kuya, para na kaming kape at gatas kung pagtatabihin.

"Asan po pala si Manang Flores? Hindi ko po ata siya nakikita," kuryusong tanong ni Kuya Nick. Yun din sana ang itatanong ko dahil nagtataka ako, kadalasan kasi ay si Manang Flores ang sumasalubong sa akin kapag umuuwi ako rito paminsan-minsan, palagi kasing nasa foundation sila Mama at Papa, hands on sila sa foundation na iyon na tumutulong sa mga magsasaka at mahihirap. "Paniguradong namimitas iyon ng mga gulay at prutas sa taniman natin hijo, dumating kasi ang pamangkin niyang si Catalina at alam niyang gusto naming ipaghanda si Catalina ng masasarap na pagkain, preskong gulay at prutas dahil paniguradong namimiss na ng batang iyon ang pagkain dito sa hacienda natin, saktong-sakto nga ang dating ninyong dalawa dahil makukumpleto na din tayo sa wakas," mahabang paliwanag ni Mama na kulang nalang ay tumalon sa tuwa.

"Si Catty umuwi na? Aba, ano na kayang hitsura niya ngayon ano? Naging dalaga na kaya?" bakas sa mukha ni Kuya ang excitement ng mabanggit si Catalina. So, totoo palang bumalik na nga siya, mabuti naman at hindi nasayang ang uwi ko dito. Hindi naman talaga bakasyon ang inuwi ko dito kungdi ang babaeng matagal ng nakapagpaligalig sakin, ang babaeng dahilan kung bakit ako naging ganito, kung bakit kabi-kabila ang mga babae ikinakama ko. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi parin siya mawala sa isip ko.

Hindi ako nagkokomento sa mga sinasabi nila Kuya Nick at Mama tungkol kay Catalina, tahimik lang akong nakatayo sa gilid ng pintuan habang nagkwekwentuhan sila. Ilang sandali pa ay may namataan akong bumababa ng hagdan, ng una ay hindi ko nakilala ang nasabing babae ngunit ng dumako ang paningin niya sakin at makasalubong ng mga mata ko ang mga mata niya ay nakilala ko agad siya. Catalina Lopez, ang babaeng matagal ng lumiligalig sa akin.

Nakasuot siya ng isang maikiling shorts kaya litaw na litaw ang makikinis at bilugang mga binti niya, naka sleeveless din siya kaya expose na expose din makinis na leeg at mga balikat. Damn this woman! Hindi naman siya ganito manamit dati, hindi siya mahilig sa shorts at sleeveless na mga damit, halos ayaw niyang magpakita ng balat dati, oversized t-shirts at pajamas ang kadalasan niyang suot, kung magbebestida man siya ay pinilit lang siya ni Mama na isuot iyon. Ilang minuto din ang lumipas na magkatitigan kaming dalawa, parang gusto ko nang takbuhin ang distansya namin at ikulong siya sa mga bisig ko sa isang mainit na yakap. Shit Zach, get a grip of yourself, wag mong kalimutan na galit ka sa babaeng yan, na mamumuhi ka sa kanya, na ayaw mo kay Catalina Lopez.

"Catalina Lopez!" sigaw ni Kuya Nick na nakapagpalingon kay Catalina sa direksyon niya, tiningnan muna niya si Kuya na para bang kinikilala. "Nickolas!" sigaw din ni Catalina na bakas sa boses at mukha ang galak, mabilis na pumanaog ng hagdanan si Catalina at patakbong lumapit kay Kuya sabay bahagyang lumundag at yumakap, agad namang tumugon si Kuya Nick sa yakap ni Catalina. Oh crap! Bakit ba nangyayakap ang babaeng ito ng lalaki na ganyan ang suot? Buti sana kung ako ang yinakap niya ng ganyan ang suot dahil ayos lang iyon pero hindi iyon ayos kung ibang lalaki na. Oh c'mon Zach, bakit ba lumiliko yang isip mo? Pilit kong winawaksi ang mga nasa isipan ko, gaya na lamang ng paghila kay Catalina papaalis sa yakap nila ni Kuya, o di kaya ang pagbalot sa kanya ng kumot mula ulo hanggang paa para walang ibang makakita ng makikinis na mga binti niya, mga balikat at leeg.

Pagkatapos nilang magyakapan sa harap ko ay nagbiruan naman sila. Kaya naman napagdesisyunan ko ng umalis at umakyat dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hilahin si Catalina papalayo kay Kuya, hindi ko kayang makita ang saya sa mukha ni Cat habang kausap si Kuya Nick. Ang akala ko ay hindi na nila mamamalayan na umalis ako pero ng nasa puno na ako ng hagdanan at aktong aakyat na sa itaas ay nakita ako ni Mama.

"Oh Zach, saan ka pupunta? Hindi mo man lang ba babatiin si Catalina?" tanong niya kaya wala akong choice kung hindi ang lumingon. "Do I have to? I don't know her," plain na sagot ko, mukha naman kasing hindi ko na kailangan batiin pa si Catalina dahil sobra sobra na nga ang pagbating ginawa ni Kuya Nick sa kanya, gusto ko sanang sarkastikong idugtong iyon, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. "What do you mean by that Zach? Kayong tatlo nila Nick at Catalina ang magkakasama dati nung maliliit pa kayo hanggang nga sa naging teenager kayo ay magkakasama padin kayo," nakakunot noong tanong ni Mama, sumulyap muna ako kay Cat bago sumagot.

"Really? Wala akong maalalang ganyan, wala akong kilalang Catalina, ngayon hayaan na po ninyo akong makapagpahinga Ma, pagod po ako sa byahe," wika ko sabay panhik paitaas ng hagdan. Nadaanan ko ang kwarto ni Kuya Nick na kulay kayumanggi ang pinto, kasunod nun ang kwartong may kulay puting pinto na napagigitnaan ng kwarto namin ni Kuya. Sigurado akong ito ang kwarto ni Catalina, matagal na itong ipinagawa nila Mama at Papa para sa kanya, hindi naman siguro masamang sumilip sa loob diba? Pinihit ko ang seradora ng pinto at napangisi ako bumukas iyon, pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng amoy ng isang pabango, ang amoy ng pabango at isa pang amoy ay naghalo at nagdulot iyon ng kakaibang epekto sa akin. Nagpabango siya bago bumaba? Kung ganun ay ganito siya kabango ng yumakap siya kay Kuya? Oh fvck!

Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto, halos lahat sa kwarto ay kulay puti. The walls are painted white, and the bathroom's door is also white. A white painted wooden bed is located at the right side of the room, just a few meters away from the queen size bed is a sliding door, which lead to a balcony. May isang cabinet na pininturahan din ng puti ang nasa gilid ng sliding door, nakaharap iyon sa kama, katabi nito ay ang pinto ng restroom, habang isang mahabang kulay puting sofa at coffe table naman ang nakalagay sa bandang kaliwa malapit sa pintuan ng kwarto.

Tinungo ko ang cabinet ni Catalina at binuksan iyon, tumambad sa akin ang mga damit at gamit niyang nakasalansan. Naghanap ako ng isang oversize t-shirt at kinuha iyon, isinarado ko ang cabinet ni Catalina ng masigurong hindi niya mapapansin na nagalaw ang mga gamit niya sabay mabilis na lumabas ng silid at pumasok sa sarili kong kwarto. Tiningnan ko ang oversize t-shirt na pagmamay-ari ni Catlina na hawak ko at napailing-iling habang nakangiti. Damn, I'm fvck up.

HomecomingWhere stories live. Discover now