WAKAS

175 32 25
                                    

WAKAS

"Paano ngayon mahal ko? Naalala mo ba ng mga bata pa tayo? Tinawag mong babalo ang tatay ko? Eh ano ka ngayon? Tatay mo na rin ang Tatay ko. May Tatay ka nang mahaba ang baba." Pang-aasar ko sa asawa ko. Inis ako nitong tinignan at hinampas ng kaniyang kamay.

"Tss...mga bata pa naman tayo no'n. Tsaka ikaw?! Tinawag mo ring dakilang chismosa ang Nanay ko ah. Paano ka ngayon? Ang nanay kong chismosa, nanay mo na rin." Balik niyang sabi.

Natawa na lamang ako sa itsura niya.

"Pikon na naman ang buntis ko." Pang-aasar ko ulit, masama niya akong tinignan kaya't hinalikan ko na lamang siya sa pisngi na siyang ikinamula ng mukha niya dahil sa ginawa ko.

Ganito ang buhay ko ngayon. Subrang sarap sa pakiramdam kapag kasama mo ang mga taong mahal mo.

Naging maayos na rin ang relasyon namin ni Mommy. Minsan umuuwi kaming mag-asawa sa Mansion ng magulang ko. Minsan naman ay kina Flame kami namamalagi. Pero madalas dito na kami sa pinatayo naming bahay ng aking asawa. Kung dati-rati ay pinangarap lang namin ng magkasama na magkaroon ng sariling bahay. Siya ang arkitekto ko at ako ang inhiyero niya. Ngayon heto na natupad na namin ang pangarap namin ng magkasama.

Dati ay sinubukan kong hanapin ang tunay kong mga magulang ngunit nabalitaan ko na patay na pala ang aking tunay na Ina't Ama. Nalaman ko rin kung saan sila nakalibing kung kaya't binibisita na lamang namin ni Flame ang aking mga magulang sa kanilang puntod.

"Val bakit noong unang pagkausap natin sa RP acc ko, ang sungit-sungit mo at pinagmumura mo pa ako? Alam ko namang masungit ka talaga pero nang nakausap kita mas dumoble iyong pagkamasungit mo nang mga panahong iyon. Angyare?"

"Hmm...ewan ko ba sa sarili ko nang mga panahong iyon. Basta ayoko na ulit maattach ng subra sa isang tao, kaya mas pinili kong magsungit na lamang. Sabi ko nga sa sarili noong umalis ka dati, lesson learned 'wag agad-agad maattach sa isang tao dahil kalaunan iiwan ka lang naman nito matapos pasokin ang buhay mo. Wala naman kasing nananatili. Kadalasan palaging umaalis. Pagkatapos manghimasok aalis lang naman."

"Ayoko na rin noon magkaroon ulit ng lalaking kaibigan. Kasi kahit iniwan mo ako noon, ikaw at ikaw lang ang itinuturing kong matalik kong kaibigan na lalaki." Dagdag na usal niya."

"Naiintindihan ko." Malungkot na saad ko.

"Pero kahit umalis ako...bumalik pa rin naman ako diba? Binalikan pa rin kita. Kinalangan kong umalis nang mga panahong iyon dahil wala akong kakayahang pigilan ang desisyon ng magulang ko." Dagdag kong sabi.

"Hmm...shh...tama na Luis. Mabuti na lang at bumalik ka, hinintay pa naman kita. Buti na lang at binalikan mo pa ako." Pumiyok na aniya. Nakita kong kumislap ang kaniyang mga mata at halatang pinipigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo galing sa kaniyang mga mata.

"Syempre babalikan kita." Usal ko. Nagulat na lamang ako ng yakapin ako ng mahigpit ng asawa ko at umiyak sa mga bisig ko. Agad ko siyang niyakap pabalik at hinalikan ang kaniyang noo.

"Shh...huwag ka nang umiyak, Flame. Papangit ka lalo niyan. Natatakot pa naman ako na baka ipaglihi mo sa sama ng loob iyang magiging anak natin." Agad siyang lumayo sa akin at hinampas ulit ako.

"Ouch!"

Ibang klase talagang babae ito. Pikonin na. Amazona pa.

"Pftt change topic na tayo, Luis. Let's move forward. Naiintindihan ko naman na, napag-usapan naman na natin ito noon. Ang tungkol sa hindi ka tunay na anak ng mga tumayong magulang mo. Lahat, naiintindihan ko, lahat ng paghihirap mo. Sadyang umeetchos lang ako kanina."

"Naiyak lang ako dahil narito ka na sa tabi ko, kapiling na kita at magkasama tayong bubuo ng pamilya." aniya. Ginulo ko na lang ang buhok niya at hinalikan siya sa labi.

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now