Chapter 8
Trusting Zach about directions is a wrong decision. Akala ko pa naman alam niya ang pasikot-sikot sa hacienda nila, yun pala nagmamagaling lang ang loko! Ang kinatatakutan kong mangyari kanina ay nangyari na nga, now we're roaming around not knowing which direction to take.
“Ano na, Zach?! Kanina pa tayo paikot-ikot, ang init init na dito!”
“Stop shouting! Hindi ako makapag concentrate dahil sa kakasigaw mo.”
“Anong concentrate concentrate, eh kanina mo pa sinasabi yan eh. Wala naman tayong napapala sa pagko concentrate mo kuno! Kanina pa tayo palakad-lakad dito oh, tirik na tirik na ang araw. Bakit ba kasi ako sumama sayong hinayupak ka! Akala ko naman alam mo ang daan, hindi ka pa nagpasama kay Mang Julian kanina argh!”
“Kaysa magreklamo ka dyan, tulungan mo kaya akong alalahanin ang daan pabalik ano?”
“Zach, nakalimutan mo bang ilang taon akong nawala dito? Kakabalik ko lang diba? Anong aasahan mo sakin? Hindi ko alam kung saan na parte na tayo ng hacienda, hindi din naman ako masyadong gala dati kaya hindi ako pamilyar sa hacienda niyo. Ikaw dapat ang may alam dahil isa ka naman sa may-ari nito!” lukot ang mukha kong reklamo, kanina pa kami palakad lakad at mukhang imbis na mapalapit ay lalo yata kaming napapalayo sa parte kung nasaan ang mga trabahador sa hacienda. Isang lugar lang naman ang napuntahan ko dito na medyo malayo eh, at iyong ilog yun, malapit sa tree house namin dati.
“Pareho lang tayong nawala ng ilang taon Yna! Hindi ko din alam ang daan pabalik!” sagot niya na dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko, ano kamo?
“Ano? Paanong ilang taon kang nawala dito Zach? Anong ibig mong sabihin?” gulat at naguguluhan kong saad sa kanya.
“Lumawas din ako pa syudad Yna, doon ako nag-aral. Kagaya mo ngayon lang ako nakauwi ulit dito.”
“Ano?! Eh bakit tumanggi ka kanina na magpasama kay Mang Julian? Akala ko pa naman alam mo ang daan kaya ka tumanggi!”
“Hindi mo ba nakitang maraming ginagawa si Mang Julian? Mang-iistorbo ka pa ng tao, eh marami iyong trabaho.”
Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakalukot nito, tangina ng lalaking ito!
“Edi sana hindi mo ako hinila dito ano. Ayan, nagmamagaling ka kasi!”
“Paanong hindi kita hihilahin para mamasyal eh para kang pinagsakluban ng langit at lupa kanina.”
“Ay, bakit parang kasalanan ko pa? Kasalanan ko ha?” i glared at him and roll my eyes afterwards.
“Oo na, hindi mo na kasalanan. Kayo talagang mga babae, lagi kayong tama eh no.”
“Ewan ko sayo, humanap ka nalang ng masisilungan natin. Ayoko ng maglakad eh, nakakapagod na,” nakasimangot kong utos sa kanya.
“Teka, parang pamilyar ang lugar na ito ah. Ay oo, malapit ‘to sa ilog Yna!” nanlaki ang mata niya na para bang nakakita siya ng anghel.
“Oh tapos? Ano naman ngayon? Gusto mong maligo sa ilog?” nakataas ang kilay kong tanong.
“Hindi mo ba naalala? Malapit sa ilog ang tree house natin!”
Napakunot ang noo ko at inintindi ang sinabi niya. Nagliwanag ang mukha ko ng mapagtanto na ang ibig niyang sabihin.
“Ay oo, halika na dali! Gusto ko nang ipahinga ang mga paa ko!” inabot ko ang kamay niya at hinila pero napahinto din agad ng may maisip.
“Pero teka, nandoon pa kaya iyon? Ilang taon na ang lumipas, baka sira na yun ngayon,” napasimangot ako sa naisip.
YOU ARE READING
Homecoming
RomancePagkatapos makipagsapalaran sa syudad para matupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, uuwi na si Catalina sa lugar kung saan siya namulat. Buong akala niya ay madadatnan niya ang lalaking mahal niya na naghihintay sakaniya doon ngunit iy...