032

199 55 29
                                    

Vixienne Yzalea: Nagpanggap? Anong ibig mong sabihin Khalil?

Vixienne Yzalea: Ano yung unsent? Ang hilig mo mag-unsent ng message.

Vixienne Yzalea: Hindi naman kasalanang magmahal. Pero ayoko ng pagmamahal na sa ganitong paraan.

Kaide Khalil Ybarra replied on your message"Nagpanggap? Anong ibig mong sabihin Khalil?"
Kaide Khalil Ybarra : Wala. Wag mong intindihin yun.

Kaide Khalil Ybarra: Nagustohan mo rin ba ako, Vixienne? Kahit katiting lang?

Seen 3:16pm

Kaide Khalil Ybarra: Kahit tuldok lang?

Seen 3:18pm

Kaide Khalil Ybarra: Vixienne? Sagutin mo ang tanong ko.

Seen 3:19pm

Kaide Khalil Ybarra: Gusto mo rin ba ako?

Vixienne Yzalea: 'Wag mo kong tanungin ng ganiyan.

Kaide Khalil Ybarra: Gusto kong matauhan. Kahit katiting lang. Nagustohan mo ba ako?

Kaide Khalil Ybarra: Kasi ako, mahal na kita.

Kaide Khalil Ybarra: Vixienne, kahit tuldok lang. Bigyan mo ko ng pag-asa.

Vixienne Yzalea: Tama na Khalil.

Kaide Khalil Ybarra: Vixienne naman oh. Wag namang ganito.

Vixienne Yzalea: Layuan mo muna ako

Kaide Khalil Ybarra: 'Di ko kayang gawin yan.

Vixienne Yzalea: Edi kayanin mo.

Kaide Khalil Ybarra: Vixienne...

Vixienne Yzalea: Idedelete ko na rin itong RP account ko.

Vixienne Yzalea: Masyado na akong nalilibang sa online.

Vixienne Yzalea: Pagod na rin akong makipaglaro

Vixienne Yzalea: Pagod na akong makipaglaro sayo.

3:37pm

Kaide Khalil Ybarra: Nang dahil lang ba sa pag-amin ko iiwasan mo na ako?

Kaide Khalil Ybarra: Nang dahil lang dun iiwan mo na ako?

Vixienne Yzalea: Hindi mo ko masisisi. Takot akong magmahal.

Vixienne Yzalea: Takot akong magmahal sa magpaglarong mundo ng RPW. Hindi ko alam ang ginagawa mo sa tunay na buhay at ako, 'di mo rin ako kilala. Ayoko nito. Sana 'di ka nalang umamin.

Vixienne Yzalea: Mas lalong naging kumplikado lang ang sitwasyon.

Vixienne Yzalea: Mas lalo mo akong binibigyan ng pag-asa. Pero ayoko nito.

Vixienne Yzalea: Ayos lang sana na magpanggap tayo bilang magkasintahan. Tanggap ko naman na yun. Na hanggang laro-laro lang ako. Pinigilan ko sarili ko. Dahil alam kong hanggang dun lang dapat.

Vixienne Yzalea: Layuan mo na ako Khalil.

Vixienne Yzalea: Tandaan mo. Hanggang laro-laro lang ang lahat? Bakit mo sineryoso ang pagpapanggap na ito?

Kaide Khalil Ybarra: Val

Kaide Khalil Ybarra: Please 'wag ganito.

Kaide Khalil Ybarra: Iba nalang basta wag ganito.

Kaide Khalil Ybarra: Pukingina nagmahal lang naman ako ah? Masisisi mo ba ako? Di ko napigilan yung nararamdaman ko. Alam kong kalaro mo lang ako, pero nahulog ako eh...

Kaide Khalil Ybarra: Ayus lang naman na 'wag mo akong saluhin. Gusto ko lang naman ipaalam sayo ang nararamdaman ko.

Vixienne Yzalea: Pasensya hindi ako naniniwala dyan sa nararamdaman mo para sa'kin.

Vixienne Yzalea: Dahil simula pa lang. Randam ko na pinagtitripan mo lang naman ako.

Vixienne Yzalea: Wala tayo sa RW. Nasa RPW ka gago!

Vixienne Yzalea: Kalaro mo lang ako, alam kong alam mo na hanggang dun lang dapat tayo.

Vixienne Yzalea: Takot akong magmahal.
Dahil yung tipong 'di pa nga kita minamahal, nasasaktan na ako. Dahil tingin ko sa mga pabanat-banat mo, pinagtitripan mo lang naman ako.

Kaide Khalil Ybarra: Kung takot kang magmahal narito ako para samahan kang matutong magmahal nang walang takot.

Kaide Khalil Ybarra: Wala naman masama na sumugal sa taong mahal mo hindi ba?

Kaide Khalil Ybarra: Vixienne bigyan mo naman ako ng pagkakataon na patunayan sayo ang sarili ko?

Kaide Khalil Ybarra: Vixienne gustong-gusto kita. Ikaw? Ganun ka rin ba? Maari rin bang mangyari na matutunan mo rin akong magustohan pabalik?

Vixienne Yzalea: Hindi na yun mangyayari dahil nangyari na.

Vixienne Yzalea: Malapit nang matapos ang istorya nating dalawa, nang hindi man lang nag-uumipisa.

Kaide Khalil Ybarra: Anong ibig mong sabihin?

Kaide Khalil Ybarra: Dinggin mo naman ang opinyon ko oh. 'Wag puro sarili mo iniisip mo.

Kaide Khalil Ybarra: Pag-usapan natin 'to ng maayos.

Kaide Khalil Ybarra: Paano naman ako?

3:45pm

Vixienne Yzalea: Patawad.

This person is unavailable on messenger


______

Please kindly votes and comments your feedbacks. Thank you!

Sa mga nagtatanong pala kung hanggang ilang parts ang story na ito. Hanggang 55 parts lang po siya. Pero maari pa yang magbago, depende sa mood ko :>

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now