Chapter 1
Catalina's POV
"Tiya Flores!" nagagalak na sigaw ko sabay kaway pagkakita kay Tiya Flores sa pintuan ng mansyon ng mga Alfejo, agad akong tumakbo papalapit sakanya at yumakap. "Tiya Flores, namiss po kita ng sobra!" nakangiting saad ko. "Namiss din kita, mahal kong pamangkin. Hala sige, halika sa loob at hinihintay ka nila ma'am at sir doon," anyaya niya sabay akay sakin papasok ng mansyon, nadatnan namin sa sala sila Mr. and Mrs. Alfejo na nakaupo.
Sabay na napatayo sila Mr. and Mrs. Alfejo ng mamataan ako, maluwang na ngumiti si Mrs. Alfejo sabay salubong sakin ng yakap. "Catalina, hija! Mabuti naman at naisipan mong dumalaw dito," aniya at pinakawalan ako mula sa pagkakayakap. "Matagal-tagal na din po kasi akong hindi nakauwi dito Mrs. Alfejo kaya naisipan ko pong umuwi dito ngayong bakasyon, ayos lang po ba na dito ako tumuloy?" magalang kong tanong. "Ay naku, hindi ba't sinabi ko sayo na mama ang itawag mo sa akin dahil parang anak na ang turing namin saiyo atsaka isa pa bakit naman hindi ka pwedeng tumuloy dito eh bahay mo din naman ito Catalina hija," malumanay na wika niya sakin sabay akay sakin papaupo bago siya tumabi sakin at hinaplos ang buhok ko.
"Eh kasi po Mrs- este M-Mama, nakakahiya po kasi na tumuloy dito pero wag po kayong mag-alala tutulong po ako dito sa hacienda," maagap na saad ko. Lumapit naman si Mr. Alfejo samin at naupo sa isa pang gilid ko. "Hija, hindi mo na kailangan mag-alala dahil kahit anong oras o gaano katagal pa man yan ay pwede kang tumuloy dito at hindi mo na kailangan na magtrabaho pa, pwede ka ngang dito na tumira sa amin at matutuwa pa kami," sabi naman ni Mr. Alfejo at binuntunan iyon ng halakhak.
"Tama si Huseo hija, matutuwa talaga kami kapag dito kana mamalagi," segunda naman ni Mrs. Alfejo. Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko sakanila bago magpaalam na mag-aayos ng kwartong tutuluyan ko, ang akala ko ay sa maid's quarter ako ngunit nagulat nalang ako sa tinuran ni Mama Lina. "Katabi ng kwarto ni Nick at Zach ang kwartong tutuluyan mo hija, iyong kulay puting pintuan na nasa gitna ng kulay kayumanggi at itim na mga pinto."
"Po? Ay naku, hindi na Mama, ayos lang naman po ako sa Maid's Quarter," gulat na sabi ko. "Hija, magtatampo kami kapag hindi ka pumayag, sige na pumayag kana," pangungumbinsi naman ni Papa Huseo kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag at umakyat, pagka-akyat ko ay sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko.
Pagkatapos mag-ayos ay dumiretso ako sa banyo para maglinis ng katawan, kanina pa ako nanlalagkit, suot ang isang sleeveless na damit at shorts ay lumabas na ako ng silid ko at bumaba.
Nasa hagdanan palang ako ng makita ko ang mag-asawa na nasa pintuan ng mansyon at halatang may sinasalubong, ng magawi ang paningin ko sa bandang gilid ng pintuan ay napatda ako, isang pares ng kulay kayumangging mga mata ang sumalubong sa paningin ko na nakapagatigil sakin sa pagbaba ng hagdan. Ang mga matang kay tagal ko ng inaasam na makita at mapagmasdan ulit, mga matang nakakapagpatigil ng pag-inog ng mundo ko at nakapagpapabilis ng tibok ng puso ko, mga matang tila nanghihigop, tila nang-aakit.
"Catalina Lopez!" sigaw ng isang tinig mula sa kabilang panig ng pintuan na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan, napakurap ako bago ibinaling ang atensyon sa pinagmumulan ng sigaw. Isang matikas ang pangangatawan na lalaki ang nakita ko roon, mayroong medyo kayumangging balat, makapal na kilay at mahabang pilik-mata. "Nickolas!" nagagalak na wika ko ng makilala kung sino ang lalaki, mabilis akong pumanaog sa hagdanan at tinakbo ang distansya namin sabay lundag ng bahagya para yumakap sa kanya, tumatawang sinalo naman niya ako at yinakap din.
"Hindi naman halatang namiss mo ako no?" panunudyo niya, natatawang humiwalay kami mula sa pagkakayakap sa isa't isa. "Naging moreno ka ata Nick? Outdoor ba ang trabaho mo kaya nabibilad ka sa araw lagi?" tanong ko sa kanya, hindi naman kasi siya moreno, maputi sila pareho ni Zach dahil may lahing kastila ang papa nila.
"Hands on na kasi ako sa hacienda namin Catty kaya ito naging moreno na ako, muntik mo na tuloy akong hindi makilala," biro niya na sabay naming ikinatawa. "Muntik na talaga Nick, inisip ko pa ng una kung sino ka," pagbibiro ko din. "Aray ah. Grabe ka naman makapanakit Catty," wika niya sabay maarteng humawak sa dibdib na animo nasasak, natatawang pinanggigilan ko ang dalawang pisngi niya at mahinang tinampal ang mga iyon.
"Biro lang, syempre naman makikilala padin kita anukaba," saad ko naman na ikinangiti niya, magsasalita na sana si Nick ng marinig namin si Mama Lina na nagsalita. "Oh Zach, saan ka pupunta? Hindi mo man lang ba babatiin si Catalina?" tanong niya na nakakapagpalingon sakin sa direksyon ng puno ng hagdan kung saan naroon si Zach at akto nang papanhik ng hagdan.
"Do I have to? I don't know her," sagot niya na nakapanlumo sakin, hindi ba niya ako maalala? "What do you mean by that Zach? Kayong tatlo nila Nick at Catalina ang magkakasama dati nung maliliit pa kayo hanggang nga sa naging teenager kayo ay magkakasama padin kayo," nakakunot noo naman tanong ni Mama Lina, bahagya lang akong tinapunan ng tingin ni Zach bago sumagot.
"Really? Wala akong maalalang ganyan, wala akong kilalang Catalina, ngayon hayaan na po ninyo akong makapagpahinga Ma, ako sa byahe," pumanhik na siya pataas ng hindi man lang tumitingin sa gawi ko ulit. Talaga bang hindi na niya ako maalala? O sadyang nagmamaang-maangan lang siya? Ganoon ko ba siya nasaktan ng sobra para kalimutan niya ako?
"Ay naku, Catalina hija pasensya kana kay Zach ha? Malaki talaga ang pinagbago ng batang iyan," paghingi ng paumanhin ni Mama Lina ng tuluyan ng maka-akyat si Zach. "Ayos lang po iyon Mama, wala po iyon sakin," sagot ko sabay ngiti ng bahagya, pero ang totoo ay nasasaktan ako dahil sa ginawa niyang iyon, ngunit ano nga ba ang magagawa ko diba?
"O siya, magkwentuhan muna kayo ni Nick hija at kami ay magluluto muna ng hapunan natin," paalam ni Mama Lina na tinanguhan lang namin ni Nick bago sabay na nagtungo sa sala at naupo, pagkaupo namin ay isang mahabang katahimikan ang nanaig sa amin.
YOU ARE READING
Homecoming
RomancePagkatapos makipagsapalaran sa syudad para matupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, uuwi na si Catalina sa lugar kung saan siya namulat. Buong akala niya ay madadatnan niya ang lalaking mahal niya na naghihintay sakaniya doon ngunit iy...