020

219 73 16
                                    

4:45am

Kaide Khalil Ybarra: Hi Val

Kaide Khalil Ybarra: Ang sarap mo pala kausap kapag matino ka.

Vixienne Yzalea: -,-

Kaide Khalil Ybarra: Aga mo ngayon gumising ah? Inaabangan mong ichat kita nu?

Vixienne Yzalea: Grabeeee. Ang assuming mo talaga.

Vixienne Yzalea: Alam mo bang marami ang nanamatay sa maling akala.

Kaide Khalil Ybarra: Panira ka talaga ng umaga ket kailan.

Vixienne Yzalea: I know.

Vixienne Yzalea: I know

Vixienne Yzalea: I know for sure~

Kaide Khalil Ybarra: Everybody want to steal my girl~

Kaide Khalil Ybarra: Everybody want to take her heart away~

Vixienne Yzalea: Couple billion in a whole wide world~

Kaide Khalil Ybarra: Find another man because she belongs to me~

Vixienne Yzalea: HAHAHA gagi.

5:00am

Vixienne Yzalea: Khalil matanong ko lang bakit mo ko Inaccept agad nung mag-add ako sayo? Dapat hindi mo ko in kasi di mo naman ako kilala eh.

Kaide Khalil Ybarra: 'Di kita kilala?

Kaide Khalil Ybarra: Haha, talagang nakalimutan mo na nga ako

Vixienne Yzalea: Nakalimutan?

Vixienne Yzalea: Khalil magkakilala magkakilala na ba tayo dati pa?

Kaide Khalil Ybarra: Huh?

Kaide Khalil Ybarra: Hoy Val! Hindi ah!

Vixienne Yzalea: Ah okay.

5:20am

Kaide Khalil Ybarra: Siya nga pala Val, may tanong ako sa'yo.

Vixienne Yzalea: Hm? Ano yun?

Kaide Khalil Ybarra: Maari ba akong magtanong kung ano ang mga paborito mo? At ayaw mo sa isang tao?

Vixienne Yzalea: Bakit mo naman gustong magtanong ng mga ganiyan?

Kaide Khalil Ybarra: Ako una nagtanong. Sagutin mo muna yung tanong ko.

Vixienne Yzalea: Ghe. Depende sa sagot mo sakin ang isasagot ko pabalik sayo.

5:28am

Kaide Khalil Ybarra: Gusto lang kitang makilala ng maayos. Hysst ano payag ka na? HAHAHA please.... Valllllll! Please...

Vixienne Yzalea: Okay sige, ganito nalang. Kung ano ang itatanong mo sa akin matapos kong sagutin yun. Itatanong ko rin yun saiyo. Deal?

Kaide Khalil Ybarra: OKAY!

Kaide Khalil Ybarra: Ilang taon ka na?

Vixienne Yzalea: Hmm 17 years old. Ikaw?

Kaide Khalil Ybarra: Sabi na nga ba

Vixienne Yzalea: Huh?

Kaide Khalil Ybarra: Sabi ko ano.

Kaide Khalil Ybarra: Sabi na nga ba, tatanungin mo ko pabalik.

Vixienne Yzalea: Hmm. Kakasabi ko lang din kanina. So ilang taon ka na rin ba?

Kaide Khalil Ybarra: Magka-age lang tayo.

Vixienne Yzalea: Naks naman.

Kaide Khalil Ybarra: Val, anong favorite color mo?

Vixienne Yzalea: Black. Ikaw?

5:34am

Kaide Khalil Ybarra: Dinaig mo pa lalaki. Seryoso? Favorite mo color black?

Kaide Khalil Ybarra: Blue, favorite color ko.

Vixienne Yzalea: Bakit kapag babae ba, bawal na maging favorite color ang black?

Kaide Khalil Ybarra: Hindi naman sa ganun.

Vixienne Yzalea: Yun naman pala eh.

Kaide Khalil Ybarra: Anong favorite food mo?

5:55am

Vixienne Yzalea: Pritong tinapa na may kamatis at sawsawan na soy sauce na mayroong kalmansi.

Kaide Khalil Ybarra: (゚ο゚人))

Vixienne Yzalea: HAHA ikaw?

Kaide Khalil Ybarra: Bicol express.

Vixienne Yzalea: 0____0 Seryoso??? Yung kababata ko na iniwan ako noon. Favorite niya rin ang Bicol express.

6:17am

Kaide Khalil Ybarra: Pareho pala kami nung kababata mo na favorite ang Bicol express.

Vixienne Yzalea: Hm

Kaide Khalil Ybarra: Malay mo ako pala siya.

Vixienne Yzalea: Ang galing mo talaga mag-biro Khalil.

Vixienne Yzalea: Ang layo ng ugali mo sa kababata kong yun. Alam mo ba napakamahiyain nun, mabait, hindi ko maipagkakaila na gwapo siya, oo. Pasaway siya. Makulit din kagaya mo, pero mas makulit ka. Matakaw siya. Hysst miss ko na yung kababata ko. Kaso nagtatampo ako sa kaniya iniwan niya ako ng walang paalam. Pagkatapos naming maglaro ng saranggola sa sakahan, nabalitaan ko kinaumagahan nun umalis na siya papuntang Maynila.

Vixienne Yzalea: Grabe iyak ko ng araw na yun. 'Di man lang kasi siya sa akin nagpaalam.

Kaide Khalil Ybarra: Shhh tahan na Vixienne. Ngayon ko lang ikaw nakita nagchat ng mahaba ah.

6:37am

Kaide Khalil Ybarra: Sigurado akong may dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Kung bakit ka niya iniwan ng walang paalam.

Vixienne Yzalea: Paano mo naman nasisigurado? Ikaw ba siya?

Kaide Khalil Ybarra: Lahat ng bagay may dahilan kung bakit ito nangyayari. Sigurado akong miss na miss ka na rin nung kababata mo, Val.

Vixienne Yzalea: Sana nga. Pero malabo. Imposible mangyari. Malay mo diba iniwan niya ako kasi Wala siyang pakialam sa akin?
Sino naman ako diba? Isa lang naman akong kalaro niya.

Kaide Khalil Ybarra: Walang impossible kung nakatadhanang mangyari.

Kaide Khalil Ybarra: Pero kung nasaan man siya ngayon anong gusto mong sabihin sakaniya o ipaalala?

6:44am

Vixienne Yzalea: Gusto kong sabihin sa kaniya na kung naalala pa kaya niya ang code naming magkaibigan, yung kaming dalawa lang ang nakakaalam? Tsaka gusto kong sabihin sakaniya na kung nasaan man siya ngayon, mag-ingat siya palagi.

Kaide Khalil Ybarra: Sana ol (っ˘̩╭╮˘̩)っ

Vixienne Yzalea: Ang dami mo tuloy nalaman tungkol sakin. Daldal ko talaga.

Kaide Khalil Ybarra: IMPROVING KA NAAAAAA!!!!! (༎ຶ ෴ ༎ຶ)ヾ(*'O'*)/

Vixienne Yzalea: Hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit ko ba sinasabi sayo ang mga bagay na to. Ngayon lang ako nag-open up sa isang tao eh.

Kaide Khalil Ybarra: (っ˘̩╭╮˘̩)っ

Seen 6:49am

_____

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now