Chapter 6
“Ang daldal mo talaga Nick! Ipapahamak mo pa ako, bakit mo ba sinabi yun? Paano kung umasa si Mama Lina?” nag-aalalang tanong ko kay Nick habang nililigpit naming dalawa ang pinagkainan namin. “Chill Catty, you have nothing to worry. Akong bahala, I got you,” aniya habang nangingiti.
“Wala akong tiwala sa ngiting yan Nick, you’re planning something na hindi ko magugustuhan,” nagdududang akusa ko sa kaniya. “Oh c’mon Catty, itong mukhang ‘to hindi mapagkakatiwalaan? I don’t think so,” wika niya at dinala na ang mga kubyertos na hawak niya papunta sa kusina, sumunod ako sa kanya dala din ang iba pang mga hugasin.
“Nick naman, wag mo ngang gawing biro ang lahat ng ito. Kinakabahan ako sa gagawin mo, may kutob akong hindi ako aayon dyan,” inilagay ko sa lababo ang mga dala ko at sinimulan iyong banlawan para makuha ang mga tira-tira. “Hindi mo naman kailangang sumang-ayon eh, all you have to do is wait and trust me, okay?” ito ang ayaw ko kay Nick, matigas ang ulo niya. Kung gusto niyang gawin, gagawin talaga niya at hindi siya papapigil.
Magsasalita pa sana ako para sumagot pero tinawag siya ni Mama Lina kaya kumaripas na siya ng alis para puntahan si Mama at syempre para takasan din ako, napailing-iling nalang ako at napabuntong-hininga.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko, nagsasabon na ako ng mga hugasin ng may biglang nagsalita sa likod ko. “Need help?” biglang salita ng kung sino sa likod ko. “Zach! You startled me for goodness sake!” magkasalubong ang kilay na saad ko ng malingunan si Zach sa likod ko.
“Did I? Sorry about that, so need a hand?” ulit nitong tanong at tumabi sakin sa lababo, hindi na nito hinintay ang sagot ko at agad na nagbanlaw ng mga hugasin. “Kaya ko naman ito Zach, ako naman ang nagpresinta na maghugas eh,” nahihiyang sambit ko sa kanya, ako naman talaga ang nagpresinta na maghugas, tinulungan lang ako ni Nick na magligpit.
“Hayaan mo na akong tulungan ka, Yna. Magaan na gawain lang naman ito,” malumanay na wika niya at nginitian ako. Hindi na lamang ako kumibo at hinayaan siyang tulungan ako, nagpupunas na ako ng mga hinugasan namin ng magsalita siyang muli.
“Galit ka ba sakin, Yna?” tanong niya na nakapagpatigil sakin sandali sa pagpupunas. “Bakit naman ako magagalit sayo?” sagot ko at ipinagpatuloy na ang pagpupunas.
“Dahil sa ginawa kong pagtanggi sayo kanina, baka kasi nagalit ka sakin,” bakas ang pag-aalala sa tono ng kanyang pananalita. Natapos ko na ang pagpupunas at pag-aayos ng mga plato pabalik sa lalagyan ng mga ito kaya humarap na ako kay Zach, nakita ko siyang nakasandal sa counter top.
“Hindi ako galit sayo Zach, ang babaw ko naman ata kung magagalit ako sayo dahil lang dun, diba?”
Naalarma ako ng umalis siya sa pagkakasandal sa counter top at naglakad papunta sa kinalalagyan ko. “Talaga? Hindi ka galit sakin,” naninigurong tanong niya at huminto mismo sa harap ko sabay yuko ng bahagya para magpantay ang mga mukha namin.
“Hindi nga ako galit sayo, okay? Atsaka pwede ba ilayo mo nga iyang mukha mo Zach, nakakaasiwa eh,” reklamo ko at sinimangutan siya, isang tawa muna ang pinakawalan niya bago siya umayos ng tayo.
“Ang cute mo padin Yna,” parang naaaliw na saad niya at pinisil ang mga pisngi ko. “Zach naman! Masakit kaya, baka akala mo hmp!” mas lalo akong sumimangot pagkasabi ko nun na tinawanan lang din ni Zach.
“Ang sarap kasi pisilin ng mga pisngi mo kaya ganoon. So, we’re friends?” inilahad niya ang kamay niya at nginitian ako. “Kailan ba tayo hindi naging magkaibigan Zach? We’re friends since childhood duh,” saad ko at pabiro siyang inirapan saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. Muntik na akong napakislot ng lumapat ang palad niya sa palad ko, masarap sa pakiramdam ang init na hatid ng kamay ni Zach sa kamay ko, isang awkward na katahimikan ang namayani sa amin habang magkahulagpong ang mga palad at paningin, unti-unting bumaba ang mukha niya papunta sa mukha ko ngunit bago pa maglapat ang mga labi namin ay nakarinig ako ng tikhim.
“Yna? Are you okay?” untag ni Zach sa akin na nakapagpabalik sakin sa realidad, namula ng husto ang mukha ko ng marealize na nagde daydream pala ako, tumikhim ako at pasimpleng binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil sa naramdamang hiya.
“U-Uhm yeah, I’m fine, sorry nag space out ako. Siguro ay inaantok na ako kaya ako nag space out,” sagot ko at inilagan ang mga mata niya. “Siguro nga ay ganoon, hindi ka pa nakakapagpahinga simula ng dumating ka diba? I think you need to rest now Yna,” nag-aalala naman niyang wika.
“Yeah, I think so. Napagod nga siguro ako sa biyahe at hindi lang iyon namalayan dahil sa excitement,” sang-ayon ko na lamang sa kanya kahit na alam kong hindi dahil sa antok kaya ako nag space out kanina habang hawak niya ang kamay ko.
“Oh, paano akyat na ako ah? Maiwan na kita at magpapahinga na ako,” paalam ko sa kanya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti para hindi niya mahalatang naiilang na ako.“Goodnight Yna, matulog ka ng mahimbing okay?” saad niya na tinanguan ko lang. Pagkatango ko ay dali-dali akong umalis sa kusina at nagtungo sa sala kung saan naroon ang hagdanan.
“Oh, hija. Saan ka pupunta?” tanong ni Mama Lina ng makita akong naroon. “Magpapahinga na po Mama, napagod ho kasi ako sa byahe. Kung hindi niyo po mamasamain na mauna na akong matulog,” wika ko sa kanya.
“Ah ganun ba, sige hija magpahinga kana,” sagot naman niya at ngumiti, tumayo si Nick at lumapit sakin. “Goodnight Catty,” saad niya at dinampian ako ng halik sa noo. “Goodnight din Nick.”
Nagpaaalam na ako sakanila, pati na din kay Tiya Flores na naroon din sa sala. Nagmamadali akong umakyat at pumasok sa kwartong tinutuluyan ko at nahiga sa kama. Wtf is that? Daydream? Geez, nakakahiya ka, Catalina! Bakit naman ako nag-isip ng ganoon? Gusto ko bang halikan niya ako? Ew, no way! Hindi ako papahalik sa isang babaero na kagaya niya!Pilit kong inalis sa gunita ko ang naisip kanina na muntik na akong halikan ni Zach at pumikit na para matulog. Ngunit kahit sa panaginip ay dinalaw pa din ako ng mga kulay kayumangging matang iyon, at ng mga matatamis na alaala.
YOU ARE READING
Homecoming
RomancePagkatapos makipagsapalaran sa syudad para matupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, uuwi na si Catalina sa lugar kung saan siya namulat. Buong akala niya ay madadatnan niya ang lalaking mahal niya na naghihintay sakaniya doon ngunit iy...